Chapter 16

8 0 0
                                    

Baby Bump

Umuwi ako ng weekend at bumisita kami kina Mamita. Kasama ko si Mommy at Daddy at si Kuya ay hindi makakapunta.

"Mamita, you think I should go and accept it?" Tanong ko at sumandal sa kanyang balikat.

"Kung ako ang tatanungin, bakit hindi? Pero alam kong hindi ka makapag-desisisyon dahil may hindi ka maiwan dito."

I pouted. "Baka kasi kapag tinanggap ko ito, magalit siya sa akin."

"My dear Ellie, don't let him be the reason for you to turn down a great opportunity. Kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya hahadlangan sa mga pangarap mo."

"Paano kung hindi niya po ako hadlangan pero hindi naman siya makapag-hintay?"

"He can wait kung totoo nga ang pag-ibig niya."

Si Mommy ay naghahanda ng pagkain at nilalagay niya ang nga mga luto niya sa mahabang mesa. At natanto kong nakikinig pala siya.

"Hay naku, sige po Mama. Kumbinsihin niyo. Aba'y balak pa yatang i-turn down ang magandang offer." Sabi ni Mommy.

"If you'll ask me, I say you take the offer. Although we are financially stable, magandang maidagdag 'yan sa mga credentials mo."

Mamita is right but a part of me wants to stay here, with my family, with Gio.

Around 5 pm, umalis na kami kina Mamita.

Papa and Mamita hugged me tight. Lalo na si Mamita. Maybe because she knows I'll be busy again.

"You take good care of yourself. I love you." Mamita said and waved goodbye.

"I love you more, Mamita."

I checked my phone and I saw a message from Gio.

Gio:

Hey, pretty. I'll pick you up around 8. Let's have dinner. Shall we?

Me:

Okay.

Mabilis naman ang byahe at naka-uwi rin kami agad.

Maybe I should tell him today about the offer I got. His opinion matters.

For our dinner, I chose a white body con dress. Maaga siya nang kaunti sa sinabi niyang oras at dumating siya na may dalang bouqet.

"Good evening," he greeted with a smile.

"Good evening, Gio. Saan tayo magdidinner?"

Itinigil niya ang kanyang sasakyan sa isang mamahaling restaurant.

"Reservation, Gio Hernaez." Aniya at dinala kami ng waiter sa aming upuan.

Mula sa aming kinauupuan, talagang kita ang mga matatayog na mga impraestraktura na buhay na buhay kahit pa gabing-gabi na.

"Ang ganda..."

"Oo pero ikaw pa rin ang pinakamaganda."

I felt my cheeks blushing at his remark.

"What I'd do to make you blush."

Sandali kaming natahimik. Kumukuha ako ng tamang pagkakataon upang sabihin sa kanya ang tungkol sa offer.

Habang kumakain kami ay sa wakas naka-ipon na ako ng lakas ng loob.

"Gio,"

"Hmm?"

"I was given this opportunity in New York. I was offered to try working there for atleast 6 months."

Mataman niya akong tinignan at nasasaktan ako dahil sa nakikita kong pighati sa mga mata niya.

RuthlessWhere stories live. Discover now