Chapter 17

13 0 0
                                    

Sorrow

The scent of garlic rice filled my nose when I woke up. It's past 6. Naglakad ako palabas ng kwarto pagkatapos mag-toothbrush gamit ang extra ni Alzeth.

Naabutan ko siyang nagluluto suot pa rin ang boxer shorts niya kagabi ngunit ngayon ay apron na lang ang pantaas. He looks like some international model.

"Good morning," bati ko.

"Let's eat." Aniya kaya umupo ako at nagsimulang kumain. He cooked bacon and eggs and his garlic fried rice is superb.

"Wala kang work today?" Tanong ko.

"Nag-leave ako ng 2 days."

My cheeks heated up. Nakakahiya. Nag-leave ba siya para lang mapagsilbihan ako habang nandito ako? Nakakahiya. Kaya lang kapag sa condo ko, ako lang mag-isa at baka umiyak lang ako maghapon at hindi kumain. Kung uuwi ako sa bahay, paniguradong mag-aalala sa akin ang parents ko. Hindi ako pwedeng umuwi ng may namumugtong mga mata at malalim na eyebags. Siguro ay okay lang na makita ako ni Mommy but definitely not my brother.

Hanggang mamayang gabi lang siguro ako dito at uuwi na muna sa condo dahil wala akong choice. I am not feeling well to go to work anyway.

"Thanks for letting me stay here." Sabi ko at ngumiti kay Alzeth.

"Don't thank me. I am just worried you might commit suicide kung mag-isa ka sa condo mo."

Umiling ako. "I won't do that. Iiyak lang ako pero hindi ko tatapusin ang buhay ko."

"Good to know. Stay here as long as you like." Aniya at kumain na ng tahimik.

I just noticed he became less talkative now. I miss him being full of words when we talk. Ano ba kasing nangyari sa hindi niya pagpaparamdam ng ilang buwan?

Nginitian ko siya ngunit ibinaba niya lang sa pagkain ang tingin niya. "Sungit." bulong ko na parang narinig parin naman niya.

"Sinong masungit?"

"Ikaw." Matapang kong sagot.

"You can't expect me to be happy while you are so heart broken here."

Natahimik ako. Ayaw niya sigurong isipin kong insensitive siya.

"By the way, here's my phone. Use it for now. Mamayang after lunch pa madadala ng secretary ko ang charger dito."

Tumango ako. Makakatulong siguro kung maglilibang akong through his phone para mabaling ang atensyon ko dito. Everytime I am not doing anything, bumabalik sakanya ang isip ko.

"Saan ka natulog kagabi?"

Parang mabubulunan siya pakarinig ng tanong ko.

"How would I sleep if I am worried na mabangungot ka?"

So it was him talaga? But the thought he watched me sleep is a bit embarassing. Tumutulo ang laway ko kapag tulog.

I sat comfortably in his sofa. Parang kung umasta ako ay condo ko ito.

Una kong binuksan ang aking facebook. Minute ko ang notifications ni Gio. Tambak ang mga messages at missed calls niya sa akin. Nabasa ko ang ilan.

Gio:

I didn't know that would happen. I swear used protection.

So they really did it huh? You're a fool, Elliana! S'yempre naman!

Gio:

I am deeply sorry Ellie.

Gio:

Where are you? I am worried.

RuthlessWhere stories live. Discover now