Kabanata 10

6.8K 211 14
                                    

Sick 


Sunday ngayon at schedule ng paglalaba. I tied my hair in a bun, plus I wore a knot headband. I placed the laundry basket near the washing machine. Nasa likod ako ng bahay. Sementado iyon at nandito rin ang sampayan. Ako talaga ang naglalaba ng damit ni Andres simula nang dumating ako dito. He told me before that I don't need to do it but I insisted. Tsaka madali lang maglaba lalo na dahil may washing machine naman siya. 


Tuwing Linggo ay hindi siya nangingisda kaya tulog pa rin siya kahit ala sais na. Sinimulan ko na ang paghihiwalay sa mga puti at de kolor na damit. Kinakamay ko ang ibang damit, lalo na kung alam kong hindi iyon kakayanin ng washing machine. 


Nasa kalagitnaan ako nang pagkukusot nang may humalik sa pisngi ko. I rolled my eyes and faced him. He just grinned at me and winked. This guy is so unpredictable. 


"Have you eaten already?" Tumango ako at nagpatuloy sa pagkusot ng damit niya. 


"Yup, I had some coffee. Nagluto na ako ng almusal mo. Nasa table na." He moved in front of me and crouched so that we can see each other. 


"I love you." He said. Nakatingin lang ako sa kanya at umawang ang bibig. He gave me a quick kiss. 


"What's wrong with you?" Umiiling ako habang kinukusot ang panibagong shirt na nasa palanggana. 


"Nothing, I just want you to remember it." He kissed my forehead and went inside the house. 


Ang lakas magpakilig sa umaga ng gago! After five minutes he came back and brought another small chair. Umupo siya sa harap ko at kumuha na rin ng damit at nagkusot. Kumunot ang noo ko at tinampal ang kamay niya. 


"Hoy anong trip mo? Ang sabi ko sayo kumain ka na doon diba? Di ka nakikinig sakin." He just pouted at me and smiled. 


"From now on, we'll do the laundry together. I'll help folding them too." Sagot niya habang nakatuon ang pansin sa labada.


I sighed at the sight in front of me. He's too good to be true, he's kind, hardworking, loving and considerate. He's the man that every woman dreams of, and he is indeed my dream come true. Pinunas ko ang kamay ko sa aking shirt at hinubad ang pink kong knot headband para ipasuot sa kanya. He just smiled at me when I did that. 


Hindi ako sigurado sa maraming bagay. Hindi ako sanay na may taong nag-aalaga at pinagtutuunan ako ng pansin. Marami akong hindi alam. Pero ngayon, malinaw sa akin na mahal ko siya. 


After we finished the laundry, niyaya ko siyang magsimba. Ako ang naunang naligo at nag-ayos. I wore a simple white dress. Knee length iyon.  Nilugay ko ang buhok ko at hindi na rin nag-abala pang mag make-up. Nakakatamad rin kaya. 


When we arrived the church, we went to the pews in the center. Doon rin nakaupo si Janet kasama ang asawa niya at si Buboy. Andres is wearing a white polo shirt and tight jeans. He looks good as usual. 


"Bigyan niyo ang isa't isa ng tanda ng kapayapaan." 


Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant