Chapter 14

1.4K 47 74
                                    

• • •

RAMDAM 'ko ang mainit na hininga nya sa batok 'ko. Nakayakap ako ng mahigpit sa kanya na para bang ayoko na syang bitawan pa. Ayokong bitawan sya. Hindi 'ko kaya. Pero kailangan, lalo na’t baka hindi sya makahinga.

“Irene.” Seryosong saad ‘ko pagkakalas ‘ko sa yakap nàming dalawa.

“S-seulgi. Ano ‘yung sinasabi mo kanina?” Tanong naman nya sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya, ang ganda-ganda nya pa din kahit na medyo namumutla na sya.
“I’m serious. Kaya ‘kong ibigay ang puso ‘ko kung kinakailangan.” Pinilit ‘kong pigilan ang luha na nagbabadya na namamg pumatak. Tuwing naaalala ‘ko na may sakit sya, naiiyak ako. Naaaawa ako sa kanya at naiinis ako sa sarili ‘ko. I should’ve notice this before. “Kung ikabubuhay mo…” Bulong ‘ko pa sabay tingin sa mga mata nya. Nakatingin lang din sya sa akin, kita ’ko pain sa mga mata nya. Hindi sya ‘yung Irene na mataray kanina. Na akala mo kung sino makaasta kanina. Ngayon, para syang bata na hindi nabigyan ng laruan. “Handa akong ibigay sayo.”

”Seulgi, what are you saying? Bakit mo naman ibibi—” Alam ‘kong alam nya ang sinasabi ’ko. Alam ‘kong hindi ny aaminin ‘yun sa akin kaya naman pinutol ko na sya.

“Alam ‘ko na ang totoo. Alam ‘ko na ang lahat. Ang lahat-lahat.” Sabi ‘ko naman sa kanya kaya natigilan sya. Unti-unti syang napaiwas ng tingin at napabuntong hininga.

“Alam mo na ang alin?” Tanong naman nya sa akin.

“Na may sakit ka.” Walang prenong sabi ‘ko kaya napatawa sya ng mapait.

“So, alam mo na pala… lalayuan mo na ako? Hihiwalayan mo na ako? Then go, umalis ka na. Iwanan mo na ako. Tutal, iyon naman ang gusto ’ko dati pa. Ang iwan mo ako.” Mapait na sabi nya sa akin ngunit nakatitig lang ako sa kanya. Nahihirapan akong makita syang ganito. Bakit kailangan sya pa? Bakit hindi nalang ako ang may sakit? Bakit kailangan ang taong pinakamamahal ‘ko pa? Hindi ‘ko kaya pag nawala sya sa akin. Hindi ‘ko alam ang gagawin ‘ko.

“No, I won’t do that.” Malumanay na sabi ‘ko sa kanya, “Why would I do that?” Sabi ‘ko at hinawakan ang kamay nya ng mahigpit, “Hindi kita iiwan. Laban natin ‘to.” Sabi ‘ko naman kaya napayuko sya. “Sinabi mo dapat sa akin dati pa… hindi mo dapat itinago sa akin. Nangako tayong walang lihiman.” Sabi ‘ko pa sa kanya. Sabagay, ang tanga ko din pala. Madami nga palang nagbago sa amin. Kaya bakit pa ako nageexpect na aaminin ni Irene ’yun eh balewala na nga ako sa kanya?

“Ayokong mag-alala ka. Ayokong mahirapan ka pa. Ayokong madagdagan ‘ko pa ang mga problema mo.”

“Kahit na! M-mahal kita, Irene. At kailanman, never kang naging problema sa akin.” Sabi ’ko naman sa kanya, naiiyak na naman ako tuwing nagkakaganito sya. “Bakit mo ba ako tinataboy palayo? Akala mo ba hindi ’ko alam? Na madalas kayo magkita ni Bogum… n-na kumakain pa kayo sa labas? Na may oras ka pa sa kanya kesa sa akin? Na sarili mong girlfriend? A-akala mo ba… hindi ‘ko alam na mas mahal mo na sya kesa sa akin? Akala mo ba hindi ‘ko pansin na unti-unti na tayong nagbabago? Na hindi ka na katulad ng dati.” Naiiyak na saad ‘ko.

Ngumiti sya sa akin, naramdaman ‘ko ang pagpisil nya sa kamay ‘ko. “Kaya ko lang naman ginagawa ‘yun ay dahil… dahil gusto ‘kong hiwalayan mo na ‘ko.” Nagpintig ang tenga ‘ko nang marinig ‘kong sinabi nya ‘yun.

”So… hindi mo na nga ako mahal. Sawa ka na sa akin kaya naman ginagawa mo ‘yon.”

“No, I’m not, Seulgi.” Sabi naman nya sa akin. “Hindi ako nagsasawa sayo kaya ginagawa ko ‘to. Hindi ibig sabihin na hindi na kita mahal kaya naman gusto ko na layuan mo ko.” Seryosong sabi nya. “Kaya ‘ko ginagawa ‘yun dahil alam ‘kong makakasama lang ako sa’yo. Alam ‘ko na pag nalaman mong may sakit ako… aalagaan mo ‘ko. Ayokong mangyari ‘yun. Ayokong alagaan mo ako at matali ka naman sa akin. Dahil mamamatay din naman ako—”

“No! Wag mong sabihin ‘yan, Irene. Please.” Mahinang sabi ’ko, nanghihina akong lumapit sa kanya at niyakap sya. “W-wag mong isipin ’yun. Hindi ka mamatay. Macocontrol mo ’yang sakit mo, hindi mo ako iiwan, diba?” Naiiyak na bulong ‘ko sa kanya.

“S-seulgi… I’m sorry…”

“Irene, please. Let me take care of you. I love you, wag mo usipin na makakasama ka sa akin. Alam mo naman na ikaw ang happiness ‘ko. Na ikaw ang buhay ’ko. And I’m willing to take care of you. I’m willing to make you feel better. Masaya akong kasama ka, so wag mo akong hiwalayan dahil sa may sakit ka… g-gagaling ka, alam ‘ko yun.”

“Pero paano kung hindi?”

“No. Wag mong isipin ’yan. Gagaling ka. Tatagan mo ang loob mo. I’m here for you. Please.” Humigpit ang yakap ko sa kanya.

“Seulgi, I‘m sorry. Kung nasasaktan kita. Sa lahat ng pananakit ‘ko sa’yo, kung alam mo lang kung gaano kahirap sa akin ’yun. Na akala mo binabalewala kita pero hindi. Na akala mo wala na akong pake sa’yo pero ang totoo, lagi kong inaalam ang nangyayari sa buong araw mo. Na wala akong oras sa’yo pero ang totoo, nagpapagaling ako. Na mas gusto kong malayo sa’yo para hindi mo makita na nahihirapan ako.”

“Kaya mo ko nilalayuan? Kaya pilit mo akong tinutulak palayo? Kasi gusto mong magsawa ako sayo? Na gusto mong unti-unting mawala ang pagibig ‘ko dahil sa pagiging cold mo?” Kumalas ako sa yakap at tinignan sya sa mga mata. Hawak hawak ‘ko pa din ang malalambot nyang kamay na never ’kong bibitawan.

“Yun ang akala ‘ko. Na lalayuan mo ako. Na magsasawa ka din sa akin. Pero hindi, eh. Lalo mo akong pinahirapan nung makita ‘ko kung gaano mo pa rin ako kamahal sa kabila ng lahat ng ginagawa ‘ko sayo. Sa kabila ng malamig na pakikitungo ‘ko. Kung alam mo lang kung gaano kahirap magpanggap na wala akong pake sayo.” Sabi nya sa akin. Kaya pala ganyan sya. Pagpapanggap lang pala ang lahat.

“Hindi mawawala ang pagibig ‘ko sayo. Alam mo ’yon. Kahit na gaano pa ang pakikitungo mo sa akin. Kahit na ipagtabuyan mo pa ako, mananatili ko sa tabi mo.” Kahit na minsan gusto ko ng sumuko, hindi ko kaya kasi mahal kita.

“Thank you, Seulgi. Pinatunayan mo sa akin kung gaano mo ako kamahal. Sorry sa lahat ng pagpapanggap ‘ko. Sa lahat ng masasakit na salitang binitawan ‘ko. Hindi ‘ko na uulitin.” Sabi nya sa akin.

Sumimangot ako, “Bakit nga pala lagi mong kasama ang Bogum na ‘yan? Akala ‘ko mas mahal mo na sya kesa sa akin.” Sabi ‘ko naman.

Napatawa sya ng mahina, “You’re so cute. Wag ka na magselos kay Bogum. Bogum is my personal doctor.”

• • •

So 'yun, nagising ako ng maaga tapos gumawa ako ng isa pang chapter (eto yun) para naman walang magalit. Mga letse, daming nagalit sa akin sa last part. Bakit daw nilagyan 'ko ng sakit si Irene. Hng.

She's a monster | seulreneWhere stories live. Discover now