Kabanata 15

6.7K 203 55
                                    

Report 


It's been a three days since the incident happened. Hindi ko pinapansin si Andres dahil malaki pa rin ang tampo ko sa kanya. I was worried about him. I was scared. Siguro ang dahilan kung bakit hindi ko pa rin siya kinikibo ay dahil yamot akong hindi siya nakinig sa akin. 


It may sound immature, but it really hurt my feelings when he didn't listen to me. Kung sana nakinig siya sa akin ay wala siyang mga galos at sugat. 


"Good morning to my universe! I cooked breakfast. Let's eat?" Suot niya pa ang apron kong pink na may malaking heart sa dibdib. 


Inirapan ko lang siya at umupo na sa lamesa. Tatlong araw na siyang ganito. Lagi siyang nauunang bumabangon para magluto. Hindi na rin siya sumasama sa laot para magpahinga muna. Sobrang hands-on niya sa akin. Alam niyang yamot ako sa kanya pero hindi naman siya nagrereklamo. 


"Baby, ang ganda mo talaga ano. Kain ka pa!" Dinagdagan niya ang sinangag sa plato ko. Tiningnan ko lang siya. He then bit his lower lip. Umatras siya ng kaunti palayo sa akin at ngumiti ng alanganin. 


Kinain ko pa rin naman ang idinagdag niyang kanin. Masarap siya. I mean masarap magluto okay? But still not enough for me to be casual to him again. Nagtatampo pa rin ako. 


"Love! Iwan mo na yan, ako nang bahala dyan sige na maligo ka na." Kinuha niya ang hawak kong pinggan at siya na ang naghugas noon. 


I was wearing a spaghetti strap, he kissed my shoulders before letting me go. Nagbuntong hininga na ako at nagtungo sa banyo para maligo. Matapos maligo ay lumabas na ako patungo sa kwarto. I caught him cleaning the mini sala we have. He just gave me a big smile as he swept the floor. Suot niya ang knot headband ko. Lagi naman, simula noong ibinigay ko iyon sa kanya ay isinusuot niya kapag nandito sa bahay. 


Pagpasok ko sa kwarto ay nakalatag na sa kama ang mga damit ko. Mayroong shirt doon at maong shorts. The typical clothes I wear to work. Nakapatong na rin sa kama ang lotion na gamit ko. Tatlong araw na niya itong ginagawa. Sinuot ko naman ang damit na inihanda niya para sa akin. 


I was about to comb my hair but I can't find the brush anywhere. Maya-maya ay kumatok siya sa pinto. Pumasok siya at hawak niya ang suklay. Inilahad ko ang kamay ko para ibigay niya ito sa akin. He just shook his head. Umupo siya sa dulo ng kama. He then tapped the bed, a sign for me to sit down. 


Sumunod naman ako at umupo. Pagkaupo ko ay tumayo siya upang kumuha ng towel. He dried my hair and then he comb it. My heart flutters at all the efforts he is doing. But he must learn his lesson. Titiisin ko siya kahit sobrang cute na niya. 


Hinatid niya ako sa center. Just like the usual. May bandage pa rin siya sa ulo dahil sa sugat na natamo mula sa aksidente sa laot. Siya ang natamaan ng natumbang poste. According to him, nakasakay sila ni Mang Domeng sa bangka niya matapos silang tumilapon. Hindi na sila nakabalik sa barko dahil dinala na sila ng alon palayo roon. Good thing that the waves brought them to an island. The reason why it took the recue team some time to find them. 


"I'll fetch you later. Wag kang magpapakapagod. Mahal na mahal kita." He gave me a quick kiss and watched me as I enter. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن