Chapter 4

1.3K 48 41
                                    

AN: Nagupdate ulit. Good morning. Papasok na 'ko mamaya. 😂

• • •

MASUYONG hinimas ako ang ulo nya at sinabing, "Why are you saying sorry?" Masuyong tanong ko sa kanya habang yakap yakap sya sa bewang.

"Im sorry for hurting you, again." Nandun ang pain sa boses nya. Ilang beses mo na ba akong sinaktan, Irene? Kahit nga hindi ka na humingi ng tawad, napapatawad pa rin kita. Sanay na sanay na ako.

"It's okay." Sabi ko naman, mahina lang ang pagkakasabi ko at marahan lang. "Wag ka ng malungkot. Sanay na naman ako."

Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako sa mga mata 'ko. Iyan na naman ang mga mata nya. Tuwing tumitingin ako sa mga mata nya, at pag nakikita kong nalulungkot o nasasaktan sya, nanghihina ako. I can't stand seeing her in pain. Kahit na ako ang paulit ulit na masaktan, ayos lang sa akin. Sobrang ayos lang. Basta ayos sya. Basta masaya sya.

"You're not okay with it, Seulgi. Ang bitch 'ko sayo minsan- oh, hindi lang pala minsan. Im sorry." Sabi nya. Aware naman pala sya sa sinasaktan nya ako. I mean, na nasasaktan nya ako.

"Irene." I held her on her waist, "Sanay na sanay na ako sayo." Kaya nga minsan, napapangiti nalang ako ng mapait pag ganyan ka. "Hindi mo naman kailangang magsorry." Dapat nga magpasalamat pa ako sa'yo dahil hindi mo pa din ako iniiwan. "Kasi mahal pa din naman kita," Kahit na hindi mo ako mahal.

Napangiti sya. Yung mga ngiti nya na nakakapagpa-nginig ng mga tuhod ko. Ang OA man, pero totoo 'yun. Yung mga ngiti nya na dahilan ng paglakas ng tibok ng puso 'ko.

"Thank you." Sincere na sabi nya. "Thank you for loving me." Sabi pa nya. Thank you din, Irene. Thank you for staying.

"Mahal kita, Irene. Sobrang mahal kita. Kahit na masaktan pa ako ng paulit ulit, ayos lang." Basta masaya ka.

Hinawakan nya ang mukha 'ko, "Sobra ka na bang nasasaktan ng dahil sa akin?"

Ngumiti ako ng malungkot. "Oo." Hindi na ako magsisinungaling pa, Irene. Sobrang nasasaktan ako ng dahil sayo. "Pero mahal kita, kaya naman handa akong masaktan basta masaya ka." Pero hindi kita magawang iwan.

"Bakit hindi mo pa din ako iniiwan?" Bumigat ang pakiramdam ko ng tanungin nya sa akin 'yan. Bakit nga ba, Irene? Bakit sa kabila ng lahat ng pananakit mo sa akin, hindi kita magawang iwan? Kasi nga mahal kita.

Kahit na ilang beses mo akong tanungin kung bakit hindi pa din kita iniiwan, iyon at iyon lang din ang isasagot ko sa'yo. Mahal kita kaya hindi ko makayang iwan ka.

I cupped her face, "Kasi mahal kita, Irene." At kahit na paulit ulit pa akong masaktan, hindi kita iiwan. "I'll never go far away from you." Kanta ko pa kaya napangiti sya.

"Silly."

• • •

NAPAKAMOT ako sa ulo ko ng makita ko dito si Sana at Mina na nasa sala. Malamang ay nakapasok na sila dahil pinagbuksan sila ni Wendy. Bawal hayop dito, ah?

"Oh? Bat nandito kayo mga panget? Nasan si Momo?" Tanong ko pa. Kulang nalang si Momo, eh. Japanese line na.

"Kailangan ba lagi kaming magkakasama? Ano kami? Tatlong bibe?" Sabi naman ni Sana at bumusangot pa kaya naman napatawa ako.

"Oh eh bakit ba kasi nandito kayo?" Tanong ko naman.

"Wala lang! Masama bang dumalaw sa cute na cute naming kaibigan?" Pambobola naman ni Mina. Napairap ako. May kailangan sa'kin ang mga 'to, kaya ganito umasta.

"Anong kailangan nyo?" Matabang na sabi ko.

Napapout si Mina, "Porket pinuri ka, may kailangan agad?"

"Ano nga? Kilala ko kayo, eh." I said then glared at them.

"Wala talaga kaming kailangan, promise!" Nagtaas pa ng kanang kamay si Minatozaki. Mukhang tanga lang. "Ang totoo, may sasabihin lang kami." Kinagat nya ang labi nya.

"Oh, ano naman 'yun?" Nakakunot ang noo na tanong 'ko.

"Kasi namasyal kami ni Sana dahil nastress kami sa maknae line." Sabi ni Mina.

"Yung mga syota nyo?" Tanong ko.

Tumango naman sila. "Yeah, so namasyal muna kami. Tapos nakita namin si Irene unnie." Napakamot si Mina sa kilay nya.

"Seulgi unnie, umamin ka nga sa amin. Maayos pa ba kayo ni Irene unnie?" Tanong naman ni Sana kaya napalunok ako.

Maayos pa naman sya. Ako lang naman 'yung durog na durog na.

"O-oo naman." Tinry ko pang ngumiti para hindi sila maghinala.
Pero mukhang hindi sila naniniwala sa akin.

"Talaga?" Paninigurado ni Mina, "Eh bakit nakita namin sya na may kasamang lalaki?"

"Kilala 'ko 'yung kasama nya, eh. Bogum ata pangalan nun?" Sabi naman ni Sana kaya bumagsak ang balikat ko.

Lagi naman silang magkasama. Ano pa bang bago dun?

"Kaibigan nya lang 'yun." Nakangiting sabi ko sa kanila. Sana nga totoong kaibigan nalang nya si Bogum. Kaso hindi, eh. Mas mahal pa nga nya ang lalaking 'yun kesa sa akin.

"Sure ka? Hindi mo pinagtatakpan sa amin si Irene unnie?" Sabi pa ni Sana. Bakit ba ganito ang mga 'to.
Napakatatalino.

"Hindi nga." Natatawang sabi ko pa. Hirap na hirap na nga ako sa pagpapanggap dito na masaya ako. "Kulit nyo naman. Hindi ako pagtataksilan ni Irene, no. Mahal na mahal ako 'nun, no." How I wish. "So, ano? Gusto nyo ba ng meryenda?" Nakangiting sabi ko pa.

"Sige, Unnie. Salamat." Ngumiti pa si Mina. Nginitian ko nalang din sila at tumalikod na.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko, tumulo na naman ang mga luha 'ko. Sanay na naman ako sa mga ganitong balita. Minsan nga, sinusundan 'ko pa sila. Pero bakit nasasaktan pa din ako?

Agad 'kong pinunasan ang luha 'ko, ayokong makahalata pa sila. Ayokong sabihin sa kanila. Si Wendy lang naman ang nakakaalam ng sitwasyon namin ni Irene. Ang alam ng iba, masaya kami. Na mahal na mahal namin ang isa't isa. Hindi nila alam na ako lang ang nagmamahal.

"Seulgi, Im home- oh, Sana, Mina." Rinig 'kong sabi ni Irene mula sa sala. Nandito na kasi ako sa kusina. Malapit lang ang kusina sa sala kaya naman rinig 'ko sila.

"Hi, Unnie." Rinig kong sabi ni Sana. "Nakita ko kayo nung Bogum na magkasama, ah? Sabi ni Seulgi unnie, kaibigan mo daw 'yun." Sabi ni Sana kaya napapikit ako.

"Akala namin hindi kayo close. Kaya nagulat kami ng makita naming kumakain kayo sa restaurant." Sabi naman ni Mina.

Napakamot nalang ako sa ulo 'ko.

"Kaibigan 'ko lang si Bogum." Rinig kong sabi naman ni Irene kaya napangiti ako ng mapait.

Really? Liar.

• • •

Hindi 'ko matanggap. 😂😹

She's a monster | seulreneWhere stories live. Discover now