Chapter 12

8 0 0
                                    

Passion

"Dra. V, tulaley ka na naman. Pang-ilang beses na 'yan today, I mean this morning." Puna ni Cara.

I kept myself busy today but during breaks ay pupunta ako kina Cara. Ayokong mag-isip masyado tungkol sa nangyari kagabi.

My phone beeped. Text ito mula kay Alzeth.

Alzeth:

I can't be there for lunch. Sorry.

Hindi pa ako nakakapagtipa ng reply mayroon na namang bagong text.

Alzeth:

I have an important meeting until 3 pm. But I promise I'll be there around 6.

Me:

I understand. Don't worry too much about me. Focus ka lang sa meeting mo. :)

Alzeth:

I will. Sabi mo eh. ;)

Kahit medyo hindi maganda ang araw ko, natuwa ako sa wink. Madalas ay smiley lang kapag magka-text kaming dalawa ni Alzeth pero ngayon ay may kindat na.

Hindi na ako nagreply dahil baka magbabad lang ako sa phone ko kapag humaba ang usapan namin at baka hindi siya makapag-focus.

"Sino na naman 'yan? Ngiti-ngiti ka pa,"

Iniintriga talaga ako lagi ni Cara.

"Si Alzeth. He just told me na hindi siya makakapunta ng lunch. Mamaya na lang daw mga 6."

Kinurot ako sa tagiliran ni Cara. "Aray!" Reklamo ko.

"Kinikilig talaga ako dyan kay Alzeth mo. May pambawi agad 'no?"

Mas kinikilig pa saakin si Cara at kulang na lang ay tumili na siya. Fangirling so much over Alzeth huh?

Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kadaldalan ni Cara. Naikwento niya pa ang isang babaeng buntis na nabisto daw ang asawa niyang may kabit pala.

"Nagpa-ultrasound kasi 'yung misis nang hindi sinasabi sa asawa niya. Surprise sana."

"Tapos?" Hala, pati ako nagiging chismosa na.

"Siya ang nasurprise. Kasi lumabas 'yung asawa niya kasama ang kabit na buntis din pala. Nako, sayang talaga at wala ka noon."

"Ikaw talaga. Nahahawa na rin tuloy ako sa pagiging chismosa mo."

Somehow, my pain from yesterday was eased a bit.

Buong araw akong naging abala at bandang hapon ay mukha na akong ewan. Sobrang haggard ko na.

Ang bun ko kanina, messy bun na ngayon.

Mag-aayos sana ako para sa pagdating ni Alzeth kaya lang, nakita naman niya ako sa pinakapangit kong state at ito nga ay ang morning face ko.

At isa pa, hindi na kaya ng concealer ang eyebags ko.

Bandang 6 pm, namataan ko siyang nakatayo sa may pintuan. He wasn't in his usual plain shirt. Suot niya pa ang long sleeves at slacks niya.

Patungo siya sa kung nasaan kami bi Cara. Kinukurot-kurot ako ni Cara sa tagiliran. Pilit kong inaalis ang kamay niya.

"Grabe, future mo kusang pumupunta sa'yo." Bulong-bulong niya.

"Ellie," He called out.

I awkwardly smiled dahil kinukurot pa rin ako ni Cara. Grabe naman talaga 'to.

"Hi, Nurse Cara."

Biglang tumigil ang mundo ni Cara at tumigil din siya sa pagkurot sa akin.

Napailing ako at hinila si Alzeth papaalis doon.

RuthlessWhere stories live. Discover now