Kabanata 7

6.9K 235 57
                                    

Absent 


Days passed by fast. Miyerkules na ngayon at ganoon pa rin naman ang routine namin. Mangingisda siya sa umaga, pagkatapos ay magsasaka habang ako naman ay nasa center. Umuuwi kami tuwing tanghalian. Ako ang nagluluto at siya naman ang naghuhugas ng pinagkainan. We didn't talked about the kiss. Pero usap-usapan ang sabunutan namin noong babaeng haliparot. 


"Hay nako malandi talaga yang si Roxanne! Malakas lang ang loob niyan dahil pamangkin siya ni Mayor. Wala talagang naglalakas ng loob na labanan yang babae na yan, ikaw lang!" Tuwang tuwang sambit ni Janet. 


"Totoo, kaklase ko yan nung high school. Naging jowa na nga yata niya ang lahat ng lalaki dito sa La Cecares. Nakakairita talaga yang babae na yan eh." Dagdag pa ni Anne habang gumagawa ng banig. 


"Totoo, napakapangit ng ugali. Porket kasi siya ang Mutya ng buong probinsya ay ang lakas na ng loob niya." Gatong naman ni Gina. 


"Hayaan mo na yun Lia, inggit lang yun sayo, syempre asawa mo si Andres." Sabi naman ni Megan habang tinatapik ang balikat ko. 


Natapos ko ang unang bag na proyekto ko. I was so happy upon seeing the finished product. It took me days just to finish one. Kaya sobrang bilib na bilib ako kela Aling Belen dahil mabusisi talaga ang paggawa ng mga ito pero mura lang nila nabebenta. When I get back to Manila, I'll make sure to promote their products. 


Dumating ang hapon at dating gawi kami ni Andres, sinundo niya ako mula sa center at sabay kaming naglakad. Ala sinco kami natapos ngayon dahil may mga rush orders at tumulong ako. We are now walking down the beach. 


"Teka! Sandali!" Malapit na kami sa bahay pero hinila ko siya sa dalampasigan. The sun is about to set. 


"Ang ganda." I miss how I see the sunset and sunrise whenever Im on the air. 


"Sobrang ganda." Nilingon ko siya at naabutang nakatingin sa akin. I felt my cheeks heated because of his remarks. 


"Tara na?" Inilahad niya ang kamay niya at inabot ko naman iyon. Just like the calm sea, I am at peace. 


We went home and ate dinner as usual. Adobo na lang ang niluto ko dahil late na kaming nakauwi at ayoko namang maghintay siya ng matagal. Siya ang nag-ayos ng hapag habang hinahanda ko ang pagkain. 


"Anong paborito mong ulam?" He paused for a while and looked up. 


"Kahit ano." Ang tagal niyang nag-isip tapos yan lang ang isasagot niya sa akin. I rolled my eyes at him. 


"Be specific." He chuckled and drank his water before answering me. 


"Lahat, basta luto mo." Nagkibit lang siya ng balikat habang nagpatuloy sa pagkain. Luh hindi ako kinikilig. 


"Tigilan mo nga ako, wala ka lang talagang choice dahil ako ang nagluluto." I crossed my arms and looked at him. He just raised his brows. Sumandal siya sa upuan at humalukipkip na rin. 

Crashing The Waves (Working Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon