Chapter 4

22 0 0
                                    

Faith

"Good Morning po, Manang. Si Ate Mads po nariyan ba?"

Natawa ang matandang ginang. "Kumakain doon sa kusina. Saluhan mo. Nagpabili pa 'yan ng turon."

"Turon? For breakfast?" Natatawang tanong ko.

"Alam mo na, naglilihi."

"Sige po. Puntahan ko na."

Pagkakita ni Ate Maddie saakin, niyakap niya ako. Hindi pa naman halata ang baby bump niya pero medyo tumaba siya ngunit pumuti lalo.

"Kumain ka na ba? Halika, may fried rice dito." Itinuro niya ang plato na may mukhang bagong lutong fried rice.

"Ayos lang ako. Ikaw ba? Turon lang ang kakainin mo?"

"Nagpaluto kasi ako ng fried rice kanina," aniya. "...kaso lang, mas gusto ko pala ng turon. Ayon, pinabili ko si Jack bago siya umalis papuntang trabaho."

"Aayain sana kitang mag-shopping. You might want to buy maternity dresses?"

"Oh my gosh! Sige. Alam mo kasi kapag sinasama ko si Jack, nakokonsensya ako. Halatang naiinip siya pero ayaw niyang ipakita." She frowned.

"Wait lang! Bihis ako ah? Stay put."

"Okay! I'll wait."

Habang hinihintay ko si Ate Maddie, nagtipa ako mensahe para kay Ate Cielo na bibisitahin ko ang pamangkin ko.

Siguro ay naghintay pa ako ng kalahating oras bago bumaba si Ate Mads.

"I'm ready!"

Sa wakas!

"May tiwala naman sa akin si Kuya 'di ba? Ako na ang magda-drive."

"Okay. By the way, ang cute ng outfit mo."

Tinignan ko ang suot kong itim na panloob at deep v-neck na puting dress. Cute?

"Pagkatapos pala nating mag-shopping, pupunta ako kay Baby Gabe. Sasama ka ba?" Tanong ko.

"Oo. Nakakainip sa bahay kapag wala si Jack. Ang OA kasi ng pinsan mo, ayaw akong pagtrabauhin." Umismid siya.

"Tsaka pala papaturo akong umire kay Ate Cielo."

Grabe lang? Umire talaga?

Malapit naman kami ni Ate Cielo pero mas madalas kong makasundo si Ate Maddie. Mahinhin kasi at conservative kumilos si Ate Cielo na sobrang opposite ng asawa niyang si Kuya Drei.

"May OB ka na ba?" Tanong ko habang inililiko ang sasakyan.

"Oo. Si Mama ang nag-recommend eh."

Nagkwentuhan kami sa byahe hanggang makarating sa mall. Agad akong hinila ni Ate Maddie sa maternity section.

"Should I pick this one," itinaas ni Ate ang pulang dress "or this one?" Itinaas naman niya ang dark green na dress.

"I think you should pick this." Itinuro ko ang kulay dark green na damit. Mas bagay kasi ito sa kulay ng kanyang balat.

"Oo nga 'no." She pouted. "Pero I like the other one too. Both na lang!"

Pareho niya itong inilagay sa shopping cart na itinutulak ko. Pareho din naman palang kukunin eh. Naaalala ko tuloy iyong ikwinento ni Kuya Luke sa akin noong minsan.

"Ikaw, aren't you going to buy something?"

"Para sa sarili ko, wala. I'll buy Gabe some toys."

Pagkatapos namin sa maternity section, nagpunta kami sa toy section.

RuthlessWhere stories live. Discover now