Chapter 8

1.2K 46 36
                                    

PATINGIN tingin ako sa girlfriend ko na katabi ko habang nagdadrive ako. Tingin ako ng tingin sa kanya sa tuwing mahihinto ang sasakyan dahil traffic or may signal sa stop. Hindi ko alam… alam nyo yung feeling na ano, hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kanya.

Tapos chinecheck ko din kung totoo ba talaga lahat to.

Kanina ko pa nga kinukurot ang pisngi ko, siguro nga pulang pula na. Sobrang hapdi na din. Paano naman, naninigurado lang ako. Baka mamaya panaginip lang 'to, diba? Ang sakit naman 'nun.

Pero hindi, eh. Totoong totoo 'to. Legit eh.

"Hmm," Umungol sya sabay ayos ng upo. Humarap sya sa side ko kaya naman mas nakita ko ang mukha nya na maamo. Napangiti ako ng kaunti. Ang bait bait mo tignan pag tulog ka, Irene. Parang hindi mo ako nasasaktan. Parang hindi ka nagiging harsh sa akin. Mukha kang inosente na… na hindi kayang makapanakit ng tao. Where infact, hindi ko na mabilang kung ilang beses mo nang sinaktan ang puso ko. "Seulgi." Nagulat ako ng tawagin nya ang pangalan ko. Nanlaki pa ang mata ko ngunit hindi ko sya matignan dahil nagdadrive ako. Baka mabangga kami.

Pero tulog talaga sya eh. Alam kong tulog sya. Parang ungol lang din ang pagsabi nya sa pangalan ko.

Teka nga, iniisip ba nya ako? Napapanaginipan ba nya ako?

Mahirap magassume, pero parang ganun na nga ang nangyayari.

I sighed habang patuloy ang pagmamaneho ko. Ewan ko pero gusto ko syang yakapin bigla. Clingy na kung clingy pero namiss ko talaga sya. Feeling ko kasi, ngayong araw, sya yung dating Irene na nakilala ko. Feeling ko ngayon, sya yung Irene na girlfriend ko dati.

Yung maamo lang… walang masasakit na sasalitang sinasabi sa akin. Yung sweet lang at walang pananakit na nagagawa sa akin. Yung clingy lang… at ramdam kong may pakeelam sa akin.

Sana ganito nalang sya palagi.

Masama bang naghahanap ako ng iba sa pinapakita nyang ugali ngayon? Talagang namiss ko lang sya. Yung personality nya dati… yung Irene na girlfriend at mahal na mahal ako dati… namimiss ko na sya. Gusto ko din namang maranasan ulit yung time na pinapahalagahan pa nya ako at yung relasyon naming dalawa.

Masama ba maghangad ng ganun?

Napailing nalang ako, Irene, hindi ko alam kung bakit ka naging ganyan. Bigla ka nalang naging kape… kape na lumamig, kape na tumabang, kape na parang wala ng balak magpainom. Pero kahit ganun… titiisin ko ang lasa mo, kasi paborito kita, kasi gusto kita.

Kasi mahal kita at tanggap kita.

Kahit minsan, dumarating sa point na gusto ko ng talikuran ka dahil ang sakit sakit na.

• • •

"Hey, Irene," Ito na nga siguro yung part na mahirap. Yung… paggising sa kanya na tulog mantika. Tapos nadidistract pa ako sa mukha nya na kahit saang anggulo mo tignan, maganda. Yung labi pa nya na mapula at medyo basa na ang sarap halikan. Tangina, ano ba tong pinagiisip ko. Tinapik ko ang pisngi nya kaya naman medyo kumunot ang noo nya. Kahit pagkunot ng noo nya, ang cute tignan, hustisya naman. "Gising na." Malambing na sabi ko, parang antok na antok sya, pero bakit kaya nya naisipan na ayain ako? Bakit bigla nyang naisip na magdate kami… which is definitely weird and unusual.

Medyo gumalaw sya at kumunot ang noo, halatang ayaw magpaistorbo. "Hey, Irene." Gising ko pa. Nadidistract talaga ako sa labi nya. Sana lang magising na sya dahil baka mahalikan ko sya ng wala sa oras.

