Kabanata 28

7K 263 95
                                    

Disclaimer: I did some research but this is mostly fictional. Don't take it against me. 


Coronation 


This is it. The day I've been waiting for. Nagising ako nang maaga para magjogging. Nicole and Nelle was with me the whole night to keep me company. I made sure to pull Ed out of my mind. I need to focus. 


Umuwi ako sa condo at nagprepare na para pumunta sa hotel kung saan nagsistay ang mga kapwa ko kandidata. I decided not to stay with them, I was still scared. 


"Tangina ako yung kinakabahan eh." Sabi ni Nicole habang inaayos ang gamit ko. 


"Shush wag kang maingay di rin ako mapakali." I just laughed at them as I blowdried my hair. 


They never failed to make sure that Im alright. Alam ko naman na kaya ko ito. Whatever happens, I am already proud of myself for reaching this far. 


I was in the middle of eating my breakfast when my phone rang. It was Bria. She will be hosting tonight's competition, kaya I will see her later. Sinagot ko ang tawag, she probably wants to wish me good luck. 


"Oh gaga bakit?" Sabi ko nang sagutin ang tawag. 


"Bwisit ka! Good luck mamaya ha! Break a leg! Kailangan mo manalo, malaki ang ipinusta ko sayo!" Sagot niya habang tumatawa. 


Punyeta bakit nila ako pinagpupustahan? 


"Tangina anong pustahan?" Nilingon ko si Nicole at nanlaki ang mata niya. 


Alam din yata ng gaga. Nilipat ko ang tingin ko kay Nelle at inikot niya lang ang tingin siya sa buong condo. So she's involved here too? Pinanliitan ko sila ng mata at nag peace sign silang dalawa sa akin. 


"Hehe, ako pusta ko na magiging Miss International ka. Si Nicole sabi niya Miss Supranational ka raw. Miss Globe naman ang kay Nelle. Pero kahit ano pa yan proud ako sayo!" Agad kong binato ng matalim na tingin ang dalawa na nasa likod ko. 


"Wala man lang pumusta na mananalo akong Miss Universe? Mga hayop kayo." Bago ko pa man masapak ang dalawa ay agad na bumukas ang pinto ko. 


"Miss Grand International Philippines ang pusta ko." My eyes widened at the people on my door. 


What the fuck!


"Sakin naman Miss International." Ngiti pa nang isa at tuluyan na silang pumasok. 


"Ah basta anak, Miss Universe ang pusta ko. Hindi naman kami pumunta dito para sa wala ano!" That's when I stood up and hugged them. 


It was Aling Belen, Megan and Anne. They flew all the way here! Hindi ko napansin na on call pa pala kami ni Bria. 


"Hoy! Leche ka bakit hindi mo sinabi!" Sigaw ko sa cellphone. 


Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora