Chapter 15

1.3K 64 75
                                    

Note: Hindi 'ko alam kung papahabain ko pa ba 'to or wag na. Too much revelations. Pasensya na din sa lahat ng naghintay, hindi kayo maganda wag kayong maarte, charot.

• • •

“SERIOUSLY?” Bigla ‘kong tanong, nagulat ako. Si Bogum? Doctor? Ni Irene? Kaya ba lagi silang magkasama?

She nodded, “Malaki ang utang na loob ni Bogum sa pamilya ‘ko. He’s an orphan. Inampon sya ni Mommy at Daddy nung bata palang sya at pinagaral sya. Aware naman sya na ampon lang sya at wala namang kasi sa kanya 'yun, he's a great guy after all, tinanggap nya lahat - lahat. Tinuring namin sya na parang pamilya. Kaya naman nung makapagtapos na kami, naging doctor na sya, at malaman nyang may sakit pala ako since birth na unti-unting lumalala, sya ang gumagamot sa akin. Sya ang nagbibigay ng gamot, sya ang nagaasikaso. Sya ang nagsasabi sa akin ng mga dapat ‘kong gawin. At sya ang pinakiusapan ’ko para ilayo ako sayo.”

Nagulat ako. Siguro kung hindi lang seryoso ang sitwasyon, matatawa sa akin si Irene dahil sa itsura ‘ko. Gulat na gulat ako at nakanganga na. Tangina, kapatid ni Irene si Bogum?

Na pinagseselosan ‘ko? What the fuck?

“Bakit hindi ‘ko alam na may kapatid ka?” Tanong ‘ko naman sa kanya. Masyadong maraming nabunyag na sikreto ngayong gabing ‘to.

“Mas pinili ni Bogum na itago ang lahat. Kaya naman nirespeto ‘ko ang desisyon nya at hindi ko sya pinapakilala sa mga tao bilang kapatid ‘ko.” Sabi nya sa akin sabay tawa, “Ang cute mo tignan, nagseselos ka sa kanya? Lagi mo pang sinasabi na mas mahal ‘ko sya. Oo, mahal ko sya. Pero bilang kapatid lang.” Natatawang sabi nya kaya naman namula ako. Nakakahiya ka, Seulgi. Pinagseselosan mo ‘yung kapatid nya.

Now I know.

“Kaya ba kayo laging magkasama?” Tanong ‘ko sa kanya, “Kasi kapatid mo sya at sya ang doctor mo?” Tanong ko pa at tumango naman sya.

“Hindi dahil may relasyon kami.” Nahiya naman ako nang sabihin nya yan. Tamang hinala ka kasi Seulgi. Gaga ka. Nagmamagaling ka, eh.

"Nakakainis," Nakangusong sabi ko. "Ilang balde pa mandin ng luha ang naipon ko dahil lang sa lagi ko kayong nakikitang nagde-date. Bakit ganon? Sinusundan ko kayo, sweet na sweet kayo sa isa't isa. Para talaga kayong may relasyon." Sabi ko sa kanya.

Ngumiti sya ng tipid, "Diba I told you na sinasadya ko lahat? Ang pagpapakita ng mixed emotions sa'yo, ang pagiging masungit ko, lahat - lahat. Tuwing magkikita kami ni Bogum upang pag-usapan ang kalagayan ko, lagi kitang nakikita na nakatingin sa amin sa di kalayuan." Sabi nya kaya naman napaiwas ako ng tingin habang namumula ang mukha ko, oh my gosh nakakahiya ha. Alam nya pala 'yun? Para akong tanga 'non, eh. "Kaya naman sinasabihan ko sya na maging sweet sa akin at ganon din ako sa kanya upang ipakita sa'yo na kunwari nagdedate kami." Sabi nya at binigyan ako ng malungkot ng ngiti. "Desidido na talaga akong palayain ka, pero hindi ko kaya. . .kaya naman ako nalang ang gumagawa ng dahilan para layuan mo na ako, para ikaw nalang ang mang - iwan at hindi nalang ako. Dahil hindi ko talaga kaya."

Agad ko namang hinawakan ang kamay nya dahil sa sinabi nya, "Hindi ko din kaya." I gave her a warm smile, "Edi sana kung kaya ko, wala ako dito sa harap mo. Edi sana hindi na ako nakatiis at iniwan ka na. Gustong - gusto ko nang iwan ka, sabi ng utak ko, suko na. Pero sabi ng puso ko, kaya ko pa. Sinasabi ni Wendy na sumuko na daw ako dahil nagiging masokista lang ako. . ." Tumingin ako sa mga mata nya at nakita ko na malamlam ang mga ito. 'Yung tingin nya na malambot, yung tingin nya na para bang ako lang ang taong nakikita nya.

". . .pero hindi ko talaga kaya, Irene. Kahit na ilang beses mo na akong sinasaktan, kahit na ilang beses mo na akong sinusungitan, kahit na pinapaasa mo ako. Hindi ko kayang talikuran ka." Matapat na sabi ko habang hinihimas ang kamay nya. Wala namang kwenta kung sasabihin kong kaya kong talikuran sya, kung sasabihin kong kaya kong iwanan sya. Dahil hindi naman iyon ang totoo, eh. Alam naman nating lahat na simula nung una palang, willing na akong mag-stay kahit na sobrang nasasaktan na ako.

"I'm sorry." Biglang may tumulong luha sa mata nya na kaagad ko namang pinunasan. Hindi ko talaga kaya tuwing nakikita ko syang umiiyak, nahihirapan o nasasaktan. Doble kasi 'yung nararamdaman ko, eh. Mas nasasaktan ako pag nakikita ko syang nasasaktan.

"Wag kang mag - sorry," Ngumiti ako ng matamis sa kanya, "Hindi mo naman kasalanan kung nagkasakit ka, diba?"

Umiling sya sa akin, "Sorry kung nagsinungaling ako sa'yo." Sabi nya sa akin. Tinignan nya ako sa mata at nakita kong malungkot ang mga ito. "Kung hindi ko sinabi ang totoo, ang karamdaman ko, ang lahat - lahat. Alam kong pinangako natin noon na walang lihiman, pero nagawa ko pa ding itago sa'yo 'to ng ilang taon." Humigpit ang hawak nya sa akin, "I'm sorry, Seulgi."

Agad 'kong nilapit ang mukha ko sa kanya at hindi na ako nagdalawang isip na halikan sya, sandali lang, pero sobrang saya. 'Yung labi nya na kahit medyo namumutla na, matamis pa din at malambot. 'Yung mukha nya na kahit matamlay na, napakaganda pa din. Hindi pa din ako nagsasawang titigan sya.

"Wala iyon sa akin." Nakangiting sabi ko sa kanya at hinawakan ang mukha nya. Masuyong hinihimas ko ang pisngi nya habang nakangiti sa kanya, "Basta simula ngayon. . .wala ng lihiman, okay? Wala ng pagpapaselos na magaganap." Nakangiting sabi ko sa kanya, "Let me take care of you."

"Sure ka bang. . ." Kinagat nya ang labi nya at medyo bumaba ang tingin nya kaya naman kumunot ang noo ko. Ano daw?

"Ano?" Takang - tanong ko at medyo lumayo upang bigyan sya ng space, pero hawak - hawak ko pa din ang kamay nya at nilalaro ito.

"Sure ka bang gusto mo akong alagaan?"

Yan ang tanong nya na nakapagpatigil sa akin, agad ko syang tinignan at nakita ko na nakatingin lang din sya sa akin. Kagat - kagat nya ang labi nya na parang kinakabahan.

"Bakit mo naman natanong 'yan?" Mahinang tanong ko sa kanya. Agad naman na naglikot ang mata nya at bumuntong hininga.

"B—baka lang kasi. . .ayokong matali ka sa akin, ayokong mahirapan ka sa pag-aalaga sa akin. Gusto kong maging masaya ka, 'yung walang inaalagaang may sakit." Malungkot na sabi nya sa akin kaya naman nadurog ang puso ko. Bakit nya ba sinasabi 'yan? Bakit ba iniisip nya na kaya ko syang ipagpalit sa iba? Hell no, kahit na may sakit sya, sya at sya pa din ang pipiliin ko.

Agad kong hinawakan ulit ang mukha nya, "Irene. . .ikaw ang gusto ko. Sa'yo ako masaya, ang alagaan ka ang happiness ko. Gusto kong gumaling ka. Gusto kong maging malakas at safe ka palagi. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko, wag mo isipin na magiging pabigat ka. . .dahil hindi ganon ang tingin ko sa'yo, okay? Aalagaan kita hindi dahil sa napilitan ako, kundi dahil sa iyon ang gusto ko." Marahang sabi ko sa kanya, "Bago kita ligawan, pinangako ko sa'yo na aalagaan kita. At hanggang ngayon, dala - dala ko pa din ang pangakong 'yon. Mahal na mahal kita."

Naluluha naman syang nakatingin sa akin kaya nginitian ko sya at pinunasan na naman ang luhang dumaloy sa pisngi nya. "Sa'yo pa din ang bagsak ko, Irene. Sa'yo pa din ang uwi ko, ikaw at ikaw pa din ang hahanapin ko."

Hell yeah, she's my home. Irene is my home.

* * *
071018

I just love my wife so much at gusto ko syang pasayahin kaya naman inupdate ko na 'to. Hi there, baby love. Stay safe at home.

She's a monster | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon