Kabanata 5

7K 267 40
                                    

White Sand Beach 


Nakatingin lang ako sa salamin sa banyo habang nakikipagtitigin sa mga skincare products. Pucha hindi pa nagsisink-in sa akin na nasa harap ko ang mga iyon. Inabot ko ang facial wash it nag-umpisa na sa aking ritwal. After I finished my skin care routine, pumasok na ako sa kwarto at naabutan ko si Andres na naglalatag na. 


"Hey, yung mga pinamili mo para sa akin babayaran ko." He stopped what he was doing and faced me. He smirked at me. 


"Wag na, hindi naman sobrang nakaapekto sa budget ko. Ayos lang." My eyes widen at what he said. Tangina? Hindi na ako kumontra at umupo sa dulo ng kama. 


"Gusto ko maligo sa dagat bukas." I said my inner thoughts out loud. Nakita ko rin kasing may binili siyang bikini. 


"Sige, wala namang gagawin sa sakahan bukas. Mangingisda muna ako sa umaga." Nilingon ko siya at kumunot ang noo ko. 


"Awit sayo, galing ka sa byahe tapos mangingisda ka pa bukas? Hindi uso ang pahinga sayo?" Natawa siya sa sinabi ko. He went in front of me and crouched a bit. 


"Matulog ka na." Ginulo niya ang buhok at pagkatapos pinatay na ang ilaw. He really confuses the hell out of me. 


Pagkagising ko ay agad kong lumabas ng kwarto at nagluto ng almusal. Wala pa si Andres at alam kong gutom iyon pagdating dito sa bahay. After cooking, I did my skincare routine and that really made me feel ten years younger. Not long after, he arrived the house. 


"Pagkakain, magdala ka ng extrang damit." Kumunot naman ang noo ko habang naghahain. 


"Ha? Bakit?" He placed some rice on my plate first before putting some on his. 


"Akala ko ba gusto mong maligo sa dagat?" Tinaasan niya pa ako ng kilay. 


"Oo, pero dagat rin naman ang meron sa harap ng bahay mo?" He stopped what he was doing and crossed his arms in front of me.


"Sigurado ka na gusto mong maligo diyan habang pinagpipyestahan ka ng mga kapitbahay natin?" Muli na naman akong napasapo sa aking ulo. Tangina minsan talaga yung utak ko kinakalawang na eh. 


"Edi saan?" Ngumiti lang siya at nag-umpisa nang kumain. 


Nagdala ako ng extra shirt at short, dinala ko na rin ang extra bikini na mayroon ako. Sinuot ko na ang bikini na binili niya. Pinatungan ko na lang iyon ng shirt at dolphin shorts. It was a mint green tube bra and a high waisted ang panty noon. Binibining Pilipinas feels naman nito. 


Nakagray shirt lang si Andres at beach shorts. Naglakad na kami papunta sa bangka niya. Nakasalubong naman namin si Mang Domeng. 


"Saan naman ang punta ninyo Andres?" Nakangiting tanong niya. 


"Idi-date ko lang po si Misis." Sabay akbay sa akin. Nakakarami na siya ampota. 


"Huwag kayong babalik hangga't walang junior o ineng ha!" Sambit niya at tinapik ang braso ni Andres. Ano ba yan! Mature roles!

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora