/19/ Grit

103K 4.6K 1.5K
                                    

"Wouldn't it be nice to take a walk on some pure white sand, gaze at the horizon, without living in fear?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wouldn't it be nice to take a walk on some pure white sand, gaze at the horizon, without living in fear?"



/19/ Grit 


WALANG nakakaalam kung gaano kami katagal na naglalakbay sa gitna ng kawalan. Tila naglalakbay ng walang patutunguhan, walang kahit na ano na dala, wala ring kahit katiting na laman ang tiyan, nasa rurok na kami ng kamatayan at tiyak kong iisa lang ang nasa isip nila ngayon, gusto na nilang sumuko.

Sa kabila ng lahat, mahigpit pa rin akong hawak ni Cloud ang mga kamay ko, at kahit na wala siyang inuusal na mga salita ay alam ko kung ano ang nasa isip niya, huwag kang susuko, Jill.

Hindi lang kami isang beses sinubok matapos naming matalo ang higanteng halimaw, dumaan ang isang gera sa gitna ng disyerto, umuga ang mga lupa, umulan ng apoy, dumanak ang dugo, pero heto at buhay pa rin kaming pito na naglalakad. They all stopped from complaining and commenting that I should have chosen the first choice, not because they agreed with me but they believed that they can really get out in this world because of their own decision.

Sumapit ang kadiliman, katulad ng mga nakagawian, si Finnix ang nagseset-up ng bonfire, si Otis at Vince naman ang naghanap ng kahit anong makakain, samantalang si Cloud at Cairo naman ay pinag-aaralan ulit yung mapa at kung saang ruta kami maglalakad kinabukasan, ako naman at si Jing ang nag-aayos ng mga kumot na hihigaan namin. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik si Otis at Vince na walang dala na kahit na ano kaya wala na naman kaming ibang nagawa kundi itulog ang gutom at umasa na kinabukasan ay baka may madaanan kaming kahit na anong pwedeng mapagkuhaan ng tubig at pagkain.

They all quickly fell asleep, marahil siguro sa pagod sa haba ng nilakad, but not me. Bumangon ako at naupo lang, habang yakap ang dalawang tuhod, nakatitig ako sa paubos na apoy sa gitna.

"Bakit hindi ka matulog?" napatingin ako sa kanya nang marinig ko siyang nagsalita at bumangon, mukhang katulad ko ay hindi rin siya makatulog.

Umiling ako bilang sagot sa tanong niya, "Tuwing gabi iniisip ko kung may katapusan ba ang lahat ng ito."

"Sus, ikaw ang may pakana kung bakit 'to nangyayari ngayon." Sagot sa akin ni Jing. Sabay kaming napatingala at nakita kung gaano kaganda ang langit, punum puno iyon ng mga bituin. "Sabihin mo, kaya mo lang naman kami gustong makasama hanggang sa paglabas ng larong 'to ay natatakot kang harapin sila mag-isa."

Natamaan ako ng kaunti sa sinabi niya, "Aaminin ko, may isang parte sa loob ko na nagsasabing tama ka, natatakot ako sa kung anong mangyayari."

"Coming from a girl who can see the future."

"Not anymore." Napatingin kami sa isa't isa matapos kong sabihin iyon, ako ang unang nag-iwas, "I can't see the future anymore," pero hindi ko pa rin maitatanggi na nagkaroon ako ng visions noon na mamamatay ako. "But I'm certain that I will die soon."

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon