Chapter 7

1.2K 39 23
                                    

AN: Yas naman! Nakapagupdate ulit after 69 years. Dito muna ako magfofocus, tapos pag meron na akong idea sa ibang stories, dun naman ako maguupdate. 😂

• • •

NAPANGIWI ako ng hampasin ako ni Moonbyul sa balikat. Gaga talaga ang babaeng 'to. Gustong gusto akong sinasaktan eh. Nasasaktan na nga puso ko, kailangan pati katawan ko.

"Siraulo!" I hissed. "Bakit ka ba nandito? Dun ka! Tsupi tsupi." Sabi ko pa. Pag kasi andito sya, hindi tahimik ang buhay ko, eh. Parang lagi syang nangiinis.

She glared at me, "Ano ako? Aso?" Okay, ganda na sana nya eh, hindi gwapo pala, kaya lang kainis yung mukha pag nakaganun eh.

"Oo. Asong ulol!" Sabi ko pa kaya nakatanggap na naman ako ng batok. Ito nga pala si Moonbyul. Kaibigan 'ko. Hindi sya katulad 'ko na pangalawang course na 'tong psychology. Talagang ito lang ang course nya. Ang reason kung bakit nagaaral pa sya ay dahil lagi syang bagsak. Ewan 'ko ba sa babaeng 'yan. Hindi ata sineseryoso ang pagaaral nya. Mayaman kasi kaya naman walang kaso sa kanya ang magpaulit ulit. Nakakatamad na kaya. Ayaw pa nyang magseryoso para makagraduate na sya.

"Gago." Aba ang lakas, minura pa ako.
"Itatanong 'ko lang sana kung may assignment ka ba?" Tanong nya sa akin.

"Bakit naman?" Nakataas ang kilay na tanong 'ko. Malakas ang kutob ko na may kakapalan na namang gagawin itong si Byulyi.

"Pakopya," Pacute pa na sabi nya kaya halos masuka na ako dahil hindi bagay sa kanya. Sabi ko na nga ba, eh. Hindi na naman sya gumawa ng assignment nya. Lagi nalang syang ganyan.

"Wag ka ngang gumanyan! Nakakadiri." Sabi 'ko sa kanya at umirap pa, "Eww."

• • •

NAGLALAKAD na ako palabas ng school ng biglang tumunog ang cellphone 'ko. Tumigil pa ako at bumuntong hininga, kinuha ang phone ko mula sa bulsa ko.

Napatingin ako sa phone ko at nagulat ng malamang si Irene pala ang tumatawag. Ano naman kaya ang kailangan nya? Bihira lang syang tumawag sa akin pag wala syang importanteng sasabihin. Masakit, pero totoo yun. Bihira nya lang akong tawagan. Ako na girlfriend nya.

"Hello?" Tanong ko pagkasagot 'ko ng tawag nya, "Bakit?" Casual na tanong ko. At oo, formal ang pakikipagusap namin. Hindi katulad ng dati na kulitan lang. Walang awkward na nagaganap sa aming dalawa.

"Hello. Can you pick me up?" Nagulat ako sa sinabi nya. Bakit naman kaya? Hindi ba sya masusundo ni Bogum? At oo, si Bogum ang sumusundo sa kanya. Alam ko 'yun dahil one time, pumunta ako sa company nila at nakita kong si Bogum ang nagsundo sa kanya. Wala naman akong lakas ng loob para sumbatan sya. Tulad nga ng sabi 'ko, okay lang ako as long na sakin sya umuuwi. As long na ako pa din ang kasama nya sa pagtulog. Kuntento na ako dun.

"Bakit?" Takang tanong 'ko. All of a sudden, gusto nyang magpasundo sa akin, ganun? Mahirap din kaya na maaalala ka lang pag gusto nya. Na kakamustahin o kakausapin ka lang pag naisipan nya.

"I just want to. Gusto 'kong lumabas tayo," Sabi nya sa akin at kahit hindi 'ko sya nakikita, alam 'kong nakapout sya. "You know? Ang tagal na din kasi eh, nung huli nating date." Lumakas ang tibok ng puso ko. Date? Paano naman kita aayain ng date kung… kung busy ka sa Bogum mo?

She's a monster | seulreneWhere stories live. Discover now