She groaned, "Urgh." Unti unti nyang dinilat ang mata nya. Medyo natakot pa nga ako dahil nakakunot ang noo nya nang tignan nya ako. Akala ko susungitan nya ako ngunit nagulat ako ng biglang lumambot ang ekspresyon ng mata nya nang makita ako. At syempre, natunaw na naman ang puso ko.

"Seulgi…" She sighed, nagulat ako nang hatakin nya ako para yakapin. Amoy na amoy ko ang mabango nyang pabango na hinahanap hanap ko palagi. Yung warmth din nyang matagal ko nang hindi nararamdaman.

Ngayong yakap ko sya, ramdam ko ang sincerity sa bawat haplos nya.

Lakas ng tibok ng puso ko. Napalunok ako at niyakap din sya pabalik. Irene, fuck you, paasa ka.

"Seulgi, I miss you." Nagulat ako nang ibulong nya sa tenga ko 'yan, ramdam ko ang sinseridad sa boses nya. Mahina lang pero ramdam ko yung emosyon. Kaya naman mas naguguluhan ako. Mahal mo ba talaga ako, Irene? Bakit minsan mahal mo ako, minsan hindi?

Gusto ko syang sumbatan. Gusto ko syang tanungin. Tanungin kung bakit bigla syang ganito. Bakit bigla nyang pinahalagahan ang relasyon naming dalawa hindi ko naman masyadong ramdam. Bakit binubuhay nya yung pagasa ko na pwede pa kami. Gusto ko syang tanungin kung bakit pinapaasa nya ako. Pero imbis na tanungin at sumbatan sya katulad ng naiisip ko, tanging nasabi ko nalang ang mga salitang matagal nang nakakubli sa likod ng dila ko. "I miss you too, Irene. So much."

• • •

"ANONG panoorin natin?" Tanong ko sa kanya, naglalakad na kami papuntang cinema. Nakakakaba nga dahil nakaangkla pa sya sa braso ko habang naglalakad kami. Kung alam lang nya na sobra sobrang kaba ang nataramdaman ko ngayon. Teka, ilang laway na ba ang nalunoo ko dahil sa tuyong tuyo na talaga ang lalamunan ko?

"Ikaw ang bahala, Seulgi. Basta kasama kita, hindi ako mabobored." She smiled at me. Damn girl, bakit ganyan ka sa akin? Parang nung isang araw lang, ayaw mo kong makita. Tapos ngayon… napakaclingy mo na parang okay lang sayo lahat basta nasa tabi mo presensya ko.

"S-seryoso ka ba dyan?" Nauutal ako, oo. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung ang taong matagal mo nang hinahanapan ng atensyon at kalinga… ganito ngayon sayo? Yung mga titig at ngiti pa nyang nakakapagpawala sa akin sa tamang katinuan ko.

Stop that, Irene. You're slowly killing me.

Magsasalita sana sya nang biglang tumunog ang phone nya. Kinuha nya ito sa bulsa ng jacket na suot suot nya at sinagot ang tawag. Hindi pa din nya ako binibitawan.

"Hello, Bogum?" Napatingin ako sa kanya nang sabihin nya yan. Si Bogum pala ang tumawag. Bogum na naman. "Ah, nandito ako sa mall ngayon." Sabi pa ni Irene. Tignan mo, ni hindi nya nga masabi na kasama nya ako ngayon. "Huh? Saan ka magpapasama? Ngayon talaga?" Bumagsak ang balikat ko nang marinig ko yan. Of course, si Bogum ang pipiliin mo. Lagi naman ganun ang bagsak natin diba? Nakatingin ako sa kanya at napatingin din sya sa akin. Nginitian ko sya at tinanguan, tanggap ko nang hindi ako ang pipiliin nya. Ngunit nagulat ako sa sumunod na sinabi nya, "I'm with Seulgi. I'm with my girlfriend right now, Bogum. I'm sorry if I can't go with you. She's probably more important than you."

• • •

Oha, hahaha. Nagupdate ulit. Sinipag.

She's a monster | seulreneWhere stories live. Discover now