Kabanata 3

7.6K 263 61
                                    

Go Fish 


Di ko alam kung ako ba yung weird o siya. Sino ba naman kasing nasa matinong pag-iisip yung mangyayakap dahil trip niya lang. Abno diba? It's really awkward tho. Dalawang linggo na ako dito and nagsasawa na ako kakatambay sa bahay ni Andres. So I've decided, I need to go out. I woke up early today. Earlier than Andres.


"Uyy Andres." Naligo na ako at naghanda. Desidido akong lumabas ng bahay.


"Anong kailangan mo?" Magkasalubong na kilay ang bungad niya sakin.


"Ah eh gusto ko sumama sa laot." I smiled. Hoping he'll say yes.


"Hindi pwede." Nilagpasan niya ako at kinuha na ang kaniyang mga gamit.


"Huy teka lang. Ang boring dito sa bahay mo. Don't get me wrong okay. I love it here. Pero gusto ko naman maka-experience ng bago. Hindi yung nakatunganga lang ako." Tiningnan niya lamang ako.


"Edi umuwi ka na kung saan ka nanggaling. Parang kasalanan ko pa na nababagot ka eh." Lumabas si Andres. Hinabol ko siya.


"Huy Andres teka lang. Di naman yun yung ibig kong sabihin. Ah basta sasama ako sa laot." Nilingon niya ako. I can sense his annoyance towards my presence but I really want to fishing with him.


"Bahala ka, pag ikaw nag-inarte itutulak kita at hahayaang malunod." I wore some shorts and a shirt. Binili ko ito sa bayan nung nakaraan. Kailangan ko na rin mag withdraw ng pera soon. 


Madilim pa, bitbit ko lang ang malaking flashlight habang nauna na si Andres at dala-dala ang mga lambat. Naka camisa de chino siya, long sleeves iyon at kulay puti. Iniilawan ko ang bangka habang inaayos niya naman ang mga dapat na dalhin sa laot. He has a very defined jaw, leaned body, all his muscles were in the right places. Napakapungay ng mga mata niya, it's actually brown, those thick eyebrows. 


"Ano sasama ka ba o tutunganga ka lang dyan?" My senses came back when he talked. Puta bakit ko kasi siya tinititigan. 


"A-ah tara na." Tinulungan niya akong sumampa sa bangka. When I sat down, he pushed the boat until the waters were already in his waist level. Basa siya nang sumampa. Ganito pala yon?


Narinig ko na ang motor ng bangka at dumiretso na ito sa laot. I felt the cold see breeze on my cheeks. Wala man lang na pamilyang naghahanap sa akin. Just my friends and co-workers. How sad can that be? Ed could just fuck himself and rot in hell. 


Tumigil ang bangka, nagulat ako nang makita na may mas malaki pang barko. Nagbaba ito ng hagdan at umakyat kami. Hindi lang kami ang nandito, may iba pang mga mangingisda. Siguro ay nasa dalawampu o mahigit sila. Wala pa ring sign ng araw. Nakaupo lang ako sa gilid habang nilalaro ang mga kamay ko at nakatingin sa karagatan. May malalaking makinarya na sa tingin ko ay para sa paghuli ng isda. This is where he works, I guess. 


"Huy, baka may isda na yang lambat kanina pa tayo dito." Tinaasan niya ako ng kilay at umirap. Suplado. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon