Epilogue

13.8K 456 128
                                    

This story has been very close to my heart to the point it had a few more chapters than planned. I hope you really enjoyed your time with Lia and Andres because I really did. Bria and Theo's story is up next entitled, Tiger's Last Shot. You can check my works to see it. Thank you for reaching this far! I highly appreciate comments and votes. Lots of love! 


-J 


Calming Waves 


"Tangina! How can I rush a wedding in just a week?! Gigilitan ko 'yang fiance mo!" We are now here at Cali's boutique. Stress na stress na kasi siya dahil rush ang wedding namin. Gusto na rin kasi talaga naming makasal. 


"Just give me the simplest white gown you have. Hindi naman big deal ang isusuot. Ang mahalaga, maikasal." Inirapan niya lang ako at nagtipa sa phone niya. 


"Hey Pete. Lia's getting married in 7 days. I was wondering if you have something for her. Beach wedding naman. Wala na kasi akong maipasuot sa kanya." They are all getting stressed while I was here, just looking at the pretty ring on my finger. 


"Come on Lia, we're going to Pete's house." Si Anton ang nag-aalaga sa mga bata ngayon dahil inaasikaso ni Nelle ang guest list at transportation pati na rin accommodation. 


We are really bugging people and they have no choice but to help us out. Kung kami kasi ni Joaquin ang tatanungin ay ayos na sa amin ang ang maikasal sa munisipyo. But our friends were horrified with the idea of that, kaya ito sila at hindi magkanda-ugaga. 


"Punyeta ka! Anong color scheme gusto mo? Ulam? Tangina!" Nasa sasakyan na ako ni Cali dahil pupunta kami sa bahay ni Pete. 


Nicole was on the other line. Dama ko na ang frustration niya. Siya kasi ang naka-assign sa venue at sa food. Katulong niya naman sila Aling Belen, Anne at Megan pero siya kasi ang head noon. She's still here in Manila at bukas siya pupunta ng La Cecares. 


"Kahit ano, ikaw na bahala." Sinigawan niya ako. Im doing my best to cooperate but I really just want to get married. 


"Kung hindi lang kita mahal matagal na tayong nag-fo!" Binabaan niya na ako at tiningnan ko naman si Cali na parang malalim ang iniisip. 


"Huy, ayos ka lang?" Tumango naman siya at itinuon ag pansin sa kalsada. 


"I have dresses for bride's maids in my shop. I need to talk to Nicole about the theme." Tumatango lang siya sa sarili. God, I love my friends. 


Nang makarating kami sa bahay ni Pete ay nagulat ako dahil naroon ang buong team niya. Nag-umpisa raw siyang magsketch pagkababa ni Cali ng tawag. Hindi raw siya papayag na ikasal akong ready to wear ang isusuot. Sampung tao ngayon ang abala habang sinusukatan ko. 


"Ano?" Sinagot ko ang tawag ni Bria. 


"Nakahanap na ako ng photographer and videographer. I just booked the best in the country. I made sure that this will be kept confidential. See you!" Si Bria lang yata ang pinakakalmado sa kanilang lahat. Ganoon talaga siguro kapag healthy na ang lovelife. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon