/33/ Kill Her!

89.3K 3.9K 2.5K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


/33/ Kill Her!


[Jing Rosca's POV]


"NASAAN na ba si Eliza? Kanina pa 'ko nag-text sa kanya!" kami na lang 'ata ang hindi natitinag dito sa CBD plaza, dahil lahat ng tao ay hindi na magkaumayaw sa panibago nilang nasasaksihang kasindak-sindak na milagro ngayon. May kung anong kulay violet na liwanag ang biglang lumitaw at unti-unti itong lumalaki. Nakakarinig na kami ng iba't ibang hinuha katulad na lang na magugunaw na raw ba ang mundo. Hah! Hindi ako binuhay ulit dito para lang masaksikhan ang pagwawakas ng sanlibutan.

"Keep looking pero walang aalis dito,guys!" kinailangan pang sumigaw ni Cloud dahil sa tindi ng ingay na nililikha ng mga nagpapanic na tao.

Maya-maya'y nakita namin na huminto sa gilid ng kalsada ang pamilyar na sasakyan na ngayon ay mga kasunod pa na mas marami pa at lumabas mula roon ang kumag na si John Zedong, bago pa kami makapag-react ay mas na-windang kami nang umibis din mula sa sasakyan si Eliza, sa kabilang sasakyan lumabas ang mga kasama niya na sila Palm, Vince at Finnix.

Lumapit sila sa amin at bubuka pa lang ang bibig ni Eliza nang unahan ko siya.

"Anong ibig sabihin nito?!" sigaw ko.

"E-eliza, don't tell me..." si Cloud na hindi makapaniwala.

Pero nanatiling kalmado si Eliza na akala mo ay kontrolado niya ang lahat ng mga pangyayari.

"We need them," wala ng intro-intro at kaagad niyang bungad sa'min, "Jill also thought that we might need their hand that's why she didn't destroy them." At lumingon siya kay John Zedong na para bang sinasabi na utang na loob nila kay Jill 'yon.

"Pero paano ka nakasisiguro—" pangongontra sana ni Otis.

"There's no time for a long configuration but it all synchronizes."

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon