Chapter 46

5.1K 108 13
                                    

Chapter 46: Love and make up



Nagising ako sa iyak ni Empress na nasa tabi ko. It was probably just 6 in the morning. Nilingon ko si Zeck na mahimbing pa rin ang tulog sa tabi ko at nakayakap pa rin sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa akin at kinarga si Empress.

"Hush, baby. Your dad is still sleeping."

Lumabas ako ng kwarto na karga si Empress. We went to the nursery room and breastfed her. After that, I took her outside para maarawan siya. Nakita ko pa si Anna na nagwawalis.

"Anna, akala ko ba hindi uuwi si Zeck dahil may out of town gig sila?"

"Yun man ang sinabe niya sa akin, mam."

Tumango na lang ako. Hinalikan ko ang ulo ni Empress. I decided to take her for a walk. Dinala ko pa siya kina kuya. They were so fond of her. Even the twins like her a lot. Habang namamasyal ay nakasalubong pa namin sina Tamara at Shin. 

"Uy! Ang ganda talaga ni baby Empress!" Tamara said. Kinuha niya agad ito sa akin. "Ang pretty pretty talaga ng baby na ito."

"She's so beautiful," Shin said as he was looking at my daughter with fondness.

"Saan ang punta niyo?" I asked.

"Sa Sweet Refuge. Tara, sama kayo. Matutuwa si pops kapag nakita niya si pretty Empress!"

Sumama na nga kami sa kanila. We just walked. Pinagkaguluhan ang anak ko pagdating namin sa Sweet Refuge. Puro taga Golden Village din naman kasi ang mga customer. Umupo muna ako at kinain ang inorder ko.

"Little Zeck talaga si Empress," said Owie. Asawa ni Nate na kaibigan ni Zeck.

I pouted. "She looks like me kaya," I protested.

They laughed. "Sabi mo eh."

"Uy Zeck! Kamukha daw ni Missy si Empress. Not you," kantiyaw ni Nate sa asawa ko na kapapasok lang.

Basa pa ang buhok niya. He just smirked at what Nate said then looked at me. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Parang ang daming gustong sabihin ng tingin niya pero hindi ko makuha. I looked away.

Na-tense ako ng huminto siya sa tabi ko. Nanuot sa ilong ko ang pabango niya. He smelled so darn good. It was the kind of scent that you'd want to smell all day long. Nilaro niya si Empress na karga ni Tamara

"Bro, basketball tayo," aya ni JD. "Tutal Sunday naman."

"Hindi pwede, bro. Aalis kami."

Natigilan ako sa pag-subo. Aalis? Saan siya pupunta? But he said 'kami'. Sinong kasama niya? Si Daphney na naman ba? I felt a pinch in my heart.

"Where are you going, man?"

"To my parents. Kakauwi lang nila kahapon. They want to see Empress."

Nawala ang atensiyon ko sa kanila ng pumalahaw ng iyak si Empress. Alam ko na agad kung anong dahilan. Crap. I forgot to bring the cover. 

"She's hungry," Zeck said, looking at me.

Hindi na importante kahit walang cover basta maka-dede na ang anak ko. Saka kilala ko naman ang mga nandito. At halos lahat ay mga kaibigan naman namin.

"Give her to me," I said.

Ibinigay niya sa akin si Empress. Kunot pa ang noo niya ng iabot niya sa akin ang anak namin. Anong problema niya? I just sighed. Bahala siya. I was about to raise the hem of my shirt when he suddenly cursed.

The Magnetic: Loving The InsensitiveWhere stories live. Discover now