Chapter 5

1.4K 52 40
                                    

AN; Basahin nyo to bago kayo matulog. Good night, everyone!

• • •

YUMUKO ako habang hinahanda ang mga pastries at juice. Ang sakit lang kasi nakuha pa nya talagang magsinungaling. Araw araw silang lumalabas ni Bogum, tapos magkaibigan lang sila? Mas madalas na nga silang magkasama kesa akin, tapos kaibigan nya lang? What a joke.

Sa totoo lang, hindi naman ganito si Irene. Hindi talaga sya ganito. Sweet pa nga kami dati. Mabait sya at ako naman, medyo tanga. Pero kahit ganun, mahal na mahal nya pa din ako at ganun din naman ako sa kanya. Hindi 'ko nga alam kung bakit nagkaganito kami. Napansin 'ko nalang na unti unti na syang lumayo sa akin. Hanggang sa sinusundan 'ko nga sya at makitang madalas silang magkasama ni Bogum. Tapos madalas pang mainit ang ulo nya sa akin. Pag galit sya, sa akin nya binubunton. Nahihirapan din ako. Actually, sobrang nahihirap na ako, eh. Pero dahil nga mahal 'ko sya, hindi 'ko sya kayang iwan. Oo, paulit ulit na ako. Pero masisisi nyo ba ako? Eh mahal ko naman talaga sya kaya kahit maraming dahilan para iwan sya, bumabalik at bumabalik pa din ako sa kanya. Kasi mahal ko sya at kahit anong gawin 'ko, hindi talaga mawala wala ang feelings 'ko sa kanya.

"Babe." Napapitlag ako ng may magsalita nun. Lumakas bigla ang tibok ng puso 'ko ng maamoy 'ko ang paboritong pabango ni Irene. Ramdam na ramdam 'ko ang kamay nya na yumakap sa bewang 'ko. Nakaside hug sya sa akin habang nakasandal ang ulo nya sa balikat 'ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib 'ko, puta lang. "Namiss kita."

Napangiti naman ako ng palihim habang inaayos ang meryenda nila Sana at Mina. Kahit na sobra nya akong nasasaktan, sya pa din talaga ang nakakapagpangiti sa akin. Sya at sya lang ang nakakapagpatawa sa akin ng sobra. Napapasaya nya ako kahit na madalas ay nasasaktan lang ako. Kahit ilang luha man ang binuhos 'ko para sa kanya, sya pa din ang dahilan ng pagngiti 'ko.

"N-namiss din kita."
Sabi 'ko naman. Sobra sobra, Irene. At hindi mo alam kung gaano akong nasaktan nung malaman 'kong kasama mo na naman si Bogum.

"Pagkain ba nila Mina 'yan?" She asked me, glancing at the pastries and juice.

I nodded, "Yup."

"Hmm," Humigpit ang yakap nya sa akin, ramdam nya kaya na kinakabahan ako? Sobrang kinakabahan ako. "Ako wala?" Alam ko na nakapout pa sya habang sinasabi 'yan.

Napatawa ako ng mahina, "Gagawa kita."

"Thanks." Sabi nya kaya naman humarap ako sa kanya. Hindi 'ko naman inaasahan na pagharap 'ko ay sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Napalunok pa nga ako dahil sobrang lapit na ng labi ko sa labi nya at isang nguso 'ko lang, nagkiss na kami. Napatitig ako sa mapula nyang labi at para bang inaakit ako ng mga ito.

"Irene—"

Hindi ko na nasabi an sasabihin 'ko dahil nagulat nalang ako ng halikan nya ako. Smack lang pero sobrang lakas ng epekto sa akin. Para bang first time naming magkiss kahit hindi naman. Matagal tagal na din kasi ng huli nya akong halikan. Kaya naman sobrang lakas ng tibok ng puso 'ko ngayon.

"I-irene." Gulat na sabi 'ko at napahawak nalang sa labi 'ko habang gulat na nakatingin sa kanya.

Napapangiti nya akong tinanong, "Why?" Parang bata na sabi nya. "Girlfriend kita, may karapatan naman ako, ah." Sabi naman nya at napangiti na. Bakit ganito sya? Good mood ba sya dahil nagkita sila kanina ng totoong mahal nya?

"H-hindi lang ako makapaniwala—" Hindi na naman ako natapos dahil hinalikan na naman nya ako. This time, tumagal ng limang segundo ang halik nya. Hindi nya alam na sobra akong kinakabahan. Gulat na gulat pa ako sa mga nangyayari. Hinalikan nya ako ng dalawang beses. Paano ako magrereact? Siguro dati, normal lang sa amin 'yun dahil magsyota naman talaga kami. Pero paano ngayon? Alam 'ko pa naman na hindi ako ang totoong mahal nya at pinagtataksilan nya ako. Pero bakit ganun sya makahalik sa akin? Para bang ingat na ingat sya sa mga labi 'ko. Kung makahalik sya kanina, masyadong gentle. Para bang mababasagin na bagay ang labi ko na natatakot nyang mabasag.

"I love you!" Natatawang sabi nya bago tumalikod. Siguradong pinagtatawanan nya ang gulat na gulat 'kong mukha. Mukha pa akong tanga dahil nakahawak ako sa labi ko at nakaawang pa ang labi 'ko. Pinagmumukha mo na namang tanga ang sarili mo sa harap nya, Seulgi.

Mahal nya daw ako? Sana nga totoo ang mga 'yan, Irene. Sana nga totoo na mahal mo ako para hindi ako nagmumukhang tanga. Para hindi ako nasasaktan. Sana nga mahal mo talaga ako.

"I love you, Irene." Mahinang sabi 'ko kahit na alam kong wala na sya dito. Hindi 'ko sasabihing too dahil hindi naman ako sure kung mahal mo talaga ako at kung meant mo ba ang mga sinabi mo kanina.

• • •

NILAPAG 'ko ang meryenda ng dalawang ugok na nasa sala at nakaupo sa couch.

"Oh, yan na ang meryenda nyo." Sabi ko sabay upo sa harap nila. Wala na si Irene dito. Malamang ay nagkulong sa kwarto namin. Si Wendy naman, kanina pa sa kwarto nya. Baka nanonood o natutulog. Magkasama kasi si Joy at Yeri sa kwarto habang kami naman ni Irene ang magkasama. Si Wendy, magisa lang sya. Sabi nya nga ay sanay na syang magisa. Bumanat pa ang gaga.

"Ang tagal nga, Unnie, eh. May ginawa pa kayo sa kusina no?" Nakakalokong tanong ni Sana habang taas baba pa ang kilay.

Inis na binato 'ko naman sya ng unan. At yun, sapol sa mukha. Buti nga sa kanya.
"Ewan 'ko sayo. Kumain ka nga lang dyan. Bwisit ka." Inis na sabi ko. Lakas makaepal, eh.

"Unnie. Sigurado kayong ayos lang kayo, ah? Baka mamaya, hindi mo lang sinasabi sa amin." Sabi naman ni Mina habang nilalantakan 'yung tart.

"Wala nga sabi kaming problema, promise." Nakangiting sabi 'ko. "Mahal 'ko sya at mahal nya din ako. End of the story." Sabi 'ko pa kaya naman tumango nalang sila at ngumiti.

Habang kumakain sila, hindi 'ko maiwasang mapabuntong hininga. Iniisip 'ko ang sinabi 'ko sa kanila.

Ang totoo kasi nyan, mahal ko sya at hindi nya ako mahal. End of the story.

• • •

Hello. Good evening! Yung mga may pasok ng maaga bukas, matulog na kayo.

She's a monster | seulreneWhere stories live. Discover now