Chapter 13

1.2K 51 69
                                    

AN: Kuha kayo ng popporn.

• • •

"AMININ?" Kunot noong tanong sa kanya, alam kong hindi nya ako nakikita pero hindi ko mapigilang mapakunot noo. Nagtataka ako. Anong aaminin nya?

"Yes." Rinig ko ang pagbuntong hininga sya, unti-unti akong lumapit sa kama para umupo. Kinakabahan na din ako dito kay Jennie. Feeling ko hindi good news ang aaminin nya, eh. "Kasi ano..."

"Ano?" Tanong ko naman, kinakabahan na din ako at syempre, curious. Bakit kasi hindi nalang nya sabihin, ang dami pang sinasabi.

"Kasi dapat talaga dati ko pa inamin 'to, natakot lang ako. Pero naisip ko kanina pag-uwi ko na deserve mong malaman ang totoo. Na deserve mong malaman lahat sa likod ng kasinungalingan na 'to."

Unti-unti akong binalot ng kaba. Ano bang pinupunto nya? At anong kasinungalingan? Ano ang hindi ko alam?

"Tell me, ano 'yon?" Bumuntong hininga ako, please lang, wag po sana 'yung balita na hindi ko kakayanin.

"Nakita ko si Irene at Bogum-" Huminga sya ng malalim, feeling ko tumigil ang tibok ng puso 'ko habang hindi nya binibitawan ang mga salita na gusto nyang sabihin. Hangga't hindi nya sinasabi ang totoo.
"Nalaman ko ang sikreto nila."

Napapikit ako, "Damn it, Jennie. Sabihin mo na, ako ang kinakabahan dito, eh." Angil ko sa kanya. Ang dami nyang sinasabi. Ayaw nya ako diretsuhin. May pakiramdam ako na hindi maganda ang sasabihin nya.

"Ayoko syang pangunahan. Ayokong makeelam. Pero siguro, may karapatan ka talagang malaman. At sure ako na wala syang balak sabihin sayo. Kaya naman ako na ang magsasabi." Sabi nya sa akin.

"Ano ba kasi yun?" Tanong 'ko naman. Ayaw nya sabihin ng diretso?

Kinakabahan ako, eh.

"She has dilated cardiomyopathy." Sabi nya sa akin kaya napakunot anong noo 'ko. Ano daw? Kalapati?

"Kalapati?" Tanong 'ko kaya naman napatawa sya sa kabilang linya. Aba ang gago, pinagtawanan pa ako.

"Heart disease 'yun, Seulgi. Hindi dapat ako natatawa pero natawa ako sa kalapati thingy mo. Umayos ka nga." Natatawang sabi nya sa kabilang linya. "Dilated cardiomyopathy is a condition in which the heart's ability to pump blood is decreased because the heart's main pumping chamber, the left ventricle, is enlarged and weakened. In some cases, it prevents the heart from relaxing and filling with blood as it should. Over time, it can affect the other heart chambers." Suneryoso ang boses nya at para bang naging propesyonal ang pagsasalita nya. Para akong nabingi.

Sakit? May sakit si Irene?

"Wala akong panahon para sa mga shitty jokes mo, Jennie." Sabi ko naman sa kanya. Paano naman magkakasakit si Irene? Eh ang lakas lakas nung tao. "Tigilan mo nga ako." Pinilit kong sinisiksik sa utak 'ko na joke lang to. Joke nya lang 'to, diba? Wala namang sakit si Irene- it can't be.

She's a monster | seulreneWhere stories live. Discover now