Chapter 27

5 0 0
                                    

Truth

Kahit hindi pa sumisikat ang araw ay bumangon na ako. It's 4:30 AM, kahit pa medyo napuyat ako kagabi ay maaga pa rin akong gumising. I did my usual morning rituals and went downstairs to cook.

I didn't take a bath yet, naghilamos lang ako at nag-toothbrush. I tied ny hair into a bun, too, so it's out of the way.

Naabutan ko nang nagkakape si Mommy at Daddy.

"Good morning, Mom and Dad."

Mom smiled at me and Dad did the same.

"Dapat pala ay hindi ako uminom kagabi," sabi ni Daddy.

"Masabi lang kasing kaya mo pang makipagsabayan sa mga pamangkin mo," tumatawang sambit ni Mommy. Napangiti na rin ako habang umiiling.

"I'll cook soup for everyone, My. I'm sure they all have hangover."

Ngumisi si Mommy. "I'll cook breakfast, too."

Sabay kaming nagluto ni Mommy. Nauna lang ako sa kanya na matapos dahil mas marami siyang niluto.

Ang ilan kong pinsan ay bumaba na. Umupo si Kuya Xander sa hapag. "Mabuti na lang weekend ngayon," aniya at ininda ang sakit ng kanyang ulo.

Si Kuya MJ ay bumaba na rin at halatang may hangover din sila. Maging si Ate Cielo ay bumaba bitbit si Gabe.

Sinalubong ko siya at kinuha si Gabe. The cute baby started to mumble.

"Tulog pa po si Drei, hindi ko na muna ginising. Mamaya na po siguro siya mag-breakfast." kwento ni Ate Cielo.

Kuya Xander smirked. "Gano'n talaga iyon kapag nalalasing."

"Ayos lang naman, madalang na lang niyang nagagawa."

Hinalikan ko sa pisngi ang napaka-cute kong pamangkin at ibinigay siya kay Kuya Xander dahil nagpapakuha siya rito.

"My, ipag-akyat ko lang pong breakfast si Alzeth."

Makahulugan ang tingin at ngiti ni Mommy sa akin habang iniaabot ang breakfast table.

Hindi ko na pinansin iyon at umakyat na. I opened the door dahil hindi naman talaga naka-lock.

Umupo ako sa kama at inilapag sandali ang breakfast table na may pagkain para kay Alzeth.

Hinaplos ko ang buhok niya at tinapik ang pisngi niya. "Alzeth," I called him.

Nakangiti ako habang marahang tini-trace ang facial features niya. Tumigil ako sa matangos niyang ilong at napasinghap ako ng hawakan niya ang kamay ko habang nakapikit pa rin. He kissed my hand and pulled me for a hug.

"If this the face I would wake up to, all my mornings would be fantastic." he smirked.

My heart fluttered with what he said.

"Pinagdala kita ng almusal," sabi ko at kumalas mula sa yakap niya.

"Wala naman akong makitang pagkain. Ikaw lang ang nandito, ikaw ang breakfast ko?" he asked playfully. Tinampal ko ang braso niya. Nakakainis talaga siya! Is he still drunk?!

Kinuha ko ang breakfast table at inilagay sa harap niya. Nagdala rin ako ng gamot para sa hangover.

He was smiling like an idiot while I was watching him eat.

"Eat," utos ko. Ngumisi siya at nagpatuloy sa pagkain but once in a while, he looks at me as if he'll lost me in his sight anytime.

"Uwi ka na muna sa condo mo, I'll shop for clothes today with your mom." I told him. Tinext ko si Tita kagabi na wala akong trabaho bukas at libre ako para buong araw.

RuthlessWhere stories live. Discover now