Chapter 12

1.3K 51 71
                                    

• • •

MINSAN mas okay na din talaga na hindi na umaasa sa panandaliang salita. Hindi na dapat tayo umaasa sa mga tao na alam nating magbabago din. Hindi na dapat tayo umaasa sa mga sinasabi nila dahil alam natin na anytime, pwedeng mabago 'yun.

Katulad ngayon.

"Saan ka galing?" Tanong ko, kanina ko pa sya hinahanap. Matiim na tinignan ko sya, wala akong emosyon na mabasa mukha nya. Ganun nalang ba kadali 'yun? Pagkagising 'ko, wala sya sa kwarto namin. Hinanap ko sya sa buong dorm pero wala talaga. Tapos makikita ko sya ngayon na pumasok sa pinto na bihis na bihis at mukhang may pinuntahan. Ganito kaaga? May pinuntahan sya? Puta naman, oh.

"Kay Bogum." Parang may dumurog sa puso 'ko nang sabihin nya 'yan. Kay Bogum? What the fuck, eto na naman kami. Kakasabi nya lang kahapon na mahal nya ako. Pero bakit hindi ko na naman maramdaman? Tinignan ko sya mata nya. Wala akong emosyon na mabasa nguniti napagtanto ko na namumugto ang mga ito.

Umiyak ba sya?

Fuck, nilalamon na ako ng curiosity ko. Ano ba talagang nangyari? Bakit namamaga ang mga mata nya? Bakit ganun ang mukha nya? Saan ba sya nanggaling? Anong ginawa nila ni Bogum?

"Anong ginawa mo 'dun?" Tinry ko na wag sumigaw, huminga ako ng malalim. Seulgi, tandaan mo, ganyan si Irene, diba? Ganyan sya. Pagpasensyahan mo na sya. Hayaan mo syang magpaliwanag. Ilang taon ka ng nagtitiis, makakayanan mo din naman hanggang ngayon, diba? "Sagutin mo 'ko." Sabi ko nang makita ko na parang wala syang pake at mukhang papanik na sya sa kwarto namin. Ganito nalang ba kadali para sa'yo 'to, Irene?

Tumingin sya sa akin, kita ko ang pagtaas ng kilay nya. Nagsusungit na naman sya. Ganito na naman sya. Bumalik na naman sya sa ganitong side nya. These past few days, sweet na Irene ang nakikita ko. Nakikita ko ang soft side nya. Pero ngayon? Mukhang nagbalik na naman sya sa ganung side nya, sa matigas, hindi maintindihan at masungit na si Irene.

"It's none of your business." Walang emosyon na sabi nya sa akin, parang may kumirot sa puso ko at napaiwas nalang ako ng tingin. Umiwas din sya ng tingin sabay dire-diretsong umalis, walang lingon-lingon. Wala na naman syang pake sa akin.

Napaupo nalang ako sa couch at napayuko. Nagsisimula ng magtubig ang mata ko.

Ito na ang ikinakatakot ko.

She's back. The cold, stubborn and the monster Irene.

• • •

"HOY, tulala ka na naman." Sabi sa akin ni Jennie, lumunok ako at napatingin sa kanya. Kita ko na nag-aalala sya kaya naman napangiti ako ng kaunti. Buti pa sya may pake sa akin 'no? Yung sarili kong girlfriend, wala.

Walang sabi sabi na niyakap ko sya. Kumirot na naman ang puso 'ko dahil naaalala ko si Irene sa kanya. Yung amoy nya. Kung paano nya ako yakapin. Ganyang ganyan ako yakapin ni Irene dati nung sweet pa sya sa akin.

Nagulat man sya, unti-unti na nyang tinapik ang likod 'ko. "S-seulgi, o-okay lang 'yan." Sabi nya sa akin. Naririnig ko ang sincerity sa boses nya.

Napapikit ako ng madiin, ilang beses ko ng tinatak sa utak ko na ganun na talaga si Irene. Na hindi na sya babalik sa dati pero umaasa pa din talaga ako sa kanya. Na babalik ang dating Irene na kilala ko. At naiinis ako sa sarili ko dahil sa tuwing nagiging sweet sya sa akin, umaaasa ako kaagad.

"Jennie, tell me, hindi ba ako sapat?" I asked her, unti-unti akong kumalas sa kanya at pinunasan ang luha ko. Nakatingin lang sya sa akin at nakikita ko sa mga mata nya na naaawa at nagaalala sya. Sana makita ko din sa mga mata ni Irene na nag-aaalala sya sa akin.

