Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot ang intercom.
"It's me..." buong lakas ng loob kong sabi, sa dinamirami ng mga iniisip ko kanina na pwede kong sabihin ay iyon lamang ang lumabas sa bibig ko, "It's... Jill."
Kaagad na bumukas ang automatic gate, pumasok ako muli sa sasakyan at pinaadar iyon ni Otis papasok sa loob. The Morie Manor. It's been ages since I left this place and returning here after three years feels so nostalgic. Malaki ang ipinagbago ng lugar mula sa landscaping at kulay ng façade ng bahay.
Nang ihinto ang sasakyan sa drop area ay nakita ko si Albert na naghihintay, kaagad akong bumaba at walang sali-salitang sinalubong niya ko ng yakap.
"Welcome back!" masiglang sabi niya nang kumawala siya, napansin ko na ganon pa rin ang itsura ni Albert at muntik muntikan ko nang makalimutan na isa rin siyang Peculiar kagaya namin, "Welcome to Morie Manor." Sabi niya sa mga kasama ko, tiningnan ko sila, nakababa na pala silang lahat nang sasakyan. Si Cairo na karga si Atticus at si Cloud na karga naman si Beau, kanina pa iyak nang iyak ang dalawang bata pero tulog na sila ngayon marahil sa pagod. Nasa isang tabi naman sila Finnix, Otis at Pascal.
"Where's dad?" tanong ko at kaagad naman kaming pinatuloy ni Albert sa loob ng bahay.
Nasa living room kaming lahat, naghihintay, pinagsilbihan kami ng mga serbidor, naglagay ng tsaa sa lamesita.
"Inihahanda lang ang agahan, pababa na si Richard, Jill." Sabi ni Albert at muli itong umalis.
"Jill." Nagulat ako nang hawakan ni Cloud ang kamay ko, "You're shaking." Huminga ako nang malalim.
"Cloud...we just... we just lost another friend... again." Dead on arrival, iyon ang nangyari nang kaagad naming dinala si Dean sa Sentral hospital kanina. I feel so sorry for not doing anything to save him, that damn Chairman of Memoire showed off the powers of those Peculiars. Kitang kita nang dalawang mata ko na hinawakan lang nung babae si Dean at mabilis kaagad itong nawalan ng buhay. And they got my sister... Papunta na sila ngayon sa Beijing at heto kami ngayon.
"I feel sorry for Dean too." Sabi ni Cloud, "You're not the only one who thought that even Vince was shocked."
"Memoire, those monsters―"
"And they're alive." Napahinto ako sa sinabi ni Cloud. Ilang segundo kaming nagtitigan bago ko tuluyang ma-digest ang sinabi niya.
"A-alive..." mabilis na rumehistro sa isip ko ang mukha ni Jing. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na buhay siya. We're both agonizing of what we saw, Jing is alive and her mother is alive as well. What we saw on the powers of those twins explained it, the girl called "Dette" can kill using touch, and the boy called "Joha" can revive anyone but it requires a sacrifice, according to that bastard Chairman.
BINABASA MO ANG
Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)
Science FictionAkala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang magbabago muli ang takbo ng kanyang buhay nang dahil sa isang pantatraydor ng kaibigan. Kailangang lum...