Chapter 7

18 0 0
                                    

Sick

"One more shot!" Hiyaw ni Kuya Xander mula sa backseat. One more shot your ass Kuya Xander.

Mukha na siyang masusuka anytime tapos isa pa? Kung sabagay, sa kanya naman itong sasakyan. Ayaw na ni Kuya AJ na dalhin ang sa kanya.

As expected naging driver lang ako ng mga pinsan ko. Si Kuya Luke ay nasa front seat at ang himbing na ng tulog. Well, atleast he's not the type to do anything stupid when drunk. It's just weird he let himself go drunk today, it's unusual of him and his high tolerance.

"Send me your location," kanta ni Kuya MJ.

"Why have a girl send her location to you Michael? Damn, you're so weak, sundan mo na lang!" Sabi ng kakambal nito sakanya.

Sa kalasingan nila, pati lyrics ng kanta ay sineseryoso na nila masyado.

Naka-ilang bar ba kami? Tatlo? Gaano ba karami ang naiinom nila sa bawat pinupuntahan namin at ganyan sila kalasing?

Napabuntong hininga ako. My cousins are quite decent but when drunk, you wouldn't want to see them. But they are funny.

"You're no fun, Ellie! Bakit humuhuwi na shayo?" Ani Kuya Xander, lasing na nga. It's quite unvelievable that he has won several cases in the court.

Pag-uwi namin, nagpatulong ako kina Dad na ihatid ang mga pinsan ko sa mga guest room at si Kuya sa kwarto niya.

Natulog na rin kami at nagsimba kinabukasan.

Simula noong naging busy ako sa med school at sa propesyong napili ko, may mga linggong mag-isa lang akong nagsisimba dahil sa schedule ko.

I went back to the hospital after a lunch with my fam.

Since I was quite guilty na two days akong wala, inabala ko ang sarili ko sa pagtatatrabaho.

The next morning, wala pa akong almusal bukod sa kape ay dumiretso na ako para magperform ng isang operasyon.

Natapos ito after 2 hours at para akong zombie paglabas. Kulang sa tulog, gutom, at malalim ang eyebags. Pero ayos lang naman dahil ligtas operasyon ng pasyente.

"Dra. Villarama, may naghahanap po sainyo. Alzeth de Vivar daw po." Sabi ng isang nurse sa front desk.

Parang narinig naman ito ni Alzeth at lumingon siya. He smiled at me.

"Alzeth, hi! What brings you here?"

"I brought lunch for you, baka lang hindi ka pa kumain." He showed me a paper bag with food na mukhang lutong-bahay.

"Thank you, tamang-tama hindi pa ako nakakakain. Doon tayo sa cafeteria?" I offered.

He nodded at tinignan ako ni Cara with suspicious eyes. Cara talaga. By now, she probably thinks of different things.

Bago kami makarating ng sa cafeteria ay nakaramdam akong ng hilo.

"Ellie," inalalayan ako ni Alzeth. Hinilot ko ang sentido ko at pumirmi, nagbabaka sakaling mawala ang hilo ko ngunit hindi.

"Tara dalhin kita sa ER," sabi niya ngunit mariin akong tumanggi.

"Just bring me to my condo. Please. "

Inakay niya ako at pagdating namin sa parking lot, nawalan na ako ng malay.

I gained consciousness and realized I was in my condo. Beside me was Alzeth and Dra. Jean.

"Gising ka na pala. Buti na lang hindi ka pinabayaan ni Mr. de Vivar. Okay ka naman, overwork lang tapos nalipasan ka ng gutom." Paliwanag nito.

"Ikaw naman kasi, dalawang araw ka ngang wala, subsob ka naman sa trabaho pagbalik mo. Magpahinga ka na dito, ako na magsasabi sa kanila." She said as if she's my Mom. Nakatayo naman sa gilid si Alzeth at tahimik na nakikinig sa aming dalawa.

RuthlessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz