Kabanata 21

6.4K 188 25
                                    

Back At It 


"Good morning Ladies and Gentleman this is PQ 504 bound to Manila. In command of this Aircraft is Capt. Janelle Marchelle del Ruevas and First Officer Andy Quangco. This is your head cabin crew Lia and our flying time is approximately three hours and fifteen minutes, and we shall cruise at an altitude of 36,000 feet. Welcome aboard Philippine Airways." 


Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang bumalik ako. Im now on a flight back to Manila. Galing kaming Singapore. 


"Cabin Crew prepare for take-off." Sabi ni Nelle na siyang kapitan ng flight na ito. 


Agad naman kaming pumunta sa mga upuan namin at nagseatbelt na. A week after I went back to Manila, agad na akong nagpaschedule ng mga flights. Si Ed naman ang nag-asikaso ng mga photoshoots at fashionshows. Dinaluhan ko naman lahat iyon. Siya na rin ang humarap sa mga presscon. Kasalanan niya rin naman kasi dahil siya ang nagpapansin sa mga media. Tatapusin ko na lang ang kontrata ko sa kanya. Bahala na siya, my contract will end two weeks from now. 


"Halika na, let's serve snacks na." Dala na ni Nicole ang pushcart at naglakad na kami sa aisle. She seems pretty happy today. 


"Gaga, bat ang saya mo?" Tanong ko at tinusok ang tagiliran niya. 


"On board si David. Kakatapos lang ng shoot niya sa Singapore." Agad ko naman siyang hinampas dahil kinikilig si Gaga. 


Sa first class siya naka-assign ngayon at narito rin ako para tulungan siya. Pero mamaya ay lalabas na rin ako papuntang economy at doon tutulong sa pagserve ng mga pasahero. As the senior cabin crew, trabaho ko na mag-oversee sa kanilang lahat. 


"Hi Sir, coffee, tea or water?" Alok niya sa boyfriend niya. Leche nakakairita. 


"How about you instead?" He answered as he winked at her. 


Pucha naman sa harap ko talaga maglalandian itong mga gagong 'to? Huminga ako nang malalim at inirapan sila. Nakita ko namang hinawi ni Nicole ang buhok niya. Tangina, ganda ka?


"Uy Lia! How are you? Balita ko nawala ka raw ah. Saan ka ba galing?" Nicole's eyes widened with what her boyfriend said. 


Tinampal niya ang braso nito at pinasakan ng sandwich na hindi pa bukas ang bibig nito. Alam niya kasing ayaw ko nang pag-usapan pa ang mga nangyari sa akin. 


"Im alright. I'll just go to the economy class." Tinapik ko ang balikat ni Nicole at iniwan na siya. 


Narinig ko naman na pinagalitan niya si David. I just don't want to remember him anymore. Masakit pa rin sa akin na umalis ako nang hindi ko man lang nasasabi sa kanyang mahal ko siya. I even said that I just used him. The fuck is that? He's the only man I love that way. 


May dalawa ng flight attendant na nagsi-serve kaya tumayo na lang ako upang bantayan sila. Someone clicked the assistance button kaya pinuntahan ko iyon. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Where stories live. Discover now