Chapter 6

1.3K 42 28
                                    

AN: Good morning. Buti nalang wala kami masyadong assignments ngayon kaya nagawa 'ko to. 😂


• • •

SUMUBSOB ako sa study table na nasa harapan 'ko. Inaantok na ako. Sobra.

Kasi naman, nagaaral pa din ako hanggang ngayon. Tapos na ako ng architecture at kinukuha 'ko naman ngayon ay psychology. Ang layo, diba? Gusto 'ko lang kasi mapagaralan ang behavior ng isang tao. At gusto 'ko din malaman kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Kung bakit may mga taong paiba iba ng mood. Kagaya ni Irene. Mayaman naman kami kaya kaya 'kong kumuha ng iba't ibang course pero hindi 'ko gagawin 'yun. Pag natapos 'ko ang pagaaral 'ko na to, magtatrabaho na ako as an architect.

Si Irene naman, nagtatrabaho sya sa company nila. Hindi pa naman kami matanda. Si Irene kasi, dun na talaga sya pinagtrabaho ng mga magulang nya kasi nga sya ang tagapagmana nila. Pinangako 'ko pa sa kanya dati na pag naging magasawa na kami, hindi 'ko na sya pagtatrabahuhin dahil ayokong napapagod sya. Hindi 'ko nga lang alam kung hanggang ngayon ay ako pa din ang gusto nyang pakasalan.

Pagod na pagod kasi ako. Kakagaling 'ko lang sa school at madami kaming gagawin. Nakakabwisit lang. Tumigil nalang kaya ako? Tutal, nakagraduate na naman ako ng architecture.

Pero wag na nga. Sayang naman. Next year lang ay gagraduate na ako.

"Seulgi?" Bigla akong napaangat ng tingin mula sa pagkakasubsob ng marinig 'ko ang boses ni Irene. Nakita 'ko sya na may dala dalang plastic sa magkabilang kamay nya. Mukhang namili sya, ah. Ako lang kasi magisa dito sa bahay kanina. Si Yerim, malamang nasa school nya. Si Joy naman, nasa school din. College na din. Si Wendy naman, nasa trabaho.

"Oh, Irene." Sabi 'ko at ngumiti ng kaunti. Saan kaya sya galing? Sa company nila o sa taong mahal nya? Aish. Baka sa hypermarket.

"What are you doing? Sleeping? Bakit hindi ka matulog sa kama natin?" She asked me.

Napangiti ako ng kaunti, "Nagrereview ako." Bumuntong hininga pa. "Madami pang homeworks and activities."

"Bakit kasi nagtake ka ulit ng course? Tapos ka na naman ng college, eh. You don't have to do that." Sabi nya sa akin at mataman akong tinignan.

Umiwas ako ng tingin, "Curious lang ako sa behavior ng isang tao." Sabi ko naman.

Hindi 'ko man makita ay alam 'kong kumunot ang noo nya, "Bakit naman?"

Dahil sayo. "Wala naman. Kailangan ba may dahilan?" Nasabi 'ko nalang.

"Hindi naman." Sabi nya at naglakad na papuntang kusina. Sure ako na ilalapag nya ang mga pinamili nya dun. Ako naman, pinagpatuloy 'ko ang pagsusulat 'ko ng mga notes at homeworks na pinapagawa. Nakakapagod talaga pag college ka na.

• • •

NAGISING nalang ako ng maramdaman 'kong may humahaplos sa mukha 'ko. Amoy na amoy 'ko ang mabango nyang pabango kaya naman lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Kailangan 'ko na atang magpatingin sa Doctor. Masyado ng malakas ang tama 'ko sa kanya.

Dumilat ako at nakita 'kong nakaupo sya sa tabi ko at nakatingin sa akin. "I-irene." Kinakabahan na sabi 'ko. Tinititigan nya ba ako habang tulog ako? Paano kung naghihilik pala ako? O may tumutulong laway? Nakakahiya.

"Ang cute mo talagang matulog." Nangingiting sabi nya at tumayo na, "Kakain na. Pinagluto kita."

What's with the sudden change?

