/30/ Safe Haven
"AND Jill Morie saved the day. The end." Nagulat ako nang may magsalita mula sa likuran ko, at nakita ko siya, kanina pa ba siya gising? Naglakad siya papunta sa kinaroroonan ko at tumabi sa akin. How I missed this annoying woman. Jing Rosca.
Inabot niya sa akin ang isang can ng soda at inilabas ang sigarilyo at sinindihan.
"God, I missed to smoke." sabi niya pagkabuga ng usok. Saan naman niya kaya nakuha 'to? At parang nakakapanibago na ang gaan ng aura niya, weird thing na simula nang mapunta sa'kin 'tong Chintamani ay tila kaya kong pakiramdaman lahat ng bagay, at ang kakayahan na kaya kong matukoy kung alin ang Peculiar o may mga kapangyarihan mula sa hindi, kapag may nababalot na kakaibang violet aura sa buong katawan ay alam kong may espesyal na kapangyarihan ang isang tao.
"Kung pwede lang sana na ganon kaagad ang mangyari." Komento ko matapos niyang umupo at sabay naming tinanaw ang cityscape ng buong Beijing. "Paano mo ako nahanap dito?"
"Alam kong mahilig kang tumambay sa mga ganitong lugar kasi loner ka." Natawa ko sa sinabi niya. "Ako ang dapat magtanong kung paano kami nagising at napunta na lang basta sa hotel na 'to. Ang huli kong natatandaan ay nasa kabilang ibayo tayo."
"Too long to explain, nakakatamad."
"Hoy, Jill Morie, umayos ka, kailangan mong magkwento ha, ikaw bida rito baka nakakalimutan mo."
"Tigilan mo nga 'yung pagsasalita na ako ang bida rito."
"Aba, eh, totoo naman. Ikaw ang star," natawa na lang ako sa kalokohan ng babaeng 'to, na-miss ko talaga siya. "Atsaka hindi pa rin ako nakakamoved-on sa ginawa ni Dean ha, iniwan niyo kaming naninigas sa bundok sa Himalayas tapos nakuha kami ng mga kulto na 'yon, tinurukan, nagising na lang ulit sa ibang ibayo at heto nagising na naman sa hotel. 'Yung totoo? Nakakapagod 'yung pagising-gising ah."
"Alam mo naman kung anong kaya kong gawin 'di ba?"
"Hindi, hindi ko alam, kaya nga ko nagtatanong eh."
BINABASA MO ANG
Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)
Science FictionAkala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang magbabago muli ang takbo ng kanyang buhay nang dahil sa isang pantatraydor ng kaibigan. Kailangang lum...