Chapter 9

1.2K 42 5
                                    

"BAKIT mo tinanggihan ang alok ni Bogum? I think, he's waiting for you." Nandun ang bitterness sa boses ko. Oo, ako ang pinili nya. Pero bukal ba sa loob nya?

She looked at me, "Ikaw ang gusto ko makasama, Seulgi." Nandoon ang emosyon sa mga mata nya na matagal na ng huli kong makita— pagmamahal. Pero bakit? Kitang kita ko ang maliit na pagkurba ng mapupula at malalambot na labi nya, ngumiti sya. Nginitian nya ako, shit. "Wala munang eepal sa atin ngayon, I want to be with you." Unti unti nyang kinuha ang kamay ko at pinisil ito, "So don't go, okay? Stay."

I want to stay here with you forever, Irene. Kung alam mo lang.

Kung alam mo lang— na ayoko nang matapos ang oras na 'to, itong oras na 'to na nasa akin lang ang atensyon mo. Itong oras na 'to na mas mahal mo 'ko kesa kay Bogum. Itong oras na 'to na pinapahalagahan mo ko.

Ayoko ng matapos ang oras na 'to dahil masaya ako.

Masaya ako na finally, parang ikaw ang dating Irene na minahal ko. Na parang ikaw 'yung dating Irene na girlfriend ko at minamahal ako.

Unti unti nalang akong ngumiti at tumango, "Okay."

She smiled at me, yung ngiti nyang nakakatunaw at sinabayan mo pa ng pagpisil nya sa kamay 'ko, "Good. Anong gusto mong panoorin?" She asked me, tumingin sya sa paligid at tinignan ang mga palabas na nauuso ngayon. Pero ako? Nakatingin lang ako sa kanya. Mas gusto kong titigan sya— dahil para sa akin, isa syang istorya. Istorya sya sa buhay 'ko na kung saan naging masaya ako. Istorya sya sa buhay ko na kahit wala syang ibang ginawa kundi saktan ako, sya at sya pa din ang nakakapagpaligaya sa puso 'kong ito. Corny? Okay, alam kong corny— pero 'yun talaga ang nararamdaman ko.

"Ikaw." Wala sa loob na nasabi ko kaya naman napatingin sya sa akin, kitang kita ko ang pagkurba ng magaganda nyang kilay na para bang naguluhan sya, "Ano?"

I smiled at her, she's so cute. "Ikaw kako ang bahala."

Napatitig pa sya sa akin ng sandali at unti unting tumango, umiwas sya ng tingin at nagtaka ako ng bumitaw sya sa akin, "B-bibili lang ako ng ticket." Sabi nya at nagmamadaling pumunta sa bilihan ng tickets. Napakunot naman ang noo 'ko sa inasal nya. What was that? Bakit bigla syang naging ganun? Bakit nung tumingin sya sa akin, naging ganun ang ekspresyon nya? Ganun na ba ako kapanget?

Bumuntong hininga nalang ako dahil napakabipolar talaga ni Irene. Napatingin ako sa cellphone na hawak 'ko ng magvibrate ito, may tumatawag pala, it's Krystal. Si Krystal, ang kablockmate ko. Mabait sya at matalino, bonus nalang siguro yung itsura nya. She's nice and cool.

"Hello? Soojung?" Bungad ko nang sagutin ko ang tawag nya, narinig ko naman ang mahinang pag-angal nya.

"Wag mo sabi akong tawagin sa real name 'ko!" Ayaw nya talaga magpatawag sa real name nya, ang panget daw. Para sa akin, hindi naman. Ang cute talaga ni Soojung.

I chuckled, "Bakit muna ayaw mo? Give me 10 reasons and write it in a one whole sheet of paper." Sabi ko naman.

"Ano ka? Teacher? Manahimik ka nga dyan, Kang! Kakamustahin lang kita, nambwisit ka pa!"
Sabi nya sa akin kaya napatawa ako, pikon talaga sya. Ewan ko kung bakit pero napapagaan nya ang loob ko. Isa din sya sa naging sandalan ko sa tuwing umiiyak ako ng dahil kay Irene. Naiintindihan nya ako at ang swerte ko na naging kaibigan ko sya.

"Sorry naman, okay lang naman ako. Alam mo ba, Soojung? Magdedate kami ni Irene ngayon!" Mahina ngunit kinikilig na sabi ko, wala kasi akong mapaglabasan ng feels 'ko. Kahit na ang bitter ko kanina, kinikilig talaga ako lalo na nung mas pinili nya ako kesa sa Bogums na 'yun.

"Really? Good for you, Seulbear! Alagaan mo ah!" Rinig ko na masaya din sya para sa akin kaya naman napangiti ako lalo. I'm so lucky to have a bestfriend like her.

"Lagi ko naman syang inaalagaan, sya lang naman 'tong sinasaktan ako." Sabi ko kaya napabungisngis sya, gago 'to, tinatawanan pa ako. Napakawalangya.

"Hindi bagay sayo humugot! Nako, ibababa ko na nga 'to! Baka nakakaistorbo ako sa date nyo. Basta ah, mga tinuro 'ko sayo. Painlove-in mo ulit si Irene mo, okay? Buhayin mo ang namatay nyong pagibig." Napatawa naman ako sa sinabi nya lalo na sa last line.

"Oo na! Ang dami mong alam, sige, bye, Krys." Sabi ko naman at binaba ko na ang tawag. Nakangiti akong tumalikod para sana puntahan si Irene ngunit nagulat ako nang pagtalikod ko ay nakatayo na pala sya sa likod ko.

"I-irene, kanina ka pa dyan?" Medyo nagulat ako dun, ah. Akala ko kung sino. Idagdag mo pa na ang sama sama ng tingin nya sa akin na para bang anytime, pwede na nya akong sakmalin at ilapa sa mga leon.

"Halata ba?" Rinig ko ang panlalamig sa boses nya kaya naman kinilabutan ako. Bakit all of a sudden, ganyan na naman sya? Anong problema?

"Bakit naman ganyan ka magsalita?" Tanong ko sa kanya pero inirapan nya lang ako, "Huy." At oo, kinukulit ko sya ngayon. Ayokong masira 'tong date namin kaya naman tinatanong ko kung anong problema para maayos agad. Pero mukhang ayaw magsalita ng isang 'to.

Umusod ako papalapit sa kanya at nagpout, oo, nagpapacute ako ngayon at wala kayong pake. "Babe, please talk to me." Mahinang sabi ko dahilan para mapatingin sya sa akin. Poker face lang ang mukha nya pero ang daming emosyon sa mga mata nya.

"Nakakainis ka," Halos pabulong na sabi nya sa akin, kitang kita ko na naiinis talaga sya pero nagtataka ako kung sino ang dahilan ng pagkabanas nya. "Dun ka na sa Soojung mo!" Rinig na rinig mo ang pagkairita sa boses nya kahit na hindi naman ganun kalakas ang pagkakasabi nya nun. Napatawa naman ako ng kaunti nang marealized kung bakit sya nagkakaganyan.

"Nagseselos ka ba?" Natatawang sabi ko. Alam ko naman na idedeny nya 'yun at iirapan ako, or worst, baka kung ano ano pa ang sabihin nya.

Pero bakit nagulat ako nung sinabi nyang "Oo, nagseselos ako!"

• • •

At dahil nanalo ang Red Velvet sa best female group, iyan HAHAHAHAHA naguodate ako. Sorry kung lame, ang sakit ng ulo ko eh. Salamat sa pagbabasa, goodnight, luvies!

She's a monster | seulreneWhere stories live. Discover now