Kabanata 2

8.1K 233 21
                                    

Contact 


Lumipas ang isang linggo at official boarder ako sa pamamahay ni Andres. Nangingisda siya tuwing madaling araw. Sa hindi ko rin malaman na dahilan ay nagigising ako pag-umaalis siya tapos ay hindi na ako nakakatulog.


"Lia?" Bumukas ang pintuan at niluwa nito si Andres. Tiningnan ko siya at bumungad na naman sa akin ang nakasimangot niyang pagmumukha. Nginitian ko siya.


"Hi Andres! Kamusta ang dagat? Maalat pa rin ba?" Lalong siyang bumusangot. Naglakad siya papalapit sa akin at inabot ang isang supot.


"Wala ka ba talagang balak umuwi sa inyo? Isang linggo ka na sa bahay ko ah. Pangalan lang ang alam ko sayo dahil ayaw mo naman magkwento." Hindi ko siya pinansin at tiningnan ang laman ng supot. May mga damit doon.


"Konting araw na lang. Promise aalis din ako. Sus pag-umalis naman ako mamimiss mo ako." Hindi niya ako pinansin at nagtungo sa kusina. Siya rin kasi ang nagluluto.


Nahihiya rin naman ako kay Andres pero wala akong magagawa. Ayokong matunton ako ni Ms. Cathy lalo na ni Edmond. Anytime soon malalaman ni Ms. Cathy na bumili ako ng ticket papuntang Aklan. Matatrack niya ako dahil ginamit ko ang employee flying privilege ko. But it's a good thing na hindi ko ginamit ang credit cards ko kasi for sure mahahanap ako ni Edmond.


Pagkatapos magluto ni Andres ay ako na ang naghain. Ganito ang nagiging routine namin araw-araw. Pagkatapos naman ng almusal ay nagsasaka si Andres. Hindi ko nga lubos maisip na ginagawa niya yun lahat. May itsura naman siya, hindi pala. Gwapo talaga siya. Maganda ang katawan. Para siyang anak ng mayaman pero medyo tan na siya. Pero napansin ko na kilala talaga siya dito kaya imposible. Kung ano-ano na ang naiisip ko.


"Lia. Ano bang plano mo? Ayokong makasuhan ng kidnapping dahil sayo." Sabi ni Andres bago sumubo ng kanin. Uminom ako ng tubig at sumagot.


"Hindi kasi. Wala namang naghahanap sakin eh." Binaba niya ang kanyang kutsara at tumingin sa akin.


"Bahala ka nga. Basta wag ka nang masyadong tumagal dito." Tumayo siya at hinugasan ang kanyang pinggan.


"Ah eh. Andres. Ano bang pwede ko itulong sayo?" Lumingon siya sa akin.


"Pupunta akong sakahan ngayon Lia. Alam mo naman iyon. Wala ka namang maitutulong doon." Hay nako naman ang suplado. Nakakainis.


"Ganto na lang. Dadalhan na lang kita ng tanghalian. Sige na umalis ka na." Kumunot ang kanyang noo habang nagpupunas siya ng kamay.


"Bahala ka nga Lia. Basta pag-isipan mo na kung kailan ka aalis." Kinuha niya ang kanyang sumbrerong pansaka at umalis na.


Ala sais pa lang at bagot na bagot na ako. Hindi naman ako pwedeng magluto agad dahil gusto kong mainit ang pagkain na ihahain ko para kay Andres. Napagdesisyunan ko na lang na buksan ang radyo ni Andres. Nakinig ako sa balita upang malibang ang aking sarili.


"Nobya ng sikat na negosyanteng si Edmond Ramirez ay isang linggo nang nawawala. Lubos na nalungkot ang negosyante. Sa kasalukuyan ay pinapahanap si Binibining Martinez. Huling nakita ang dalaga sa El Nido. Ang makatuturo sa kinaroroonan ng dalaga ay bibigyan ng pabuya."

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon