Kabanata 11

6.6K 210 87
                                    

Drown


He really did a great job in taking care of me. Gumaling na ako kinabukasan pero pareho pa rin kaming lumiban sa trabaho dahil ang sabi niya ay baka mabinat daw ako. 


He cooked for me, cleaned the house, bought me medicines and cuddled with me until I felt better. Sobra niya akong inasikaso, it really warmed my heart. 


Bumalik na kami sa dati naming routine. Nasa center na ulit ako ngayon at gumagawa ng lamp shade. Pangatlong araw ko na itong ginagawa. It's complicated compared to what I did weeks ago. Pero ayos lang, ganoon naman talaga para ma-enhance pa ang skills ko. Dapat pahirap nang pahirap. 


Nasa labas ang mga anak ng mga babaeng nagtatrabaho dito sa center. May conference raw ang mga teachers sa Kalibo kaya walang pasok ang mga bata. Walang mag-aalaga sa mga ito kaya dinala na lamang nila sa trabaho. Wala namang kaso iyon, Im actually fond of kids. I see myself as a mother someday. 


Hindi ako uuwi sa bahay para mag tanghalian. Nasa Iloilo kasi si Andres ngayon at mamayang gabi pa raw siya uuwi. Sakto rin dahil birthday ni Megan at nagluto siya para sa amin. Im three years older than her and Anne. Naalala ko tuloy si Nicole at Nelle. Mas matanda sila ng tatlong taon sa akin. Accelerated kasi ako nung gradeschool kaya kami magkabatch. 


Birthday rin ng inaanak ko ngayon. Si Ianna, anak siya ni Nelle. I made a mental note to call her later. 


Namimiss ko na si Andres. Too bad we don't have phones to update each other about what's happening. Magkasama naman kasi kami most of the time at hindi rin naman kailangan na maya't maya kaming nag-uusap lalo na't may kanya-kanya kaming trabaho. But in times like this, pag malayo kami sa isa't isa, I wish that I know how he is doing. 


Mabilis ang naging paglipas ng oras. Alas tres na at patapos na rin ako sa ginagawa ko. I smiled upon seeing it. Sobrang nakakangalay pero worth it naman. Nagkukwentuhan na ang iba dahil malapit na rin ang uwian. 


"Balita ko nagti-training na raw si Roxanne, siya raw kasi ang representative ng probinsiya sa Binibining Pilipinas ngayong taon." Sabi ni Aling Belen. 


"Oo nga Aling Belen. Nakita ko iyong mga taga-Manila kahapon sa bayan. Nako galingan niya wag niya tayong ipapahiya!" Sagot naman ni Martha.


"Wag kamo siyang magpakasigurado. Ang alam ko, bago siya makasali ay may screening pa. Yun yata ang pinaghahandaan niya." Dagdag pa ni Anne. 


"Nakakainis naman kasi eh, ang sabi ko kasi sayo Anne sumali ka na sa Mutya! Edi kung sumali ka ikaw ang mananalo. Di hamak na mas maganda at matalino ka roon kay Roxanne, mukha kaya siyang mangkukulam. Palingkera pa! Kung hindi lang yan pamangkin ni Mayor hindi yan mananalo eh." Damang dama ko ang irita ni Megan sa kaniyang pananalita. 


"Hindi naman kasi ako pang ganoon." Umiiling na sagot ni Anne habang nakatuon ang pansin sa ginagawang banig.


"Anong hindi? Diba nasa bayan na tayo noon! Magpapasa ka na ng registration form tapos pinigilan ka nung nanay ng empakta! Kesyo ang sabi ba naman hindi ka qualified, ang dami niyang alam. Takot lang talaga siya na matalo mo ang anak niyang hindi naman ganoon kaganda at katalino." Anne just chuckled at her cousin's remarks. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon