Chapter 24

4 0 0
                                    

Home

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Alzeth. Nagmamaneho siya habang hawak ang isang kamay ko. Kanina ko pa binabawi dahil baka mabangga pa kami dahil dito.

"Someone important to you." Sagot niya. Who could that be?

Tumingin ako sa dinaraanan and it was familiar. I think I know where he is taking me.

Sa byahe ay nag-ring ang phone niya at call ito mula sa mommy niya. It's connected to his car kaya naririnig ko ang usapan.

"Ma, yes?"

"Are you with Ellie?" Rinig kong tanong ng Mommy niya.

"Opo. She's here with me." Nakangisi niyang sabi na parang may ibang kahulugan 'yon.

"Ellie! Dito na kayo maghapunan ha?"

"Sige po, Tita." tugon ko.

"At kung pwede sana, samahan mo akong mag-shopping minsan." saad niya, sounding a bit girly.

"I would love to, Tita. Sasama po ako."

Natatawa at naiiling si Alzeth sa amin ng mommy niya.

"Ibaba ko na. You both take care."

Parang baliw na ngumingiti si Alzeth out of the blue. I was so weirded out.

"Para kang tanga," I commented. Para siyang matatae na hindi maipaliwanag.

Tinignan niya lang ako at nginitian. Tignan mo 'to.

Tama nga ang hinuha ko. Narito kami kung saan nakahimlay ang Mamita. Alzeth took out white roses from his car. Ready, huh?

Naglakad ako papunta sa himlayan niya at nagdasal.

"Mamita, I miss you." Bulong ko.

"Ang ganda pala sa NYC kaya lang mas gusto ko rito. I wish you were here now."

Suddenly I felt warm air which for some reason comforted me. Mamita?

I love you, Mamita.

Siguro ay isang oras kaming nanatili doon. I wasn't crying anymore but still, a part of my heart was aching.

Alzeth opened his arms and embraced me tightly.

"Tara punta na tayo sa inyo, umuwi ka na." natatawa kong bulong.

"This is my home. I'm home in your arms."

My heart fluttered. I feel like Alzeth is hearing it.

Hinila ko siya paalis doon at papunta sa sasakyan niya.

"You want me to drive?" I asked and winked.

Nagulantang siya at hindi ako naghintay ng sagot. I took the car keys from his pocket and went to the driver's seat.

Wala na siyang nagawa nang paandarin ko ang sasakyan niya.

I went to their house once at agad kong natandaan kung paano papunta rito. I have a strong memory when it comes to places.

"Ellie! Oh my! Beautiful as usual!" Tita complimented.

Bineso ako ni Tita. "Pasok ka. Sayang at wala si Isabelle. She's fond of you,"

Alzeth chuckled. "Who isn't?"

Tumawa si Tita at pinatuloy kami sa loob. Kumpara noong huli akong nagpunta ay mas tahimik ngayon. Wala pala ang daddy ni Alzeth at ang Ate niya ay naroon sa bahay nila.

"Sandali lang hija, may bibilhin lang ako sa labas ng village."

"Samahan ko na po kayo." I offered.

RuthlessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum