Chapter 3

1.4K 48 11
                                    

AN: Matagal na hindi nakapagupdate. Iba na ang writing format ko. Amp. 😂

• • •

Seulgi

"UY, nakakatakot ka naman. Ngumingiti ka dyan na parang tanga." Sabi ni Joy sa akin, "Unnie!" Sabi pa nya ng hindi ko sya pinansin.

"Oh?" Humarap ako sa batang baluga na 'to, epal sa pagdeday dream ko. "Wala ka bang ibang magawa at pati ako napapansin mo?"

"Ikaw kasi, Unnie. Mukha kang sira dyan sa kakangiti. Iniisip mo na naman 'yung girlfriend mo?" Sabi ni Joy. "Wag kang magalala, mahal ka 'nun." She giggled.

Napaiwas ako ng tingin. Mahal nga ba nya talaga ako? Mukhang hindi ko ramdam, eh. Hindi naman kasi alam ni Joy at Yeri na nasasaktan ako ng dahil kay Irene. Ang akala nila, mahal talaga namin ang isa't isa. Akala nila, sobrang saya namin. Well, masaya naman talaga ako. Kasi girlfriend ko 'yung taong mahal 'ko. Pero paano ako makakampante kung may kahati pa din ako? Sa puso at atensyon nya. Sobrang hirap na lalo na at mas lamang sa akin si Bogum.

Lalaki sya, ano bang laban ko sa kanya?

Eh baka nga pag pinakilala ako ni Irene sa Mommy nya, hindi nya ako matanggap. I mean, kilala naman ako ng Mommy ni Irene. Kasi magkakaibigan kami dati pa. Pero as a girlfriend? Hindi. Kasi nung nililigawan ko si Irene dati, sabi nya na hindi pa sya handang ipakilala ako. Kaya naman hindi alam ng magulang nya magsyota kami.

"Mahal ko sya." Tipid na sabi ko. Ang layo ng sagot ko sa sinabi nya. Kasi totoo naman, eh. Yung pagmamahal ko sa kanya, totoo talaga. Pero yung pagmamahal nya sa akin, totoo ba? Hindi naman sa nagdududa ako. Pero tulad nga ng sabi ni Wendy, kung mahal nya ako, hihiwalayan nya si Bogum at hindi kami pagsasabayin. Hindi man nya aminin na meron silang secret affair ni Bogum, alam ko 'yun. Sabihin nyo ng creepy ako, pero sinusundan ko sila. Nagpapakamasokista ako. Tinitignan ko sila habang masaya silang kumakain sa isang restaurant. Ganun ako, eh. Sinusundan ko sila minsan pag alam kong magdedate sila. Tapos ang ending nun, uuwi akong luhaan dahil sobrang sweet nila.

Ayokong sabihin sa kanya na alam kong meron silang relasyon ni Bogum. Baka kasi dumating sa point na mamili sya at ayokong mangyari 'yun. Dahil pag namili sya, sure ako na talo ako. Sabi ko naman sa inyo, kahit na alam kong hindi nya ako ganun kamahal, ayos lang basta sa akin sya umuuwi. Ganun ko sya kamahal. Sobrang tanga ko ba? Maiintindihan nyo din ako.

Ayokong mawala sya sa akin. Kaya naman kahit sa ganitong paraan, kahit na magmukha na kong tanga at kawawa, ayos lang sa akin. Basta nakakasama ko sya. Basta girlfriend ko pa din sya.

"Alam kong mahal mo sya, Unnie." Natatawang sabi nya. "Mahal nyo nga ang isa't isa, diba?" Tama ka, Sooyoung. Mahal na mahal ko sya. Hindi ko nga lang alam kung tama din ba 'yang pangalawang sinabi mo.

"Basta mahal ko sya." Sabi ko at ngumiti ng malungkot, "Dapat pag nagmahal ka, yung taong mahal ka din, ah? Nakakatanga ang pagibig. Mapaglaro. Wag mong hayaang paglaruan ka." Sabi ko at tinap ang balikat nya.

