Kabanata 6

6.7K 278 45
                                    

Market 


We went home the next day and rested a bit when we arrived. Nagbihis ako dahil pupunta raw kami sa bayan para mamalengke. Im actually happy that Im going with him, makakalabas na ako kahit papaano. Siya naman kasi talaga ang namimili para sa aming dalawa at nandito lang ako sa bahay most of the time. 


We rode a tricycle going there. Sa harap ako sumakay habang sa backride naman siya. He made the motorcycle seem small because of his presence. Pagdating sa bayan ay naglakad na kami patungo sa palengke. Paubos na kasi ang stock namin ng pagkain at kailangan na talagang mamili. 


All women in the market are eyeing him like he's some prey. Gwapo nga kasi siya, hindi ko naman yun itatanggi kaso napakasungit niya. I don't know how someone can make people's head turn with just a plain white shirt and maong pants. Nauna akong maglakad habang nakasunod siya sa akin.


"Ate, isang kilo po." Tinuro ko ang karne sa harap ko. Hindi ako pinapansin ng babae dahil nakatitig lang siya kay Andres. Umirap ako at nag-antay ng kaunti pang segundo para mapansin niya pero wala, nakatitig pa rin siya kay Andres. He on the other hand just looked around the market. I sighed and faced the lady.


"Excuse me? Bumibili ako ano po? Baka naman gusto mong magtinda?" Tingnan niya ako at hiniwa na ang karne sa harap ko. Nakita ko na sobra ang ibinigay niya kaysa sa binibili ko. 


"Ate sobra." Umiling siya at binigay sa akin ang supot. 


"Hindi, ayos lang yan." Nakangiti pa rin siya kay Andres. Tumango lamang siya at umalis na kami doon. Bwisit!


"Ganito ba lagi kapag bumibili ka ha? Laging may pasobra?" Kumunot ang noo niya at nagkibit ng balikat. 


He's oblivious about how people sees him. Bwisit! Nakakainis! Siya ang laging namamalengke tapos ganito pala siya tingnan ng mga tao, kung alam ko lang edi sana ako na lang! Naglakad kami papunta sa gulayan at may nakasalubong kami. 


"Andres, nandito pala kayo ng asawa mo." Sambit ng isang lalake habang nakangiti. 


"Ah, opo kap, namamalengke lang po." So he's Aling Belen's husband. 


"Nako ikaw na ba si Lia? Lagi kang kinukwento ng asawa ko sa akin." Ngumiti lamang ako at tumango.


 They were busy talking that's why I excused myself to buy some vegetables. 


"Ayan na ba ang asawa? Pwe, hindi naman maganda."


"Oo nga, mas maganda ka pa kesa diyan." 


Pucha kahit ba naman dito sa bayan heartthrob pa rin siya? Agad kong nilingon ang mga babae at tinaasan ng kilay. She's wearing a short shorts plus a red spaghetti top. Nakahalukipkip lang sila at lumapit pa talaga sa akin. The nerve of these girls! 


"Asawa ka ba talaga ni Andres? Mukha ka niyang tiyahin eh. Siguro malandi ka o hindi naman ginayuma mo lang siya para magustuhan ka niya." What the fuck? I smirked and faced them. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Where stories live. Discover now