Chapter 2

21 0 0
                                    

Yatch

Single but not available? Why am I not available? Hindi naman siguro alam ni Gio na gusto ko siya so hindi iyon ang dahilan para sabihin niya iyon. Ayaw ko ng mag-isip tungkol doon. Lilituhin ko lang ang isip ko.

I know myself that I am single and available. Wait, is my heart available?

Okay, enough with these thoughts.

Nagsuot ako ng puting jeans at royal blue na halter top. Ipinares ko ito sa dala kong itim sa pumps. Ang choice ko lang naman ay ang brown na strappy sandals, ang puti kong sneakers at itong pumps. Lumabas ako ng suite at kinatok si Kuya Xander. Tapos na kaya siya?

"Ano, tara?" Aniya pagbukas ng pinto. I must say na kahit naka-pants lang siya at itim na t-shirt, gwapo pa rin siya. Well, it runs in the blood? I guess so.

"May alam akong resto dito. Dinner muna tayo. Baga gutumin ka eh." Ngumisi siya.

Nagdrive siya patungo sa sinasabi niyang restaurant. Walang gaanong tao pagpasok namin.

"Anong sa'yo?" Tanong ni Kuya.

"I'll have, Chicken herb with garlic rice. Mushroom soup din pala and banana split for dessert. Oh and pepperoni pizza too!"

Kuya Xander eyed me at nagkibit ako ng balikat. "Chicken herb din sa akin but carbonara instead of rice tsaka buko pandan for dessert."

"Ano pong drinks nila?" Tanong ng waiter.

"Iced tea na lang." Maagap na sagot ni Kuya Xander.

Bumulong bulong pa si Kuya Xander. "Takaw talaga."

"Anong sabi mo?"

"Ahh wala 'yon. You said gusto mong pumunta sa mga yatch 'di ba?" Tanong niya saakin.

Tumango ako. "Yup. Sayang nga. Sana pala ay nag-aya ako ng mas maaga para nakanuod tayo ng sunset. Pero okay lang atleast makakatingin ako ng stars."

Ngumuso siya. "You sound like an excited kid. Tapos kapag nasa ospital ka, sobrang seryoso mo at pormal. Hindi kita maintindihan talaga." Umiling-iling pa siya.

Dumating ang waiter at inilagay sa harap namin ang nga pagkain.

"Ihahatid na lang po namin 'yung dessert. Enjoy your meal po." Saad nito.

"Ano 'to?" Itinuro ni Kuya Xander ang Chicken herb sa kanyang plato.

"Chicken herb. Duh? Umorder ka hindi mo naman pala alam kung ano." Umirap ako.

"Ginaya lang kaya kita. Masarap ba?" Tanong niya ulit.

"It's basically like chicken roll but veggies ang stuffing instead of ham and cheese."

Humalakhak siya. What's funny? "Ganoon lang pala iyon."

Masarap ang pagkain nila lalo na iyong pizza.

"Gutom?" Natatawang tanong ni Kuya.

Hindi ko siya pinansin. Ang mahalaga, masarap ang pagkain.

"This is a yatch that belongs to my past client. Pinayagan niya ako na pumasok tayo dito."

Naglahad siya ng kamay at hinawakan ko ito. Dinala niya ako sa may deck kung saan kitang-kita ko ang liwanag ng buwan at ang mga bituin. Ang ganda!

Everything was perfect that it felt surreal. How I wish I could stay here forever but I can't. Mas pipiliin kong unahin ang mga taong kailangan ako kesa sa pansariling kasiyahan.

Habang nakatingin ako sa madilim na langit, hindi ko maintindahan kung bakit tumulo ang mga luha ko. Maybe because tears also fall when you are too happy. Ang babaw ng kasiyahan ko.

RuthlessWhere stories live. Discover now