Wag kang gagaya sa akin, Sooyoung. Mahirap. Sobrang hirap.

• • •

"UNNIE!" Masayang bati ni Joy ng pumasok si Irene sa dorm namin. Kaming dalawa nga lang kasi ni Joy ang nandito. Si Wendy, wala. Si Yeri, nasa school, as usual.

"Hi," Bati ni Irene kay Joy at inabot ang isang plastic ng manok. "Para sa'yo." Irene said then smiled.

Nakakainis. Bakit ba ang ganda ganda mo?

"Thanks, Unnie!" Joy squealed. Niyakap pa si Irene bago pumunta sa kusina para lapangin ang manok na binigay sa kanya.

Tumingin sa akin si Irene, "Bakit ganyan ka makatingin?" She asked then raised her eyebrows. Sungit nito.

"Ang ganda mo kasi." Wala sa loob na sabi ko habang nakatingin sa kanya. Teka, what the hell was that?

Inirapan nya ako pero namula ang mukha nya. "Shut up." Masungit na sabi nya.

"Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya habang may kinakalikot sya sa bag nya.

Hindi nya nga magawang sulyapan ako nung sumagot sya, "Wala kang pake." Malamig na sabi nya.

I smiled bitterly. Wala nga naman pala akong karapatan. Bakit ba kasi nagtatanong pa ako? Siguro dahil may pakeelam ako sa kanya at girlfriend nya ako? May karapatan akong malaman kung anong ginagawa nya? Kasi girlfriend nya ako.

Pero syempre, dahil ako si Kang Seulgi, wala akong lakas ng loob na isumbat sa kanya 'yun. Kaya naman nginitian ko lang sya nung nagangat sya ng tingin para tignan ako.

"Wala nga pala akong karapatan," Mahinang sabi ko at bumuntong hininga. Kahit na ang totoo, meron naman.

She just stared at me. Nginitian ko lang sya. Para kasing may gusto syang sabihin pero mukhang nagaalangan pa sya. Nakatingin lang sya sa akin.

"Ingat ka nalang palagi, Irene." Sabi ko nalang at tumayo na. Kahit na ilang beses ng sabihin sa akin ni Wendy na tumigil na ako, hindi ko talaga kayang ilet go si Irene. Ang tanga tanga ko na nga talaga. Siguro nga. Sobrang tanga ko na. Martyr na kung martyr, pero sobrang mahal ko kasi talaga sya.

Nang makapasok na ako sa kwarto namin ni Irene, huminga ako ng malalim. Wala na akong nagawa nung kusa ng pumatak ang mga luha ko. Punyetang 'yan.

Hindi ko na napigilan at napahgulgol nalang ako. Simple lang naman ang pagkakasabi ni Irene nun pero ang lakas ng impact sa akin. Sobra akong nasaktan dahil parang pinamukha nya sa akin na hindi nya talaga ako mahal. Minsan lang naman nya ako girlfriend. Pag nasa mood syang maging sweet sa akin.

Paulit ulit nalang, Irene.

Nagulat ako ng may kumatok kaya naman nagmamadaling pinunasan ko ang luha ko at binuksan ang pinto. Nakita ko si Irene na nakayuko pero nung maramdaman nyang binuksan ko na 'yung pinto, nagangat sya ng tingin. Ang lungkot ng mga mata nya.

Bakit ganito ka, Irene? Ang hirap mong basahin. Minsan may pakeelam ka sa akin. Minsan wala.

"Seulgi…" She whispered. Walang paalam na niyakap nya ako sa leeg at sinubsob nya ang leeg nya sa leeg ko. "Im so sorry."

Eto na naman 'yung puso ko. Isang sorry lang nya, bumibigay na agad ako.

• • •

Gosh, ang tagal ko ng hindi naaasikaso ang story na to. Chapter 3 palang. 😂 Masyado kasing madrama, buset na 'yan. 😂

She's a monster | seulreneUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum