18.5: Topher

1K 30 11
                                    

AN/: Play the video! 💕

Music: Gusto kita by Daniel Padilla 😂


Basta ganyan yung vibes sa Kanta!

***

Topher's POV


Kailangan ko pa bang ipakilala ang sarili ko? Well—I guess.

Kahit parang napipilitan lang si author... ( crying emoji 😭 )

AN/: ( -___- )

Yo! Topher Kaizer Galang. Oo, magalang ang Apilido ko. Partida hindi pinag isipin mabuti ni author. Stressed daw siya sa exam, peers, family problems, pati dun sa guard sa school. Hahahahha.

AN/: ( daldal mo Topher. )

Sorry na! Alam mo namang mahal ka namin eh! Kung hindi dahil sa'yo walang gwapong Topher! Kahit masama ang loob ko sa Apilido ko. Ok lang! I'm still greatful. 😘

AN/: ( wag kang sipsip Topher. Walang kayo ni Chandra! Muwahahaha! )

Aray naman... Si Seven binigyan mo ng Madison at Chandra...tapos ako Wala? Mabait naman ako ah? And I'll guarantee you.. aalagaan ko siya. Hindi ko ipaparamdam sa kaniya na option ko lang siya. Hindi ko rin ipapadama na tuwing bored lang ako doon ko siya naaalala.

AN/: ( Nagpaparamdam kaba? Ah ganon? )

Hehe. Peace.
Back to topic.
Topher na lang ang itawag niyo. Burahin ninyo na sa alaala ninyo na Galang ang apilido ko. I'm in College, currently taking Education. Yup. *blush* pangarap kong maging Teacher. Mahirap lang kasi kami noon. Kaya lumaki akong sapat lang sa pang araw araw ang pera namin. Pero kahit ganoon. Priority parin ng magulang ko ang makapag aral ako at ang Ate ko.

Sa awa ng Diyos naka graduate ako ng High School at nagtrabaho dito. ( Yes, actually si Seven ang nagsabi na pwede daw magtrabaho dito kahit sino. Basta wag lang adik 😑) Graduate na din si Ate at isa na siyang successful lawyer. Pero, gusto kong makatapos gamit ang sarili kong kakayahan kaya ako ang nagpapaaral sa sarili ko. Gusto ko kasing turuan yung mga bata na pakalat kalat sa lansangan at yung mga kapit bahay namin dati na walang maayos na Edukasyon. Naaalala ko kasi yung sarili ko noon.

Naks, Oo ako na! Ako na talaga! Hihi. Ano author? Ang bait ko no? Gwapo pa.

Uy, hindi ako nagpapa good shot. Gusto ko lang ipakilala kung sino yung 'totoong ' Topher na Torpe.

Well —hindi naman talaga ako Torpe. Sabi nga ni Chandra Flirt daw ako. Sus, sa'yo lang naman. Pero akala mo niloloko lang kita, inaasar.

Ganito kasi yun....

* Flashback *

Naaalala ko pa— Noong una tayong mag kita sa Jollibee..

Joke.
Nauna kitang nakita noong nagkasabay tayo sa bus. Sobrang na turn off ako sa'yo! Oo! Grabe kasi nakakadiri ka! Biruin mo ba namang nangungulangot siya habang nakatulala sa kawalan! Ang lakas maka Music Video nang peg with matching sundot sundot sa ilong. Ewwww!!

Tinandaan ko yung name ng school niyo sa I.D lace na suot mo. Para kapag may student sa bus na ganoon iiwas ako. Hahahahha. Eh kasi naaalala ko yung pangungulangot mo! Grabe ka. Pwede kasing pasimple lang na pagtanggal? Eh ikaw lantaran!

So ayun. Nakaka turn off. Kaya noong ipinakilala ka ni Bossing Seven sa Restaurant nakilala agad kita! Natawa pa nga ako. Ewan ko ba gusto kitang asarin noon. Tapos ang liit mo pa para kang batang naligaw sa park. Kahit asar-talo ka at pikon na pikon ka saakin lagi pa rin kita inaasar. Ewan ko ba. Tuwang-tuwa ako sa expressions mo.

Seducing SEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon