Chapter 9

16 0 0
                                    

Friend

My cousins stayed for the night in Kuya AJ's penthouse.

Sayang lang at wala si Ate Cielo, Kuya Jack at Ate Mads.

They all hugged me super tight. It's funny because they were all in their sleeping attires already.

Marami naman ang kwarto sa penthouse pero ang arte ng mga pinsan ko. Natulog sila sa iisang kwarto at ako lang ang humiwalay.

Kinabukasan ay nagsimba kami. Gusto kong maramdaman 'yung pagmamahal Niya sa akin para hindi na ako maghangad ng ibang pagmamahal na ayaw ibigay sa akin.

Pag-uwi ko sa amin, nagkulong ako sa kwarto. My brother treated me lunch at kahit pa-paano sumaya naman ako.

Hindi pa naman ganoon ka-grabe ang heartbreak ko ganito na ako mag-react paano pa kung galing na mismo sa bibig niya.

Around dinner, umakyat si Mommy sa kwarto ko.

Umupo siya sa kama ko at tumabi ako sa kanya. Nakayakap ako sa kanya. Pakiramdam ko, ligtas ako 'pag ganito. Simula pagkabata, siya na ang takbuhan ko kaya siguro ganito ang pakiramdam.

"Anong nangyari kagabi? Bakit nagkaganyan ka bigla?"

Huminga ako ng malalim.

"Para akong teenager, Mommy. Pero na-hurt lang ako kagabi."

"Eh bakit nga?" Ulit niya.

"Kasi po kasama ko siya kahapon pero lumilipad yung isip niya. Nararamdaman kong may mga priorities siya at hindi ako kasama."

Malungkot akong ngumiti. "Tapos parang nakikiagaw po ako sa atensyon ng iba..."

I thought I've cried enough pero hindi pa pala.

Sumandal ako sa mga balikat ni Mommy at naramdaman ko ang pagbasa ng damit niya.

"I'm guilty, 'nak."

Hindi ako umimik sa sinabi ni Mommy. Alam kong may kasunod 'yong dahilan hindi ko lang alam kung ano.

"I'll let you cry now. Noong mga panahong dapat hinahayaan mo ang sarili mong umibig na gaya ng mga ka-edad mo, pinipilit ka naming mag-aral."

Agad kong itinaas ang aking ulo at tumanggi. "Mom, ginusto ko po 'yon. Masaya ako at walang pinagsisisihan."

"I missed you telling me your feelings like this."

"Hindi ko po masabi sainyo dahil hindi ko rin maamin sa sarili ko."

"Halika na. Nag-aalala na ang daddy mo sa'yo. Babalik ka na mamaya sa condo mo pero hindi ka pa niya nakikita sa buong araw."

About an hour after dinner, bumalik na rin ako sa condo. I tried to browse my instagram account and I saw a very romantic post from Maica but it was heart wrenching on my part.

It was a photo of Gio sleeping on a couch. It looks like wala talagang alam si Gio na kinukuhanan siya. I know when my bestfriend is faking sleep or not.

The photo had the caption 'Find a guy who won't leave you and take care of you when your drunk.'

First of all, it's 'you're' not 'your'. I know I'm being a bit judgmental but it is quite cring worthy.

So Gio stayed with Maica last night? Kung hindi ako nagpasundo kay Kuya AJ malamang ay hindi siya matutulog doon.

I can't help but feel bitter.

Mabilis akong nagpalit at nagsuot ng bikini. Isinuot ko ang aking roba at umakyat sa rooftop dala ang aking cellphone.

Gusto kong maiwan at malunod sa tubig ang mga nararamdaman ko para sa kaibigan ko.

RuthlessWhere stories live. Discover now