Kabanata 24

6.5K 209 31
                                    

Delayed 


The news was all about Joaquin Andres Elaire's comeback. Pero hindi naman niya sinipot ang media. Pagkatapos ng house blessing sa bahay ng mga del Ruevas ay umuwi na rin ako. They all went to see him, and I was not ready at all. Ni hindi nga ako sigurado kung gusto niya pa akong makita ulit. 


May flight ako patungong Vietnam ngayon at dalawang araw ang lay-over namin doon. Im already in the shuttle service together with the cabin crew. Alas otso na ng umaga at alas diez ang flight namin. 


"Hoy gaga, alam mo nung isang araw ka pa tulala. Ano bang nangyayari sayo ha?" Tanong ni Nicole habang nasa byahe kami. 


Umuulan pero wala namang bagyo kaya alam kong tuloy ang flight namin. Nakakainis na kahit sa simpleng pag-ulan siya ang naaalala ko. I remembered the time when we went to the bayan and it rained, tapos nagkalagnat ako at inalagaan niya ako. Lecheng memories yan. 


"It's nothing." Sagot ko naman, she was not satisfied with my answer kaya alam kong kukulitin na niya ako. 


"Parang tanga sabihin mo na kasi. Akala mo naman matatago mo yan sakin." I sighed and faced her. 


And after weeks of trying to hide it from her, I finally told her about everything that had happen in La Cecares. She deserves the explanation anyway. 


"Shit, so si Joaquin Elaire at si Andres, iisa?" I just nodded at her. 


We are now walking towards the aircraft. Kanina ko pa kinukwento ang lahat sa kanya. Mula sa shuttle hanggang sa airport. Di pa rin nagsisink-in sa kanya na ex boyfriend ko ang dati naming boss, o baka nga current boss. 


"Paano yan? Hindi na si Nelle ang CEO ng Phil Air?" I just shrugged at her as we enter the aircraft. 


Ako ang naka-assign sa first class ngayon dahil iba ang nakatokang senior cabin crew. I placed my luggage in the bins and did the necessary check before the take-off. Ako rin ang naka-assign sa pagkain ng mga piloto. 


Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga pasahero. I welcomed them with my smile. Unang pumasok ang dalawang matanda na mag-asawa. I assisted them to their seats. Sunod naman ay isang babaeng international model. Masungit siya pero hindi ko na lang pinansin. 


I went to my post and readied myself for the safety demonstration. Isasara ko na sana ang pinto ng eroplano nang pinigilan ako ng ground attendant. 


"Wait! Sandali! May pasahero pa!" He ran until I saw him.


Itinigil ko naman ang pagsara ng pinto. I looked at my watched and checked the time. 10:10 na settled na rin ang economy. Madedelay ang flight kapag inantay pa namin siya. 


"We need to leave or else the flight will de delayed." I reasoned out. 


Umiling siya at umakyat para makausap ako. Makulimlim pa rin at alam kong nagbabadya pa rin ang ulan. Narinig ko na nag public announcement ng kapitan at sinabing aantayin namin na may runway nang pwede magamit. He said that there is a traffic kaya hindi pa kami nakakalipad. But I know better, di pa kami lumilipad dahil sa lintek na feeling privilege na pasahero na yan. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Where stories live. Discover now