"Pinagluto mo ako?" Tanong ko sa kanya, hindi ako makapaniwala. Matagal na din simula ng ipagluto nya ako ng kaming dalawa lang. I mean, nagluluto naman talaga sya para sa amin. Pero yung para sa akin lang? Hindi. Hindi na. Madalas kasi na magkasama sila ni Bogum at wala na syang oras para maging ganito sa akin. Busy na sya dun sa totoong mahal nya. Nagpapasalamat nalang ako at nandito pa din sya sa akin. Sa akin pa din sya umuuwi. Kahit na wala sa akin ang atensyon nya madalas. Sanay na naman ako.

"Oo. Mukha ba akong nagbibiro?" Tumawa pa sya ng mahina, "Tara na." Sabi nya at nilahad ang kamay nya sa akin na para bang iniintay na hawakan 'ko yun.

Nahihiyang hinawakan ko naman ang mukha nya at tumayo na. Sabay na kaming pumunta sa kusina. Ang lakas talaga ng tibok ng puso 'ko. Ang lambot lambot pa ng kamay nya kaya mas lalong hindi ako makapagisip ng matino. Ang OA mang isipin, pero kinakabahan ako lalo na at kaming dalawa lang ang nandito. Sobrang kinakabahan ako.

"Anong niluto mo?" Tanong 'ko nalang para mabasag ang katahimikan.

"Madami." Sabi naman nya at sumulyap sa akin, "Special lahat 'yun. Parang ikaw." She said then smiled sweetly.

Namula naman ako at napaiwas ng tingin. Ramdam 'ko nalang na pinipisil pisil na nya ang kamay 'ko.

Irene, wag kang ganyan. Wag mo na akong paasahin lalo na kung hindi talaga ako ang mahal mo.

• • •

NAPAHAWAK ako sa tyan 'ko at napabuntong hininga sobrang kabusugan. Grabe, sobrang nabusog ako.
Napadighay pa nga ako kaya naman natatawa sa akin si Irene.

"Busog na busog, ah." Sabi nya sa akin at tumayo na para pagsama samahin ang mga plato at ilagay sa lababo. Tinulungan 'ko naman sya dahil ako pa ba? Syempre ayokong napapagod sya.

"Ang sarap kasi ng mga niluto mo," Sabi ko at napahawak pa sa tyan 'ko. "Namiss 'ko kaya."

Kumunot ang noo nya at sumulyap sa akin, "Namiss mo? Eh ako lagi ang nagluluto dito." Sabi nya sa akin.

Napakamot ako sa ulo 'ko. Hindi mo kasi naiintindihan, Irene.
"Basta." Sabi ko nalang dahil bukod sa tinatamad akong sabihin, nahihiya din ako.

"Ang gulo mo din." Sabi nya at nilagay ang mga plato sa lababo.

Ako pa ngayon ang magulo sa ating dalawa, Irene? Really?

Ikaw 'yung magulo. Masyado mong ginugulo ang utak at feelings ko. Paasa ka. Minsan sweet ka na akala ko, mahal mo pa din ako. Minsan naman lagi kang wala at magkasama kayo ng Bogum mo. Nahihirapan na ako at nasasaktan.

Akmang huhugasan na nya ang mga plato ng pigilan 'ko ang mga kamay nya. Muli ko na namang nahawakan ang malambot at makinis nyang kamay. Parang hindi sya mahilig maglaba o gumawa ng gawaing bahay dahil napakaganda pa din ng kamay nya.

"Ako na." Sabi ko sa kanya. "Ikaw na nga ang nagluto. At alam mo naman na ayokong napapagod ka." Sabi 'ko sa kanya at ngumiti.

"Wag mo ngang pigilan ang mga kamay 'ko," Nagulat ako ng biglang magiba ang boses nya na parang galit pero mas nagulat ako ng napangiti na din sya at napapitlag ako ng hawakan nya ng mahigpit ang kamay 'ko na pumipigil sa kamay nya kanina at mahinang sinabi ang katagang, "Better."

• • •

Yay! Grabe. Masyado akong busy. First week pa lang naman. Kajirits lang. Nakakahilo 'yung mga records na ginagawa ko. 😒 Hahahaha. Hindi 'ko talaga masingit na gawin 'to. Buti nalang wala akong assignments kagabi kaya ginawa ko na to. 😂

She's a monster | seulreneWhere stories live. Discover now