/24/ Exasperation

89.9K 4.2K 1.4K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hindi ko matanggal 'yung singsing, Timoteus."

"We have to talk to her when she wakes up, Karen, you have to explain it to her then convince her to give us the Chintamani."


It wasn't freezing anymore. I can feel the warmth...Where...again...am I?

Seconds later I was staring at the white ceiling. Bumangon ako at napagtanto na nakasuot na lang ako ng white plain shirt at black pants, nakita ko 'yung room heater sa sahig. I feel better than...Wait...Sila Cloud! Naiwan sila! At...Si Dean!

Bigla kong naalala ang lahat ng nangyari kung kaya't hinawi ko ang comforter at kaagad na tumayo. I'm still wearing it—the Chintamani.

Anong nangyari kila Cloud, Jing, Vince, Cairo, Finnix at Otis, lahat silang mga naiwan. Bakit? Bakit 'yon nagawa ni Dean? At si Dean? Si Dean na buhay? Anong nangyayari—

"Jill?" may kumatok sa pinto at biglang kumabog ang dibdib ko. Dahan-dahan akong nagtungo sa pintuan at nagdalawang isip kung pagbubuksan ang kung sino mang nasa labas. Muli itong kumatok makalipas ang ilang sandali, "Jill?"

Binuksan ko ang pinto...

"Hey."

...

Hey. Iyon lang ang sinabi niya matapos ang halos maraming taon na hindi namin na pagkikita. What the hell is he doing here? For all time and place, bakit ngayon pa?

"M-morris?" hindi ko maitago sa mukha ko ngayon ang labis na pagkagulat na may halong pagkalito at pagtataka.

I need somebody to explain what's happening. As in ngayon na.

"Kamusta?"

"Sorry Morris pero hindi ata ito ang tamang oras para magkamustahan tayong dalawa." Kaagad ko siyang hinawi para makadaan ako. Call me rude pero hindi ko na talaga naiintindihan ang mga nangyayari. I heard voices earlier, it's my sister, Karen, and a man...a man she called 'Timoteus'.

"Jill, sandali!" kaagad siyang humarang sa dadaanan ko. "Alam kong naguguluhan ka pero kailangan mong kumalma."

"Paano ako kakalma?!" natigilan kami parehas nang masinghalan ko siya, "Morris... Please, I just need to see my sister." Whatever the reason why he's here, malakas ang kutob ko na may kinalaman siya. I'm sorry, Morris, I'm sorry if I don't feel happy now even though I saw you again, hindi lang talaga tama ang timing, sorry. Sobrang naguguluhan ako, yesterday it was Dean and now it's Morris.

"Follow me." He coldly said at nauna siyang naglakad. Gusto ko siyang tanungin kung nasaan kami pero katulad ng panahon ay namayani ang malamig na tensyon sa pagitan naming dalawa. We're like in a lodge house, katulad ng rest house namin sa probinsya, natanaw ko sa labas ng bintana ang walang katapusang niyebe at wala akong naaninag na kahit na ano maliban sa mga puno at bundok, magdidilim na ang paligid. Are we still in China?

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon