/11/ Void

99K 4.4K 2.1K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"H-HINDI ko na k-kaya. Hindi ko na kaya!" Rinig na rinig ang pagsigaw ni Finnix, pinipilit kong indahin ang sakit, hindi lang pala ako, kaming lahat na nandito ngayon. Tumingala ako sa itaas at nakita ko ang kulay kahel na langit. Malapit na... malapit nang lumubog ang araw pero hindi ko alam kung hanggang kalian ko pa makakaya itaas ang dalawang braso ko.

We're all still standing above the arms of Cristo Redentor, staring at nothing while enduring the endless pain on our bodies. Lumipas ang mahabang oras na animo'y walang hanggan, narito kami ngayong siyam at sabay-sabay na hinihintay ang katapusan. Napatingin ako sa ibaba, isang pagkakamali lamang ay tiyak kong bubulusok ka.. 

Damang dama ko yung pawis sa buong katawan ko at tila nailabas na 'ata lahat ng toxins na pwedeng ilabas. Manhid na manhid na rin yung dalawang braso ko at dalawang binti na nangininig. Napapikit ako at hindi maiwasang pumatak ng ilang butil ng luha mula sa mga aking mga mata. This is goddamn painful.

"Cloud." I called him and I saw his dreadful face, he can't bear it anymore just as I do.

"Don't worry, babe, we can make it." Pinilit niyang ngumiti kahit na nakikita ko sa braso niya ang mga ugat na kala mo ay sasabog anumang sandalI.

Tumingin naman ako sa kanan at nakita si Cairo na nakapikit habang nakakagat labi. Gusto ko sana siyang pagtawanan dahil sa nakakatawa niyang itsura pero pakiramdam ko ay kapag tumawa ako ay bibigay ako ng tuluyan.

"Ahhhhh! Fuck!" kanina pa rin salit-salitang sumisigaw si Vince at Finnix. Tanging si Otis lang ata ang hindi nahihirapan sa amin ngayon, and that's what I need, his strength. I used my power to absorb his, at kahit papaano ay naramdaman ko ang paggaan ng dalawang braso ko.

"Ayoko na!" kanya-kanya silang daing, pagmumura at kung anu-ano pa. Hanggang sa hindi ko na maiwasang matawa. Then they all stopped.

"J-jill, bakit ka tumatawa?" tanong ni Palm, kahit nasa kabilang side sila ng arm ay narinig ko ang sinabi niya.

"We're doing this just for a freaking stone." Sagot ko sa kanya, pero bigla kong naalala, "No, hindi pala ako kabilang sa naghahangad ng walang katuturang kapangyarihan, I'm doing this for my sister and yet you guys are willing to do this just for power!" I shouted, I can't help it, kahit na nakatulong ang kapangyarihan ni Otis ay nanghihina na rin ang buong katawan ko.

"Wala kang alam."

"Damn you, Eliza." Gigil kong sagot sa kanya, "Why are you doing this?!" dahil ang totoo hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon kung anong ginawa nila sa'kin, all for that? For a stupid stone? Lahat ng pinaghirapan namin noon sa Mnemosyne Institute ay nabasura lang, she's the one who encouraged me when I lose all the hope in fighting back and now we're here, they betrayed me for what she believes a greater cause. Hindi ko pa rin maintindihan na lumalaban sila ngayon dito para lang makuha ang gusto nila na para sa masamang bagay. Hindi ko matanggap.

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon