Chapter 16

613 76 107
                                    

Chapter 16
051920

Note: Tagal na pala nung last update ko nito, kami pa ni legitbjh. HAHAHAHAHAHA tangina, walang forever mga olol. Charot.

Anyways, nag-2k to unlike sorry kung matagal na walang update, hindi ko rin sure kung tuloy tuloy na 'to, ang dami ko rin kasing on-going stories then upcoming one-shots tapos AaAaaA kakabalik ko lang after a year at ang hirap mangapa. Nagccringe pa ako sa mga old stories ko at ang dami pang mali, tangina. Nakakabother tignan, HAHAHAHAHA i-edit ko talaga 'yan pag may time, anyways, enjoy!

***

MAGAAN ang kalooban ko nang malaman ko na ang totoo. Hindi ako niloloko ni Irene, well, yes, technically nagsinungaling talaga siya sa akin, nagtago siya sa akin pero yun 'yung kalagayan lang niya. Yung sakit niya. Hindi niya ako niloloko, wala silang relasyon talaga ni Bogum at mahal na mahal pa rin niya ako.

Masaya ako.

Nangingiting tinitigan ko siya habang nanonood kami ngayon ng movie. Nakalimutan ko na kung ano ang title nito pero hayaan na, siya naman talaga ang may gusto manood. Ako, mas prefer ko pang titigan siya, eh. Paborito niya itong movie na ito, at the notebook ata ang title nito if I'm not mistaken. Ewan ko ba rito sa girlfriend ko, nakailang panood na siya rito pero gustong gusto pa rin niya.

Ganon siguro talaga 'no? Pag gusto mo ang isang bagay, talagang hindi ka magsasawa kahit na paulit ulit man. Ganon din kasi ako kay Irene, eh. Never akong magsasawa sa kaniya kahit ang tagal na namin, kahit na ilang beses pa niya akong saktan. Mananatili lang ako sa tabi niya.

I'll watch her like a movie.

Marahil napansin niyang nakatitig nalang ako sa kaniya, agad siyang nag-angat ng tingin sa akin. At isang matamis na ngiti ang sumilay sa mapupula niyang labi, "Bakit nakatitig ka sa akin? Mukha na ba akong movie ngayon?" Natatawang sabi niya sa akin habang pinaglalaruan ang kamay ko. Nakaakbay kasi ang kanang braso ko sa kaniya habang ang kaliwa naman ay hawak hawak ang kamay niya. Nakasandal siya sa akin pero pag nadadala siya sa pinapanood ay napapaayos siya ng upo at natatawa ako. Ang cute niya kasi, eh. Focus na focus pa rin siya sa pinapanood niya kahit na alam naman na niya ang bawat mangyayari. Kung titignan mo siya, aakalain mo na first time lang niyang manood.

"Mas maganda ka pa sa movie," Nakangiting sabi ko sa kaniya at napahagikhik ako nang makita ko ang unti unting pamumula ng mga pisngi niya. Cute. "At never akong magsasawa titigan ka, Hyunnie."

She's madly blushing right now and it's really a cute sight for me, too much for my poor little gay heart. "Well, salamat naman sa pambobola mo sa akin pero I can't agree with that! Mas maganda pa rin ang movie na ito kesa sa akin, kaya nga favorite ko to, eh." Sabi niya sa akin at pabirong hinampas ako. "Manood ka na nga lang, kesa puro kaharutan iniisip mo diyan." Natatawang sabi niya sa akin at sumandal ulit, binalik niya ang tingin niya sa pinapanood namin pero ako naman ay nakangiti pa ring hinahalikan ang ulo niya.

Pero ikaw ang favorite ko, eh.

***

"BALITA ko ay ayos na raw kayo?" Sabi sa akin ni Wendy habang nakatambay kami ngayon sa coffee shop malapit sa dorm namin. Si Irene naman ay sinabi niyang may bibilhin lang daw siya, nag-insist ako na samahan siya, ilang beses ko na nga siya kinulit with matching paawa pang boses, at panguso pero wala talagang epekto. Sinabi niya na mag-hangout nalang daw kami ni Wendy at oo, eto na 'yung hang-out namin. Wala nang mas ibobongga pa, eto na 'yon mga sis. Tamang tambay lang, chikahan habang pinapanood ang mga dumadaan daan sa labas ng coffee shop.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's a monster | seulreneWhere stories live. Discover now