Chapter 10

1.3K 50 18
                                    

NAPATITIG ako sa kanya ng ilang segundo, kitang kita 'ko ang iritasyon at inis sa mukha nya. Pulang pula na din sya na para bang galit na galit.

Unti-unti akong napangiti nang tamaan ako ng realisasyon. Nagseselos sya.

I chuckled, kitang-kita ko ang pagkunot ng noo nya nang makita nya ang pagkurba ng labi ko. "Bakit ganyan ka makangiti?!" Inis na tanong nya sa akin, nakangiting tinitigan ko lang sya. Ang cute nya lalo pag ganyan sya. Para syang bata na may pinaglalaban. Para syang bata na pinaglalaban na ibili sya ng candy.

She's too cute and I can't handle it, gosh, send help.

"Wala," Kinagat ko ang labi ko para naman mapigilan ang pag-ngiti ko kaya naman kitang kita ko ang pagbaba ng mga mata nya sa labi ko na lalong nakapagpangiti sa akin. "Masama na bang ngumiti o tumawa ngayon?" Of course, kasama kita. Kaya naman sobrang saya ko.

Hindi sya nagsalita kaya naman napatingin ako sa mga mata nya- kitang kita 'ko kung paano nya titigan ang mga labi ko kaya naman natatawa 'kong iwinagayway ang kamay ko sa harapan nya. "Hey, natulala ka na dyan, want to kiss me?" Malanding sabi ko. Minsan lang ako ganito. Feeling ko kasi, ang lakas ng epekto ko kay Irene ngayon.

Napaiwas naman sya ng tingin, napasmirk ako nang makita ko ang mapupulang bahagi sa pisngi nya. She's blushing.

"A-asa ka naman," Sabi nya sa akin at umayos ng tayo, huminga sya ng malalim sabay tingin sa akin na para bang walang nangyari. "Nakabili na nga pala ako ng tickets." Sabi nya sabay pakita sa akin ng binili nya, "Bibili lang din ako ng-" Hindi na nya natapos ang sinasabi nya nang bigla ko syang akbayan. Ramdam ko ang paglalim ng hininga nya kaya napangiti ako ng palihim. Ang lakas ata ng epekto ko ngayon kay Irene.

"Hey, wag ka na magselos." Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kanya. Nakatingin lang din sya sa akin- nakatitig pala ang right word, naiilang man ako kasi si Irene 'yan, syempre hindi mawawala ng fact na sobrang saya ko.

Dahil ngayong araw- nasa akin lang ang atensyon nya.

"H-hindi naman-" Idedeny pa sana nya nang putulin ko na naman ang sinasabi nya.

"Wag mo na ideny, inamin mo na kanina. Sinigaw mo pa nga, eh." Pangaasar ko kaya naman kitang kita ko kung paano mamula ang tenga at pisngi nya. Napatawa ako dahil ang cute nya.

"Stop it, Kang!" Parang bata na sabi nya kaya naman natatawa nalang ako sa kacute-an nya. Sana ganito nalang sya palagi. Yung nabibiro kahit pikon. Kasi 'yung ganitong Irene, feeling ko ang bilis maabot. Yung Irene kasi na super bipolar at walang time sa akin, feeling ko ang layo layo sa akin.

Yung tipong magkasama lang kayo sa bahay- pero feeling mo, ang layo mo sa kanya.

"Tara na, baby. Manood na tayo." Sabi ko sa kanya kaya naman naglakad kami papuntang loob habang nakaakbay ako sa kanya.

Best date ever.

• • •

ANG sama ng tingin 'ko habang nakatingin sa manok na nasa harapan 'ko. Kasi feeling ko buhay pa sya, gumagalaw pa at ayaw magpakagat. Nakakabadtrip, eh. Buti pa si Irene, ang saya saya kumain kaharap ko. Prente syang naghihiwa ng beef sabay subo.

Eh ako? Wala, masama lang ang titig ko sa manok na hindi ko mahati.

Kung pwede lang kamayin, eh- pero hindi pwede, ew, gross.

Mukhang napansin ni Irene na hindi ako kumakain dahil napatingin sya sa gawi ko, tinapunan nya ako ng tingin. Tingin na parang nagtataka at nagsasabing bakit hindi ka pa kumakain look.

"Yung manok, hindi ko mahati-" I pouted, "Ayaw nya ata magpakain."

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero- nakita ko ba talagang ngumiti si Irene? Sa akin? Putangina, seryoso?

Nginitian nya ako. Irene Bae just fucking smiled at me like she's inlove with me. Fuck.

"You're so cute-" She giggled, napatulala ako habang nakatitig sa kanya, bakit ang ganda nya sa pagkakatawa nyang 'yun? Para syang Dyosa... not to mention na ang ganda nya lalo sa suot nya ngayon. "May problema na pala, hindi ka nagsasalita dyan," Sabi nya sa akin kaya naman napapout ako. Kasalanan ko bang nahihiya ako kung paghihiwain ko pa sya ng kinakain ko, eh ang tanda tanda ko na? "Wait." Sabi nya sabay usod ng kaunti at kuha sa plato ko. Unti unti nyang hinati ang manok na para bang propesyonal sya.

"Paano naman, nahihiya ako sa'yo. Baka sabihin mo na ang tanda tanda ko na tapos nagpapahiwa pa ako sayo." Sabi ko sa kanya. Natapos naman agad sya sa paghiwa sa manok ko kaya agad nyang binalik sa akin ang plato na may hiwa hiwang manok. "Thank you." Sabi ko nang makuha ko ang plato.

"Always welcome," Ang ganda ng pagkakangiti nya sa akin. Para bang model sya ng isang toothpaste sa ganda at puti ng ngipin nya. "Tsaka wag kang mahihiya sa mga ganung bagay."

"Paanong hindi? Eh ang tanda ko na-" Hindi ko na natapos dahil ayun, umariba na naman ang banat nyang nakakapanghina ng tuhod ko.

"But you'll always be my baby."

• • •

"SANA maulit pa," Mahinang wika ko habang hindi nakatingin sa kanya. Pauwi na kami ngayon at nagdadrive ako as usual. "Sobrang saya ko dahil ngayong araw, nasa akin lang ang oras at atensyon mo." Wala akong Bogum na kaagaw.

"Mauulit naman talaga." Tugon naman nya sa akin. Mararamdaman mo sa boses nya ang pagod pero masaya ako dahil naririnig ko din dito ang saya. Salamat naman at napasaya ko sya kahit papaano. "I mean, pwede namang maulit kasi hindi ka naman masyadong busy sa ngayon, at ako-"

"At ikaw, busy ka kay Bogum." Putol ko sa kanya. Natigilan naman sya at kahit na hindi ko sya tinitignan- alam ko na nagulat sya.

Napangiti nalang ako ng mapait at napailing, "Alam ko naman."

"Seulgi-" Mukhang mageexplain pa sya pero gaya nga ng sabi ko dati, I'm done with all of these shits kaya naman agad ko syang pinatigil.

"Tanggap ko na naman, Irene. Tanggap ko na mas may epekto sya sayo kesa sa akin. Na mas guato mo syang kasama. Na mas mahal mo sya. Pero sana lang wag mo akong iwan," Mahina ngunit malungkot kong sabi. Ni hindi ko magawang tignan sya dahil ayokong makita ang reaksyon nya. "Kasi kahit na hindi mo ako mahal, mahal na mahal pa din kita."

• • •

Good evening, luvies! Matulog na kayo!

She's a monster | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon