Chapter 11

1.2K 47 0
                                    

• • •

NAKATINGIN sya sa akin at walang sinasabi. Para bang binabasa nya ang emosyon sa mga mata ko kaya naman umiwas ako ng tingin. Hindi na nya kailangan na malaman pang nasasaktan ako ng sobra.

"A-ano bang sinasabi mo—" She was about to deny it but I cut her off.

"Okay lang naman," I'm used to it already. "Bababa ka na ba sa dorm? O may pupuntahan ka pa?" Baka kasi magkikita pa kayo ng Bogum mo.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nya at ang pag-iling nya na nakita ko mula sa salamin. Umiwas sya ng tingin at tumingin sa labas ng bintana habang nakasandal.

"Sure ka?" Tanong ko pa habang nakakunot ang noo, kanina pa sya tumitingin sa phone nya kaya naman naisip ko na baka may pupuntahan sila.

Kita ko mula sa gilid ng mata ko ang pagtingin nya sa akin, "Ayaw mo na ba akong makasama?" Yan ang tanong nya na mahahalata mo sa boses nya ang lungkot.

Gustong gusto kita makasama, Irene. Gustong gusto kita kasama to the point na ayoko ng matapos 'tong araw na 'to— but of course, wala akong kapangyarihan para patigilan ang oras.

Darating at darating sa point na sisikat na muli ang araw— at sa pagsikat ng araw na 'yun, hindi ko alam kung ganyan pa din ang pakikitungo mo sa akin.

"Gusto kitang makasama," Eh ako ba? Gusto mo ba akong makasama? Baka kasi mamaya napipilitan ka lang sa akin. "Gusto pa kitang makasama. Bukas, at sa susunod pang araw, linggo, buwan at taon." Hindi ko alam kung bakit napaubo sya dun sa sinabi ko. Ayaw ba nya talaga sa sinabi ko para maging ganyan ang reaksyon nya?

"Seulgi, let's go home." Yan ang sinabi nya nang hindi tumitingin sa akin. May mali ba sa sinabi 'ko? Bakit parang naging malungkot sya? Ano bang problema?

"Okay—"

"At wag mong isipin na hindi kita mahal," Natigilan na naman ako nang magsalita sya. Napatingin ako sa kanya, hindi sya nakatingin sa akin. Nakatingin lang sya sa labas habang nakacross arms, parang malalim ang iniisip nya pero alam kong may susunod pa syang sasabihin. "Mahal na mahal kita, Seulgi." Hindi ko alam pero parang may tumunaw sa puso ko nang sabihin nya 'yan, ramdam ko ang pain at lambot sa boses nya. Yan. Yan ang Irene na matagal ko ng hindi nakikita. Sincere na sincere sya sa sinasabi nya. Para bang totoong-totoo, walang halong malamig at masungit na pananalita. Mararamdaman mo ang pagmamahal. "Simula't sapul, ikaw ang mahal ko."

• • •

HINDI ko alam kung ilang minuto na akong nakasandal habang nakatingin sa kalangitan. Maggagabi na din pala, makikita mo ang paglubog ng araw. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kalangitan. Para bang napakatahimik ng paligid, parang walang problema.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa katabi ko, nakita ko si Irene na payapang natutulog. Tulog na naman sya. Mahimbing syang natutulog gamit ang neck pillow na bunny. Napangiti naman ako dahil ang cute nya tignan.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko sabay pindot sa camera, ang cute kasi, eh. Napakaganda nya. Para bang ang bait bait nya pag tulog sya, para bang hindi nya ako nasasaktan. Pinicture-an ko sya habang may ngiti sa aking mga labi. Perfect.

She's so cute and adorable. But she's so fragile at the same time. Natatakot ako na baka pag hinawakan ko sya, magising sya at matapos na ang lahat ng ito. Na baka paggising nya, ganun na naman ang pakikitungo nya sa akin.

"Sana lang tama ang mga sinabi mo sa akin kanina, sana lang totoo 'yun…" Mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanya, ngumiti ako ng mapait. "Sana lang kasi umaasa ako."

Umaasa ako sa'yo, Irene. Kahit na alam ko sa sarili kong mas mahal mo si Bogum, umaasa ako kasi sinabi mo. Yun nalang ang pinanghahawakan ko sa totoo lang.

"I love you," Ngumiti ako at unti-unting nilapit ang mukha ko sa mukha nya. Dinampian ko ang noo nya ng masuyong halik. Hindi dahil sa matanda sya, kundi dahil sa nirerespeto ko sya. Sobra ko syang nirerespeto to the point na kahit sarili ko nasasaktan ko na, wala akong pake basta maayos sya. Mahal ko sya ng sobra kahit na hindi ganun ang nararamdaman nya sa akin. "So much, even if it hurts a lot." May mumunting luha na tumulo mula sa mata ko, naiiyak ako. Nagiging emosyonal na naman ako. Ang lakas talaga ng epekto nya sa akin. Pag sya na ang pinaguusapan namin, wala akong magawa, eh. Kusa nalang akong nasasaktan. Kusa nalang nagrereact tong body parts ko.

Ganun ko siguro talaga sya kamahal kaya naman kahit ayaw ng luha ko na pumatak, nagkukusa nalang sila kasi hindi na nila kaya. Nahihirapan na ako, kahit na sobra ko syang mahal, kahit na sobra ko syang pinapahalagahan, tao din naman ako, nasasaktan.

Masisisi nyo ba ako? Ilang taon na din syang ganyan sa akin, yung pakikitungo nya na dinaig pa ang yelo sa sobrang lamig. Minsan sweet, minsan hindi. Minsan mahal nya ako, minsan binabalewala ako. Magirap din kasing lumugar sa buhay ng tao na hindi mo alam kung ikaw ba talaga ay may pwesto.

"S-seulgi?" Nagulat ako nang bigla syang dumilat, inaantok na tumingin sya sa akin habang nakakunot ang noo nya. Malamang ay nagtataka sya kung bakit umiiyak ako eh ako lang naman magisa dito. "Umiiyak ka ba?" Mula sa inaantok na boses, napalitan ng pag-aalala ang boses nya. Agad syang umayos ang upo kaya naman napaiwas ako ng tingin.

Gosh, nakakahiya.

"A-ayos lang ako." Sabi ko naman kaya napailing sya, halata namang hindi sya naniniwala.

"Seulgi, may problema ba? Alam kong meron, wag mo ng itago sa akin." Sabi nya sa akin.

Hindi ko na napigilan ang mga luha 'ko, kusa na silang pumatak. Ang hirap din kasing pigilan ang mga luha mo lalo na kung ang sakit sakit na talaga ng pakiramdam mo. Hirap din kasing ngumiti lalo na kung salungat nito ang nararamdaman mo.

Nagulat ako ng lumapit sya sa akin para yakapin ako. Wala na akong nagawa kundi sumubsob sa balikat nya at napaiyak nalang. Oo, ang OA ko tignan, pero nahihirapan na talaga ako. Kakasabi lang nya sa akin kanina na mahal nya ako. Pero bakit imbis na kiligin, natakot ako?

Siguro dahil binabalot ako ng tanong na bukas kaya ganyan ka pa?

Paano kung bukas hindi na naman nya ako mahal? Ang hirap umasa, pagod na ako umasa.

"Seulgi… ilabas mo lang 'yan, pwede mo akong sabihan ng problema mo, shh."

Naaappreciate ko yung efforts mo, Irene.

Pero paano ko masasabi sayo ang problema ko kung ikaw mismo ang problema ko?

• • •

So 'yun, hindi ako makaget-over kay Jonghyun. Pero okay lang yan luvies, makakamove-on din tayo.
Kahit na masakit, kailangan.

At isa pa, stress na stress na ako. Nadedepressed na ako kaya naman nagsulat nalang ako para dito ibaling ang atensyon ko. Dito muna ako magfofocus para naman sumaya ako kahit papaano. At para naman makalimutan ko ang mga personal problems ko. Kayo? Okay lang ba kayo? Mag-iingat kayo palagi, luvies!

She's a monster | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon