They might call me crazy
For saying I'd fight until there is no more
-The Beginning, One Ok Rock
/13/ The Battle Within
WALANG humpay ang hiyawan ng mga tao habang nakatayo kaming dalawa sa arena, ilang metro ang layo namin sa isa't isa ngunit damang-dama ko ang tension sa pagitang naming dalawa.
Bakit sa dinarami-rami ng tao na pwedeng iharap sa'kin ngayon, ikaw pa. Napatingin ako sa stage kung saan nakaupo sila Rama Melchiore at na-eengganyong nanunuod sa palabas. Ilang oras lang ang nakalipas, dumanak ang dugo at maraming buhay na ang nawala.
At ngayon, kaming dalawa, kailangan ba talaga naming magpatayan para lang manalo sa larong 'to? Tumingin naman ako sa kinaroroonan nila Cloud at kitang kita ko sa kanya ang labis na pag-aalala. Naroon sila Vince, Eliza, Cairo, Finnix at Otis, walang magawa na nakatingin lang sa amin ngayon.
Nilibot ko 'yung tingin ko sa paligid, nagkalat ang mga dugo mula sa mga nakaraang laban. Muli akong tumingin sa kalaban ko at kita ko na handang-handa na siya, handa para durugin ako.
Nagsasalita ang host pero hindi nakatuon ang atensyon ko, diretso lang akong nakatitig sa kanya habang unti-unti siyang lumalakad papalapit.
"Jing." Napahinto siya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya na kung tutuusin ay kaya ko namang basahin kung ano pero hindi ko ginagawa.
Namalayan ko na lang na nailabas na mula sa ilalim ang dalawang Minotaurs, nagwawala mula sa pagkakakadena at anumang sandali'y lalapain kaming dalawa. Simula na ng laban, mas lumakas ang hiyawan nang makakawala ang dalawang halimaw mula sa kadena at lumusob sa aming dalawa.
Dumadagundong ang lupa nang mabilis itong tumatakbo papunta sa'kin. Aaminin ko na hindi ko ganon kagamay ang kapangyarihang mayroon ako, ang kopyahin ang kapangyarihan ng iba pang Peculiar na nasa paligid, pero gamit ang isip, itinaas ko ang aking kamay upang kontrolin ang kadena mula sa pinaggalingan ng halimaw.
Shit. Hindi gumagalaw! Napasulyap ako kay Jing at nakita siya na sisiw lang na iniangat sa ere ang Minataur gamit ang Telekinetic power atsaka inihagis sa malayo. Sobrang malapit na yung susugod sa'kin, pinilit kong isipin na magagalaw ko 'yung kadena at mabilis iyong lumipad, sawakas ay gumana! Kinontrol ko gamit ang isip na mapulupot iyon sa halimaw at gumana muli! Hanggang sa tuluyang hindi makalapit sa'kin ang Minotaur dahil sa kadenang ipininulupot ko.
BINABASA MO ANG
Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)
Science FictionAkala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang magbabago muli ang takbo ng kanyang buhay nang dahil sa isang pantatraydor ng kaibigan. Kailangang lum...