"You are enough, Seulgi." She smiled at me, sa hindi malamang dahilan, unti unti na din akong napangiti. Yun lang naman ang mga salitang iniintay ko na marinig ko. Na sapat ako. Na hindi ako nagkulang.

"Ginawa mo ang lahat. Ginawa mo ang best mo. Sya lang ang hindi marunong makuntento." She smiled, yung ngiti na mararamdaman mong safe lahat ng sasabihin mo sa kanya. "Nagawa mo na ang part mo bilang girlfriend nya. Hayaan mo naman na gawin nya ang part nya." Walang sabi sabi na hinatak nya ako para yakapin. Tumulo na naman ang mga luha 'ko, napakaiyakin ko talaga. Nakakainis.

"You did your best, it's not your fault if she can't see it." Sabi nya sa akin. "Tara, lilibre kita ng ice cream. Wag ka na malungkot." Sabi nya sabay hatak sa akin. Ngumiti naman ako at napabuntong hininga. Atleast naiintindihan nya ako kahit hindi ako nagsasalita ng tungkol sa amin ni Irene.

• • •

"SAAN ka galing?" Tanong sa akin ni Irene, nakita ko sya na nakaupo sa sofa pagkapasok ko, nakadikwatro sya habang masungit na nakatingin sa akin. "Anong oras na. Wow." Tinignan nya ako ng masama, matalim ang tingin kaya naman napabuntong hininga ako. Ako na naman ang mali. Eh pinasaya ko lang naman ang sarili ko dahil wala syang ibang ginawa kundi saktan ako. "Gawain ba yan ng matinong tao ha?!" Napapikit ako nang tumaas ang boses nya. "Tell me, are you cheating on me?!" Parang nabingi ako nang sabihin nya 'yan. Ako pa ngayon.

Unti-unting bumangon ang inis at galit sa dibdib ko. Ako pa ngayon ang masama? Ako pa ngayon ang nanloloko?

"Bakit hindi mo tignan ang sarili mo, Joohyun?!" Tinaasan ko na din ang boses ko kaya naman gulat na napatingin sya sa akin. Sa tinagal-tagal ng pagdasama namin, ngayon ko ang sya napagtaasan ng boses. Ako lagi ang umaako ng kasalanan pag nagaaway kami— pero sobra na, sobra na ang pagtitimpi ko. Ako 'tong laging nasasaktan nya tapos ako pa ang aakusahan nyang nanloloko? Damn it!

"Ako ang nanloloko ngayon? Fuck that! Ako pa ngayon?! Kaya ako ginabi, kasi pinasaya ako ni Jennie—"

"Ni Jennie?" Natigilan ako nang makita ko na bumaba ang boses nya at parang naluluha na sya. Awtomatikong nawala ang galit at inis na bumangon sa dibdib ko kani-kanina lang. Nasaktan ako nang makita ko syang parang nasasaktan. Fuck Joohyun, bakit hindi kita matiis?

"Oo!" Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin. Hindi ko maatim na makita syang ganyan, hindi ako sanay at nasasaktan ako. "Dahil paulit-ulit mo nalang akong sinasaktan, alam mo ba 'yon?" Tumulo ang luha 'ko, naaalala ko na naman ang lahat ng sakit na naidulot nya sa akin. "Akala ko okay na tayo, na sinabi mong mahal mo ako, na sweet ka ulit sa akin. Pero bumalik na naman ang ganyan mong side. Nahihirapan na ako. Nahihirapan na akong intindihin ka." Unti-unting humina ang boses ko kasabay ng panghihina ng katawan ko. Bumuntong hininga ako. "Maiwan na muna kita." Walang lingon-lingon na umalis ako. Papalamigin ko muna ang ulo naming dalawa. Hindi makakabuti ito.

Pagkapasok ko sa kwarto namin, kasabay naman ng pagtunog ng cellphone ko na nasa bulsa ko. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag at nakita kong si Jennie ito. Nagtaka naman ako dahil gabi na para tumawag pa sya. Kunot noo kong sinagot ang tawag.

"Hello?" Agad kong sabi pagkasagot ng tawag.

"Seulgi? May kailangan akong aminin sa iyo. About Irene."

• • •

Happy birthday sa aking asawa, Kyungsoo bebe q.

She's a monster | seulreneWhere stories live. Discover now