Kabanata 20

6.8K 205 36
                                    

SPG, bawal sa mga atabs. Mature roles ito. 

------- 

Sacrifice 


Pagkatapos naming panuorin ang paglubog ng araw ay napagdesiyunan na rin naming umuwi. I felt the cold sea breeze on my face as Andres hugged me. 


"What should I call you? Joaquin or Andres?" He chuckled and kissed my temples. Pati itong pagtawa niya kung pwede ko lang irecord, gagawin ko. 


"Call me, love." Agad ko naman siyang binatukan pero tumawa lang siya. 


"People around me before calls me Joaquin, only my lola calls me Andres. I was named after his late husband. My grandfather." Napatango na lang ako sa nalaman. 


Habang yakap niya ako ay kanina ko pa iniisip kung paano ako aalis. Kung paano ko siya iiwan. I want to do it in a way that he'll just want to forget me. Sana kalimutan na lang niya ako. 


Siya ang nagbuhat ng mga gamit namin pabalik sa bahay. Tahimik na ang buong aplaya. Ganoon kasi dito, basta sumapit na ang dilim dapat lahat ay nasa bahay na. 


Pagkarating sa bahay ay nagluto ako. My last meal here with him. I decided to cook his favorite, sinigang sa miso. Hindi ko alam kung paano ko iyon natapos lutuin nang hindi umiiyak. Ang sakit-sakit ng puso ko ngayon. 


When I served dinner in front of him, his eyes automatically widened and he gave me a big smile. I kissed his forehead, ako rin ang nagsandok ng kanin at ulam para sa kanya. Nakita ko naman na sobrang na enjoy niya ang pagkaing hinanda ko. How I wish to prepare all his meals until out last breath. 


Pagkatapos kumain ay ako na ang naunang maligo habang siya ang nagligpit ng aming pinagkainan. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak sa banyo. Kasabay ng pag-agos ng tubig sa aking katawan ay ang mga luha ko. 


Paglabas ko sa banyo ay nakita kong kakalabas niya lang galing sa kwarto. Kinindatan niya lang ako at pumasok naman na ako sa kwarto. I change into my spaghetti strap and dolphin shorts. Napansin ko namang umilaw ang cellphone kong nakapatong sa bedside table namin. 


Edmond Ramirez: 

"Tomorrow, 6 am. I'll wait for you in the airport in Caticlan." 


Agad kong kinuha ang mga gamit na dala ko papunta rito. Nahulog ako sa bangkang sinasakyan ko that night. I could've died but he saved me. It hurts how he literally saved my life and gave me another chance to live. 


Chineck ko ang bag at naroon naman na lahat, wallet, passport, phone at ID. Im all set. Hindi ko na rin dadalhin ang mga gamit ko. Iiwan ko lahat dito, pati siya. 


I went to bed and laid down. Tiningnan ko lang ang kisame. Thinking about the moments we spent here, how he disliked me at first. Kung paano niya ako pinapaalis every single day. And how I ended up falling for his arrogance. How I knew the sweet, kind and genuine person he is. How I fell in love with all of him. 


Napatingin ako ng biglang bumukas ang pinto sa kwarto. Tanging tuwalyang nakatapis lang ang tumatakip sa kabuuan niya. Agad niya naman akong tinaasan ng kilay dahil nakita niya kung paano ko siya tingnan. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Where stories live. Discover now