Chapter 32

4 0 0
                                    

Dawn

Matamlay ako pagpasok sa ospital. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa ang pag-alis ni Gio kaninang madaling araw. Sa totoo lang, wala pa akong tulog.

Hindi ako umiimik habang nagkukwento si Cara sa akin ng mga ganap habang wala ako.

"Huy! Hindi ka naman nakikinig eh." sita niya. Napatingin ako sa kanya at medyo matamlay na ngumiti.

"I'm sorry Cara. Hindi ako masyadong okay." pag-amin ko.

I left her there and tried to keep myself busy. Inasikaso ko ang ilang pasyente at mga paper works para hindi ko gaanong isipin ang bumabagabag sa akin.

Binisita ako ni Alzeth at agad niyang nahimigan na hindi ako maayos.

"I know you too well. You're not fine..." nanliit ang mga mata niya. I tried to smile for him but it didn't work.

His brow was raised at nakatingin siya sa akin, naghihintay ng sagot.

Sumandal ako sa kanya. "Gio, he left for Singapore this morning. I feel bad."

He didn't say a word but his actions made me feel comforted.

My week went on and it was fine. I was busy with work, like the usual. Biyernes ng hapon, umuwi ako sa condo ko. I was hoping for a little rest pero sinalakay ako ng mga pinsan kong single at walang magawa sa buhay. What are they doing here at 9 p.m.? Palibhasa ay alam ni Kuya ang passcode ng unit ko.

They were dragging me from bed. "Sama ka na!" pilit ni Kuya Xander.

"Kuya, gagawin niyo lang akong driver kapag lasing na kayo." sabi ko naman at pilit na hinihila ang kumot ko.

"Precisely my point! We won't worry about drunk driving because we have you with us." He even wiggled his brows.

I rolled my sleepy eyes. Arguing with this guy is just so annoying. Hindi talaga siya mauubusan ng ibabato. What was I expecting from Atty. Xander Villarama?

"Si Alzeth," I reasoned at tumawa ang kapatid ko.

"My lovesick sister,"

"Akala mo ikaw hindi." singit ni Kuya Xander.

"Pwede naman kasi kayong umalis ng wala ako. If you guys want, tatawag pa ako ng driver kung inaalala niyo lang naman walang magmamaneho kapag lasing na kayong lahat."

Tinignan ako ni Kuya AJ, nangongonsensya ang mga mata niya. Ano ba naman itong mga ito!

"Bihira na nga lang kaming magyaya..." pagmamaktol niya. Para siyang batang hindi binilhan ng gustong laruan.

My cousins seriously need steady girlfriends or even wives para naman hindi nila ako ginugulo. At the back of my mind, though, I was thinking that I'll miss this one day.

"Fine. Sasama na ako, I'll just call Alzeth." suko ko at hinablot ang phone. I tried calling Alzeth, matapos ang limang attempts, wala pa ring sumasagot so I just texted him.

Me:

Love, I am going out with my cousins tonight. Ayos lang ba?

Ilang minuto pa ang lumipas but I got no response from him. Usually, he replies a minute or two after I text him. I pouted a little.

"Kuya, hindi pa nagrereply si Alzeth." sabi ko kay Kuya Xander.

"Kami na bahala magpaalam. Bihis ka na." he said.

I went ahead and took a bath. Suot ko ang isang pulang asymetrical na dress at pumps. I tied my hair into a ponytail and went out of my room.

"Woah! Looks like someone will rock the dance floor later." kantyaw ni Kuya AJ at binatukan siya ni Kuya Luke.

RuthlessWhere stories live. Discover now