/2/ Reunion

145K 5K 2.2K
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"STAY still," sabi ko sa kanya matapos namin siyang bigyan ng first aid ni Dean, inalalayan namin si Cloud na makaupo sa sofa at napatingin kami sa kanilang apat na nakagapos pa rin habang nakaluhod sa sahig.

"Siguro naman kailangan niyo na kaming pakawalan dito?" Sabi ni Cairo, blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi kami kumibo at kumilos, sinenyasan niya si Otis at sa isang iglap ay nagawa nitong mapatid ang nakatali sa kanyang kamay. Tinulungan ni Otis ang mga kasama na makakawala.

Pinagpag ni Cairo ang nadumihang damit nang makatayo at pagkatapos ay humalukipkip. "How unfortunate," tila nang-aasar pa nitong sabi, umupo siya sa sofa na katapat namin na para bang welcome na welcome siya rito.

Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Cairo at hinarap ko si Cloud. "Paanong... paanong nangyari 'to, Cloud?" damang-dama ko pa rin ang bigat sa'king dibdib matapos ang ginawa nila Eliza kanina. "Bakit hindi mo nalaman..."

"Jill," seryosong tumingin si Cloud sa mga mata ko. "I'm sorry pero hindi ko nagawang mabasa―"

"Come on, hanggang kailan kayo magluluksa rito?" pinutol siya ni Cairo. "Hindi 'to oras para magdramahan at pag-usapan kung gaano kayo ka-loser," nagkuyom ang mga palad ko sa mga sinabi ni Cairo pero hindi ko naman siya magawang sagutin pabalik. "We have to do something."

"We?" Sarkastikong sabi ni Dean. "Anong ibig mong sabihin sa 'we'?"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "What are you trying to say, Cairo?"

Huminga ng malalim si Cairo bago muling nagsalita. "Siguro naman malinaw na sa inyo na hindi na kami affiliated sa Memoire," tumingin siya kay Cloud. "Kung nakinig lang kayo sa'kin kanina―"

"Sinasabi mo ba na kasalanan―"

"Enough, Jill," putol niya sa'kin. Kalmadong kalmado lang si Cairo na para bang walang nangyari."Your sister and my sons are kidnapped. That's why nasabi ko na kailangang may gawin tayo hangga't maaari. Pero makinig muna kayo sa pinaka-agenda ko kung bakit kami pumunta rito."

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Where stories live. Discover now