/12/ Warriors

113K 4.3K 1.9K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"JILL, please, making ka sa'kin." kahit ilang beses na siyang kumatok sa pinto ay hindi ko siya pinagbubuksan. Narinig ko na lang sa labas na sinaway na siya ng mga staff at pilit na pinabalik sa sarili nitong kwarto.

Samantalang ako ay nanatili lamang nakasandal sa pader habang tintingnan ang pinto, iniimahe kung paano hinila ng mga staff si Cloud paalis sa labas ng pinto ko. Nang mawala na siya ng tuluyan sa labas ay tsaka ako dahan-dahang napaupo sa sahig.

Hindi ko na alam... hindi ko na alam kung ano pa ba ang mangyayari, simula noong mangyari 'yon sa isla, isa-isa silang nawala. Si Dean, si Pascal, at kahapon lang ay si Palm. Sino pa bang susunod? Ang daming pumapasok sa isip ko, hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi. Tandang-tanda ko pa na parang ganito rin ang nangyari three years ago. Bakit? Bakit kailangang mangyari ulit yung ganito?

Huli na para mapagtanto ko na umaagos na pala ang luha sa mga mata ko. Jill. Nakakatawa ka.

"Cry... as long as you feel human." Bigla akong natigilan nang maalala ko ang mga salitang 'yon. The Jing I knew was dead... three years ago. Hindi na siya yung Jing na kilala ko, she's a completely new person now. Ano bang dapat kong maramdaman sa lahat ng mga sinasabi niya sa'kin ngayon?

"Live. Jill Morie."

Tumigil ako sa pag-iyak. Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana, tinanaw ko ang madilim na alapaap sa labas, lumilipad ang sasakyan papunta sa kung saan. Bukas isang pinabagong level ng larong 'to. I don't have the power to see the future anymore, but I am certain that everything is going to be fine, as long as I am fighting not just for my sister, Karen, but also, I'm fighting for myself.

I'm sorry. Cloud.



*****



"WELCOME to the third level of Akasha's game." Another new day, another new level of this freaking game. Hindi pa rin nagbabago ng fashion sense si Rama Melchiore, iyon na lang ata ang bagay na nagpapa-amuse ng bawat araw ko rito. I'm not really paying attention to him but I am aware of my surroundings.

Nandito lahat ng players sa meeting room habang nasa wide-screen projector ang color yellow background na naglalaman ng salitang 'Manipura Level' ang tawag sa ikatlong level ng larong 'to. I wonder kung anong meaning ng mga salitang 'yon at napansin ko rin na bawat level ay may katumbas na kulay.

 I wonder kung anong meaning ng mga salitang 'yon at napansin ko rin na bawat level ay may katumbas na kulay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon