Chapter 5

27 0 0
                                    

Save

"This is a weird morning, pareho kayong nandito." Dad commented and laughed. Mom did too. Seriously? What's with people laughing? Kaninang madaling araw sinimulan ni Kuya tapos 'yung parents namin.

"Buti naman at umuwi kayo dito kagabi?"

"Hmm, someone's brokenhearted." Kuya revealed.

Gosh! Sometimes ang sarap takpan talaga ng bibig ni Kuya. Kaya wala 'tong girlfriend eh! Madaldal masyado.

"Bakit? Pareho naman kayong walang love life," my mom is so millenial. Akala mo ka-edad lang namin siya.

"Mom, don't believe Kuya all the time." Sabi ko.

"What? I'm stating a fact," Kuya laughed. I was happy tho. He was kind of quiet for a quite a few months.

"Well, okay. I was hurt last night."

Tumingin lang si Mama sa akin at ngumiti.

"That's normal if you are in loved. But please take it slowly, baka mauna ka pa sa Kuya mo."

Humalakhak kaming lahat. "You're weak, son!" Pang-inis pa ni Daddy.

Kuya pretended na wala siyang naririnig pero alam ko namang deep inside napipikon na siya.

This kind of weird but fun moments with my family just make me forget na nasaktan pala ako kagabi.

That morning, I went to the hospital. Everyone was greeting me with smiles so sinuklian ko naman.

My mom said, kapag nginitian ka, ngitian mo rin. Baka raw kasi nakatadhanang maging part ang tao na 'yon ng buhay mo, kaya lang dahil hindi mo nginitian, naudlot. Hindi nga lang applicable minsan. Malay ko naman kung killer pala 'yung nginitian ko or something.

"Dra. Villarama, may nagpadala po kaninang maaga." Iniabot sa akin ng isang OJT nurse ang isang baso ng coffee na medyo mainit pa at may smiley. Kanino naman galing 'to?

Who could possibly send me coffee? One of my cousins?

"Ano daw ang pangalan?" Tanong ko.

"Hindi po nagpakilala. Pero gwapo po tapos mukhang CEO."

CEO? It can't be Kuya. It can be one of my cousins tho. Maybe Kuya Xander in a formal attire at napagkamalan lang na CEO. Or any of them, kasi baka na-chismis na ako ni Kuya Luke by this time.

"Anyway, thank you."

I saw a familiar woman walking in the hospital carrying a child. It's Alzeth's sister?

She was in so much pain when she first saw me, I doubt kung matatandaan niya pa-

"Dra. Villarama! Hi, I'm Zeline de Vivar- Manzano. Sister ako ni Alzeth de Vivar, you probably know him." She approached my kindly.

She offered me her hand at tinanggap ko naman ito.

"Ellie Villarama, I saw you nung manganganak ka. Hindi ko naisip na matatandaan mo pa ako."

She laughed. "Nakwento kasi ng kapatid ko na napagkamalan mo siyang asawa ko."

Natawa na din ako, I feel so stupid. "It's nice meeting you but I need to go now. My baby just got a vaccine."

"Okay, sure. Ingat."

Palabas sana ako noong bigla na lang may sinugod na babaeng naliligo sa sarili niyang dugo. Kasama rin ang isang lalaki duguan ang noo at ang kasuotan.

"Iligtas niyo po yung asawa at anak ko! Pakiusap!"

He insisted on going with his wife na buntis yata pero pinipigilan siya ng mga nurses at dinadala na rin para magamot.

RuthlessWhere stories live. Discover now