Chapter 3

18 0 0
                                    

Royalty

"Mamita, isn't this too much?" Tanong ko habang nakaharap ako sa salamin. Parang ako ang may party. Pinaayusan pa ako at pinagawaan ng gown. Kapag si Mamita talaga ang may gusto, hindi ako makatanggi. Everything she wants for me is extravagant.

"No, my dear! Nababagay lamang sa'yo 'yan. You are gorgeous!"

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Ang suot kong gown ay ombré blue. Light shades sa taas at dark pababa. Ang buong family ay naka-blue. It symbolizes the pristine blue waters of the seas in our beach resorts.

Halter ang style ng top nito dahil sabi ni Mamita ay bagay daw sa akin and the back was bare. May slit din ito na hindi naman ganoon kataas. Ang aking buhok ay pinaayos din. My hair was tied up in a bun and strands of hair fell down. Sinadya ito ng hair stylist. Light lang ang make up na nilagay sa akin dahil iyon ang gusto ko.

"Hala! Ikaw na lang paglilihian ko! Ang ganda mo." Ani Ate Maddie na parang hindi buntis dahil ang sexy niya sa kanyang suot. Her legs were exposed because of the high slit of her dress.

Hinawakan ni Ate Maddie ang kamay ko at tinignan ko. Her eyes twinkled."Naku, baka maging masungit din ah?" Biro ni Kuya Jack.

"Atleast maganda tsaka matalino! Doon ka nga! Nahihilo ako sa amoy mo!" Tinulak ni Ate Maddie ang kanyang asawa at natatawa na lamang ako sa kanila.

"Hindi kita maintindihan talaga! Ayaw mo ng ganito, ayaw mo ng ganyan." Nagkakamot ng ulo si Kuya Jack. Bigla naman siyang sinapak ng kararating lang na si Kuya Drei.

"Malamang buntis! Utak naman, insan."

Tumawa si Ate Cielo. Kahin tumatawa, mahinhin."Gano'n talaga, Jack. Noong pinagbubuntis ko si Gabe, naiinis din ako sa amoy ng pabango ni Andrei. Mas gusto kong amoy pawis siya. Nakakadiri 'no?"

Nagtawanan kami. Pati si Mamita ay natawa na din saamin.

"Tapos Jack, ala-una ng madaling araw, naghahanap ng lansones. Ang mahirap pa, hindi naman season ng lansones." Kwento ni Kuya Drei na parang may halong pananakot.

"Babe, gagawin mo din ba saakin 'yon?" Inosenteng tanong ni Kuya Jack sa asawa niya.

"Talagang ganoon kapag naglilihi, hijo." Paliwanag ni Mamita.

"Mama, kids, baba na kayo. Magsisimula na in a few minutes." Ani Tito Andres. Lumabas kaming lahat sa suite at bumaba.

Nagpa-picture muna ang buong pamilya bago maglakad isa-isa sa red carpet ang aming mga magulang, si Mamita at Papa. Huli kaming naglakad.

Hindi ko alam kung saang camera ako haharap noong naglakad na kami ni Kuya.

I felt like a queen walking down the carpet. A queen with an invinsible crown.

Umakyat kami sa entablado at umupo sa isang mahabang presedential table.

Tumayo sa harapan si Papa at ibinigay sakanya ang mikropono.

"50 years ago, my father offered me a business in Spain, but I refused. Matigas ang aking ulo at gusto kong sarili ko ang negosyong papatakbuhin ko. Ipinatayo ko ito, ang aking unang hotel. Raising 3 sons while handling 3 hotel and resorts in the Philippines was not a joke." Humalakhak si Papa.

"Noong maka-graduate ang panganay kong si Andres, tuwang-tuwa ako dahil sa wakas ay hindi na ako mag-isa sa lahat ng trabaho. Lalo nilang pinalagong magkakapatid ang mga negosyo namin. Proud ako sa aking mga anak dahil nagawa nilang paabutin hanggang sa ibang mga bansa ang mga hotel and resorts namin. And now, 50 years later, we are now succeessful. To everyone, gracias." Papa delivered.

RuthlessWhere stories live. Discover now